At Martha's
Thirdy's POV
Nakakainis talaga ang maghintay. Ako yung tipo ng taong pinaka ayaw ang pinag aantay. Yet andito parin ako sa resto at inaantay ang pagdating ng babaeng yon. Eight pm ang usapan pero 8:30 na at wala pa siya, not to mention na 7:30 pa ako andito, pagka galing ko sa opisina ay dumiritso na ako dito. Matagal kung pinag isipan ang deal nato at hoping ako na magkasundo kami dito. Kung totoosin its a win-win situation for us at alam kung ito lang tlga ang mas mabisang solusyon. Habang wala pa siya ay magbabasa nalang muna ako ng mga papeles na dala ko galing sa opisina para naman hindi ako lalo pang ma bagot. Abala akong nagbabasa ng mga papeles ng may biglang umupo sa upuan na nasa katapat ko. Nagulat ako at napatingin bigla, its her. Dumating na pala siya ng di ko namamalayan and she looks good tonight. Wearing a floral off shoulder dress, minimal make up and her hair tied up like bun. May ganda din pala ang babaeng to. Nabalik ako sa realidad ng bigla siyang nagsalita.
"Hey! Magtititigan lang ba tayo dito?"
Ahm.. "Sorry" iniling ko ang ulo ko at nag iwas ng tingin sa kanya.
"Since you're here, maybe we can start to discuss our business?" pasimula ko. Tumingin siya sa akin at parang naiinis.
"Wait lang naman. Ganyan ka ba sa mga babae talaga? Di mo man lang sila inaalok ng pagkain or water man lang?" iritadong sabi nya.
"Oh sorry, I forgot. Wait tatawagin ko lang ang waiter." sagot ko. Hindi pa pala kami umoorder at parang napahiya ako sa lagay na yun.
Tahimik kaming kumakain, walang nag abalang magsalita at parang nagpapakiramdan kami kung sino ang mauuna.
Celestine's POV
Aba, loko tong kumag na to ah. Ganito ba tlaga siya mga babae? Parang wala xang paki. Di man lang nagyaya na kumain kami. No wonder walang lovelife to, ang dry makitungo. Jusko di ko tlga take maging asawa tong lalaki nato, mapapanis laway ko.
After naming kumain ay ako na ang nag umpisa ng usapan para matapos na. Gusto ko malaman ano ang pakay nya at nakipagkita siya sa akin. Sana man lang ay maganda ang kalabasan nito dahil kung hindi, nako makukutusan ko tong tukmol na to.
"So, what are we going to disscuss tonight." Nakataas ang kilay kung tanong sa kanya.
Tumïngin siya sa akin at huminga muna ng malalim bago nagsalita.
"I have a proposal for you. A very good proposal." sagot naman nya na lalong nagpataas ng kilay ko.
'Well, Ms.Zamora my proposal is a win-win game for the both of us pag nagkasundo lang tayo."
"Can you pĺease go direct to the point Mr. Villafuerte? Masyado kang pa thrill eh." Irita kung sagot sa kanya na ikinangisi nya.
"Okay, ïf thats what you want. Then... I came up to this solution para sa problema natin, we both know na wala na talaga tayong takas sa balak ng mga magulang natin para ipakasal tayo. So lets make a deal."
"Deal? And what deal is it? Taka kong tanong. Tumikhim siya at nagpatuloy sa pagsasalita.
I came up to this solution, "Contract Marriage" you know what I mean."
"Ano? Tange kaba? Ni ayaw ko nga magpakasal sayo tapos inaalok mo pa ako ng ganyan?"
"Makinig ka muna, hindi pa ako tapos. Kaya nga kontrata di ba? May hangganan!" Sagot naman nya. Bigla akong nagka interest kung ano man itong pinagsasasabi nya.
"Okay, go on." Sabi ko.
"Lets get married!"
"Ano?" Halos lumuwa mata ko sa sinabi niya.
"Its not the marriage that you were thinking. Its a contract, a six months contract to be exact. Magpapakasal tayo, magsasama sa loob ng six months and after that maghihiwalay din tayo." mahabang paliwanag niya.
"Pero paano pag di sila pumayag na maghiwalay tayo?" nagugulohan kung tanong.
"Wala na silang magagawa, we are at our right age so wala na silang dapat ipakialam sa atin. We need to do this kasi ito lang ang paraan. I know, your Dad is also black mailing you of cutting all your financial assets and left you with nothing. My father is doing the same thing to me din. Babawiin niya ang kompanya ko and I cant afford to give it up. Magpapakasal tayo para matahimik sila, we will leave in the same roof as they wanted."
So whats the set up? We should have rules para sa kontratang to. Hindi pwedeng gusto mo ang masusunod.
"Oo naman dapat my rules. Yes we were leaving in the same roof pero dapat andun parin ang privacy for the both of us. Six months is enoug para ma convince ko si Papa na ilipat na sa akin ang kompanya at ikaw din by that time siguro naman may naisip kanang paraan pano makapag ipon ng pera by your own."
"Oo nga. So kailan natin pipirmahan ang kontrata? And dapat nka saad din dun mga rules ah." Pairap kung sabi na bahagya nyang ikinangiti.
"Ayaw mo tlga magpalamang Ms.Zamora. I will email the contract and some of my conditions, ikaw nlang ang bahalang magdagdag ng sayo at email back mo sa akin para magpirmahan na tayo. But I need to warn you, walang dapat makaalam sa deal natin and if that happen patay tayong dalawa."
"Okay its a deal! Sagot ko. Pero...."
"Anong pero?" tanong nya.
Weĺl, my first condition. Sagot ko habang hawak ang wine at umïnom muna dito nakatitig sa kanya at nagsalita.
"Don't you dare fall inlove with me."
Natigilan siyang sandali at ngumiti, ngiting aso to be exact which is ikinainis ko.
Nilapit nya ang mukha nya sa akin at isang dangkaĺ nalng at nararamdaman ko na ang init ng hininga nya."Dont worry Ms. Zamora, that wont happen. I assure you 100%" at kinindatan ako.
Para akong napahiya sa narinig ko at hindi ko inaasahan yun. Iniba ko nalng ang usapan para hindi mahalata. Akala din naman ng tukmol na to na magkakagusto ako sa kanya.
"Okay good! Atleast we clear that it is just purely business, nothing goes beyond." Mataray kung sabi.
Ngumiti lamang siya at nagsalita.
"So... Its a deal?" Sabay lahat ng kamay nya.
"Deal!" Sagot ko naman at tinggap ang kamay nya at nagkamay kami.
Hello.... May nagbabasa ba dito? Hehehe. Paramdam naman! Thanky nga pala for reading my story. Sana po dumami pa at feel free to comment and vote guys... Mwahh.. 😍
BINABASA MO ANG
Let Me Be The One
RomanceCelestine Marie Zamora, mayaman,maganda, at spoiled bratt. Anak nag isang sikat na politiko. Lumaking lahat ng gusto nakukuha at walang ibang alam gawin kundi ang mag enjoy sa buhay at magpasaway.. Thirdy... Ricardo Miguel Romualdes III. Mayaman, g...