FIRST GIRL FRIEND
COREEN's POV
"Migs , promise mo ha best friends forever."
"Oo coreen promise." Sabi niya sa akin , syempre natuwa ako. Pero di ko akalaing iiwan niya ako ng di man Lang nagsasabi.
"Migs ang Sabi mo best friends forever , pero bakit mo ko iniwan?" Sabi ko habang umiiyak. Iyak ako ng iyak.
*toot toot toot
Waaaaahhhh! Panaginip Lang pala hay nako napanaginipan ko na naman yung pangyayari na yun. Nakakainis naman eh.
"Coreen!!! gising na may pasok ka pa."
"Sige po pababa na po ako"
Hi! I am Coreen Anne Dela Cruz , 17 years old , second year college sa Inspirits University. Mabait , certified matakaw XD , maganda daw? , matalino daw? , friendly naman ako hehehe XD , mahirap lang kami hindi kami mayaman paano ako nakapasok sa private university? scholar lang ako , di ako katulad ng mga kaklase ko na mayayaman , may mga branded na bag , shoes , at marami pang iba. Ako? wala ako ng mga yan ,ok lang naman sa akin basta may mga pagkain at libro na nageexist, dahil palagi akong walang kasama libro ang karamay ko . May best friend ako nung elementary his name is Lawrence Miguel Suarez , mabait siya , mayaman , matalino , syempre pogi XD at higit sa lahat maalalahanin , at siya rin yung taong matagal ko nang mahal at matagal ko na ring di nakikita. Sa kanya di niya tiningnan ang estado ng pamumuhay ko , tinanggap niya kung sino ako.
"Ma , alis na po ako." paalam ko kay mama.
"Sige , Coreen anak ingat ka."
"Sige po." sabay alis , naglalakad lang ako papunta sa school , papasok na ako ng gate at nagdadaanan na ang mga magagarbong kotse ng aking mga mayayaman na kaklase , pero yaan na sanay na ako sa ganyan na araw-araw kong nakikita. Dumiretso na lang ako sa classroom at pagkalapag ko ng bag ay pumunta agad ako sa canteen at kumuha ng mga panglinis. BAkit? kasi dahil sa scholar lang ako , at kailangan ko rin namang kumita kahit papaano , nagvolunteer ako maging isang working student dito sa university , dahil vacant naman ako sa time na 7:00 mamayang 9:00 pa ang klase ko. Linis linis muna ^_^ , nang makatapos akong maglinis , umupo ako sa may field at kumuha ng libro , isang subject lang aking binabasa lagi at yun ay lahat ng related sa science pero syempre pinakapaborito ko ang part ng mga stars and constellations, ewan ko kung bakit pero napukaw ng science ang interes ko XD.
"Miss , pede bang tumabi sayo?" tiningnan ko ng dahan dahan yung nagsalita , at OMG! isang napakagandang babae ang nasa harapan ko ngayon at may hawak siyang libro , natulala ako sa kanya.
"Uhm , miss pede ba?"
"H-ha? oo naman syempre. hehe." ano ba yan tulo yata laway ko dun ah. Umupo siya sa tabi ko at binuksan yung libro niya at napanganga ulit ako ,dahil sa di ko na kinaya napasigaw tuloy ako.
"Waaahhh!!! mahilig ka rin sa constellations and stars!" pagkasabi ko nan , nagulat siya sa inasal ko kaya napatahimik ako bigla.
"S-sorry"
"Pfft , hahahaha" nagulat ako bigla siyang tumawa.
"Nakakatawa ka naman pala , akala ko kasi snob ka." sabi niya sa akin , huh? ako snob?
"Bakit naman?"
"Kasi nung una kitang nakita , gusto kitang maging kaibigan , pero di mo kinakausap yung iba , lagi kang mag isa kasama mo yung mga libro mo , o kaya naman naglilinis ka , di ka nakikipag usap sa iba except sa mga teachers." andame naman niyang sinabe hahahaha XD.
"Ah hindi naman sa ganon , wala lang talaga akong masyadong kaibigan dito kasi lahat ng nandito mayayaman ako lang ang scholar at mahirap di niyo ako katulad na may malaking bahay , may mga kotse at mga mamahaling gamit , halos lahat ng estudyante dito ang tingin sa akin isang alila lang." ano ba yan nagiging senti na ako.

BINABASA MO ANG
BestFriend
Teen FictionIf only I could turn back time , if I could only find a way I'd take back those things that have hurt you and you'd stay here on my side