.........
"Hoy Anariah! Gumising ka na nga at tanghali ka nanaman gumising!"
"Opo!Gising na po ako!"
Kahit 9:00 palang wushuu!
Sa totoo lang kanina pa talaga ako gising di lang ako lumalabas ng kwarto.Nagiisip kase ako kung ano nanaman ang mangyayari sakin mamaya. Pero dapat diba ay masanay nako? Palagi nalang kaseng ganon, paulit ulit nalang kaya bakit pa ako mag iisip? Sinasayang ko lang ang oras.
Hindi pa pala ako nagpapakilala, Cleive Archaxeq Zobel ang pangalan ko. Hindi kagandahan hindi rin kapangitan, tamang tama lang para saakin..
Minsan o kadalasan ay hindi ko namamalayang may patak na pala ng mga luha ang mga mata ko. Kapag mag isa lang ako doon ako nagmumukmok, dahil sa kabila lahat ng ngiti na pinapakita ko ay may nakatagong kalungkutan.
Sa kabila nito minsan nga naaawa nalang ako sa sarili ko, dahil kahit anong gawin kong pagpapasaya ay ni sarili ko ay hindi ko kayang mapasaya, yung sa loob loob ko gustong gusto ko ng umiyak pero ayoko ipakita na nahihirapan ako o nasasaktan.Habang nagbibihis ako para pumasok, ay biglang may nagsalita,
"Bakit nakauniform kana!? Maaga pa! Magpambahay ka muna!" sabi ni daddy
"Opo, magpapalit napo ako"
Jusmiyo damit ko naman napag intirisan ngayon.
Bakit lahat nalang sakin pinapansin? Oo gusto ko ng napapansin ako, pero hindi sa paraang ipinapahiya ako.Hindi porket nakikita nila ako palaging nakangiti tuwing may sinasabi sila ay hindi na ako nasasaktan, masakit para saakin na parang ako lang ang nagkakamali sa pamilyang ito.
Oo nga, maswerte ako't meron akong pamilya, buo kami pero hindi sapat iyon kung hindi mo naman pinapakita o pinararamdam na mahal ka nila.
Nung inaayos ko na ang pera ko pampamasahe sa jeep ay umasa parin akong ihahatid ako ni daddy sa school.
Pero nung tinanong ko sya ay hindi, hindi nanaman ang sagot saakin.
Palagi nanaman eh ano pa aasahan ko?Habang palakad ako papasok sa school ay chineck muna ang ID namin at binati ko sila ng Magandang Hapon .
"Asan si Brins"Sabi ko
"Kasama ni Canix"Sabi ni Dyone
"Alam mo ba kung saan nagpunta?"Hindi eh. Pagkapasok nya kase binaba nya lang yung bag nya tapos nagpasama sa kanya"
"Ah sige salamat Dy!"
Binaba ko din muna yung bag ko, Ang gaang kase kaya binaba ko. Anong konek? Naglalakad lakad muna ako ng may humatak sa buhok ko. Si Anjheio
"Aray! Epal ka woy!"
"May nakadikit kase kinuha ko lang hehehe"
"Manahimik ka! Sige! Asan yung kinuha mo!?""Lumipad po bigla hahaha!"
"Isa kang malaking pakyu!"
"Tenkyu!"
Nakanang! Masakit yun ah! Pano ba naman hatakin yang buhok mo bigla yung hatak na hatak ah! Anong kinain nun at ako ang pinagtripan.
Minsan talaga di ko maintindihan kung bakit trip ako nang bansot na yun eh. Papansin lang?Papansin ka din naman ah?
Oo alam ko.. Hindi naman kailangan ipaalala hanggang sa tumatak na ito sa isipan ko.
Maya maya lang nakasalubong ko na sila Brins at Canix. Aba yung dalawa ngiting aso mukhang nakita nila ang kanilang mga ginoo.
"Hoy!""Aypusangama!"
Waw duet."Ano nanamang nangyari sanyo at ganyan ang pagmumukha nyo pareho?"
"Pano ba naman kasii ihh! Diba dumadaan kami palagi sa room ni Brally ihhh nakitaa ko syaaaa hihi"
Sabi ni Brins"Eh ikaw naman aber?"
"Pababa kami ni Brins, Tapos nakasabay namin si Arcsi!! Waaahh!!" Sabi ni Canix
"Buti pa kayo.." Mahina kong tugon.
Sabay sabay kaming naglalakad ng biglang-
"Sorry, Pasensya kana"
"A-hh o-okey l-lang"
Si Sealtiel...
Wait.. Loading utakk koo... Si Sealtiel nagsorry? Saken? Bakit? Sya lang naman ang kaisa isang nagustuhan ko Simula pa nung grade 7 ako.
Oo na ako na malantod di nyo ko masisisi Alam kong masyado pa akong bata noon.Alam na rin naman nya na gusto ko sya noon pa"T-tara na Cleive b-baka andyan n-na si s-sir" Brins
Ang bilis ng tibok.. Wag sana..
BINABASA MO ANG
All Lies
RandomNafeel mo na bang magpapansin para lang mapansin ka? Nangyari naba sayo yung ikaw lang ang nagmamahal? Yung akala mo mahal ka din nya pero Hindi pala.. Pag nagmahal ka masasaktan ka sabi nila. Aba malamang, Wala namang taong hindi nasasaktan kapag...