Mabilis akong tumakbo papasok sa cr ng kwarto ko. Bigla kasi akong naduwal, tapos pakiramdam ko umiikot pa yung paningin ko. Bumalik ako sa kama and i get my phone beside the table. Oh my Veggie! 99 unread messages. Binasa ko isa-isa, lahat ay greetings galing sa mga friends, kila tito, tita, at mga pinsan ko.
Birthday ko kasi ngayon, My 18th birthday:) Inis-scroll ko yung iba pang mga message kasi baka nag text din si boyfie ko, anniversary din namin kasi ngayong araw. But i was dissapointed kasi wala! Urrg! I hate him. Pero sige hintay lang muna baka kasi tulog pa siya. Pinatong ko muna yung phone ko sa kama at inopen yung pc ko and nag twitter. Nye Nye! andami ko ding Greetings dito.
Bigla nanaman akong naduduwal kaya tumakbo ulit ako sa cr. Ano bang nakain ko at parang sumasakit yung tiyan ko? Lumabas ako ng kwarto dahil bigla akong nakaramdam ng gutom, pagkababa ko everyone greets me. Syempre todo smile at thank you naman daw ako. Kumuha ako ng pagkain sa ref pero parang ayaw ko ng mga amoy kaya kumuha nalang ako ng gatas at bumalik sa kwarto ko.
Lahat sila busy na sa Paghahanda at pag-aayos sa baba. Excited na nga ako kasi dadating din mamaya si mommy galing canada:) Triple celebration nga e, My debut, anniversary namin ni Renze, at ang pag uwi ni mom. Biglang pumasok sa kwarto ko si jess, ang mag-aayos sakin.
"Hoy bakla! kakagising mo lang? diba sabi ko aayusan kita ng maaga. E anong oras na?" Talak niya agad pag kapasok sa kwarto ko.
"11 am palang, bat kaba nag mamadali?" mataray kong tanong sa kanya.
"E kasi naman po sa sobrang arte niyo po e baka matapos tayo ng 30 years. Maligo ka na nga dun." he said at tinulak ako papasok ng cr.
Wala na din akong nagawa. Pagkatapos kong naligo ay inumpisahan na akong ayusan ni jess. Inuna niya munang pinatuyo ang buhok ko at kinulot. Habang inaayos niya yung buhok ko bigla nanaman akong naduwal kaya takbo agad sa cr.
"Oh bakla okay kalang?" nag-aalalang tanong niya sakin.
"Yeah! Medyo masama lang yung tiyan ko." Inalalayan niya ako at pina-upo sa kama.
"Kumain ka naba?" Tanong niya.
"Nah! Di ako nagbre-breakfast." Bigla ba naman akong sinapak ng gaga.
"aray ko naman! Binabayaran ba kita para sapakin ako?" mataray kong tanong sa kanya.
"Di nga po. Pero tingnan mo naman yung katawan mo ang payat mo na nga tapos di kapa kumakain."
"Whatever! Tapusin na nga natin to" Sabi ko sa kanya. Inumpisahan niya na yung paglalagay ng make-up sakin. Ano ba yan inaantok ako. Pinikit ko ang mata ko hanggang sa nakaidlip ako. Nang magising ako naga higa na ako sa kama.
"Gising kana pala."
"anong nangyari?" nagtataka kong tanong.
"Bigla ka lang naman kasing natumba habang ina-ayusan kita tapos ang putla mo pa kanina. Ba't di ka kaya muna kumain?"
![](https://img.wattpad.com/cover/16906955-288-k186676.jpg)