Field Trip

819 35 15
                                    

Unang beses akong sumama sa fieldtrip na to.

At ngayon ko lang mararanasan ang sinasabi nilang saya.

Pero bakit?

Bakit iba ang naranasan ko.

Bakit madami ako ngayon nakikitang dugo.

Mga bangkay at bakit ako lang ang natitirang buhay.

At ang hindi ko maipaliwanag ay kung bakit may hawak akong kutsilyo.

H-hindi kaya?

Hindi imposible, hindi ko kayang pumatay.

"Oo kaya mo, nagawa mo na nga diba"-??

Biglang tumayo ang driver ng bus.

Isa syang babae magulo ang kanyang buhok at nakasuot sya ng pulang damit.

At nakakatakot ang itsura nya.

"Sino ka?"

Narinig ko na tumawa sya ng mahina.

"SINO KA SABI?" pasigaw kong tanong sa kanya.

Pero imbis na sagutin nya ako, inangat nya ang mukha nya.

"H-hindi" nanginginig kong sabi.

"Bakit parang nagulat ka yata, hindi ka ba makapaniwala?" tapos ngumiti sya.

Isang ngiti ng halimaw.

Samantalang ako nanginginig pa rin.

"Gusto mo pa rin bang malaman kung sino ako?"

"H-hindi a-ayoko" nanginginig kong saad

"Bakit takot ka bang paniwalaan na ako ay.......ikaw" tapos tumawa sya ng malademonyong tawa.

"HINDIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII" isang malakas na sigaw ang umalingaw-ngaw sa paligid.

*Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing* tunog ng alarm clock yan.

Nagising ako ng pawisan at napahawak pa ako sa aking dibdib.

Panaginip lang pala.

*Knock knock*

"Anne anak kakaen kana baba kana jan" sabi ni mama nung pagkabukas nya ng pinto ng kwarto ko.

"Ah sige po sunod na ako" tapos sinuot ko na ang jacket ko, malamig kasi pag umaga sa tagaytay sobrang lamig.

Pagkababa ko nakita ko na agad sa may sofa ang bag ko na may damit na laman.

"Ma, kayo na po ang nag-ayos ng damit ko?" tanong ko kay mama na nasa kusina ngayon.

"Huh? akala ko ikaw ang naglagay jan?" nagtatakang tanong ni mama.

"Pano pong ako?"

"Baka naman ang papa mo ang nag-ayos" sabay labas ni mama sa kusina.

"Siguro nga po"

Sabay upo ko sa may sofa katabi ng bag ko.

At saka ko to binuklat para makita ko kung anong mga gamit pa ang nandon.

At nang pagbukas ko puro damit lang at hindi lang yun puro red lahat.

Red dress, t-shirt, pants, skirt, and underwear.

At meron din naman Isang uniform namin.

Kailangan din kasi namin ng uniform.

"Grabe naman si papa" sabay sara ko ng bag ko.

"Bakit anak ano bang nakalagay sa bag mo" nagtatakang tanong ni mama habang inilalagay nya ang pagkaen sa lamesa.

"Si papa kasi puro red ang inilagay sa bag ko"

Field TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon