In Your Dream!{OneSHOT!}

162 5 1
                                    

Miss Sheena Magdaraog>>>StarCupcake thank you for making the Book Cover nitong oneshot ko ^_______^ sobrang bait po nya promise, kahit sobrang dami kong demand sa kanya ginagawa nya pa din hehehe!! Thank you! Thank you! Wag kang magsasawa sakin >______<

Title: In Your Dream!

by>>>>>shanyi_ua19

Lasing at pasuray-suray na naglalakad si Yazi isang gabi sa daan patungo sa kanila.. Bago nya marating ang kanilang bahay magdadaan muna sya sa kanilang taniman.. Iyon ang ikinabubuhay ng kanilang pamilya. Ang may ilang ektaryang lupain na kinatatamnan ng mga puno ng saging, pinya, pakwan at melon na namana pa mula sa kanilang mga ninuno...

Halos hindi na ito makagulapay kaya naman madalas itong matumba. Kung bakit naman kasi nagpakalasing sya ng sobra-sobra dahil sa dinadala nyang mabigat na problema..

Kasalukuyan na syang nanunulay sa may dalawang dipa ang haba na tulay na kahoy.. May hukay kasi dun na pinagdadaluyan ng tubig para sa mga pananim na saging, pinya, pakwan at melon ng aksedenteng sumala ang paa nya dito at nahulog sya..

Napasigaw ito sa gulat pagkahulog sa mababaw na tubigan at dahil na din sa sakit sapagkat napatama ang noo nya sa isang nakausling bato..

Nawalan sya ng malay..

Madilim pa din ng magkamalay si Yazi at hindi nya alam kung gaano ba sya katagal dun..

Sinikap nyang makatayo habang sapu-sapo ang noong nasaktan.

Medyo wala na ang kanyang kalasingan.. pinilit nyang makaalis sa daanan ng tubig kung saan sya nahulog at nagpatuloy sa paglakad pauwi sa kanila..

Mayamaya ay may nakasalubong syang babae na nagmamadaling maglakad habang nakatungo.. Nagtaka sya dahil sobrang dilim na at halos maghahating-gabi na din.. Hindi ba ito natatakot? Kaya naman naisipan nya itong tawagin.

Humarap ito sa kanya. Tumingin sa kanya ng diretso at nakita nya na umiiyak pala ito..

Napakaganda ng babae sa paningin nya. Akma nya itong lalapitan ngunit bigla itong nagtatakbo, kaya naman napasunod sya dito..

Kasabay ng paulit-ulit na pagtawag sa babae ang pagkalimot sa sakit na nararamdaman nya sa kanyang noo gawa ng pagkahulog kanina..

Pasalamat nalang si Yazi at bilog ang buwan ngayong gabi kay naman nakikita nya kung san nagdadaan ang babaeng umiiyak..

Hindi nya alam kung bakit pa nya ito sinundan gayung hindi naman nya ito kilala..

Patuloy sya sa pagsunod hanggang sa mapunta sila sa may taniman ng pakwan. Napakaluwang ng tanimang iyon. Walang matataas na damo dahil alaga ito ng mga tauhan nila kaya naman kita nya ang babae ng himinto ito sa may gitna..

Binilisan nya ang pagtakbo para maabutan ang babae. Malapit na sya at hahawakan na ito sa braso ng bigla itong humarap..

Laking gulat nya ng makita nyang nagbago ito ng anyo at nagmukhang halimaw (nagbitak-bitak ang mukha nito, nagkaron ng sticky something ewss na tumutulo sa bibig nito...ang ngipin naman nito ay naging parang ngipin ni spongebob *joke* ^____^v naging patung-patung na hindi mo mabibilang kung ilan at napaka dami nitong pangil) unti-unti na ding nangulubot ang balat nito sa mga braso at nung mga oras na yun ay sindak na sindak si Yazi. Ni hindi sya makagalaw sa kanyang pagkakatayo.

Patuloy ang pagbabagong anyo ng babae hanggang mapatingin si Yazi sa bewang nito.. Unti-unting humiwalay ang upper part ng babae sa lower part ng katawan  nito..

Dahil sa nakita at nasaksihan bumalik ang diwa nya at kumaripas ng takbo..

Takot na takot ito kaya hindi na nya alam kung san direksyon na ang punta nya..

In Your Dream!{OneSHOT!}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon