Both are fine

3.9K 84 0
                                    

Lisa's POV
"Wag mo siyang sasaktan!!",di ako makagalaw dahil sa lubid na nakatali sa buong katawan ko.
"Wag kang magaalala.....aalagaan ko siya.."
"Lisaaa!!! Tulong!!! Lisaaaaa!!!"

"Lisa!! Okay ka lang?!",minulat ko yung mga mata ko at may nakita akong ilaw na lumiliwanag. Nasaan ako?

Ang sakit ng ulo ko at halos wala akong maramdaman sa katawan ko. May nagsasalita sa harapan ko na di ko kilala at di ko talaga siyang maintindihan. Medyo malabo yung paningin ko kaya blurred tung itsura ng taong nasa harapan ko. Di ko matukoytukoy kung babae o lalaki siya. Boses pa lang niya di ko na matukoy. Naalala ko yung nangyari sa akin kanina. Pero meron din na wala akong maalala. Sa sobrang sakit ng ulo ko gusto ko munang matulog pero parang ayaw ko. Di ko alam kung bakit. May iniisip ako sa isip ko ngayon na hindi ko alam. Isang picture na babae. Magandang mukha, magandang katawan, napakasweet niyang ngumiti sa camera, yung mga mata niya para bang pusa, tapos may kasama siyang isang babae, ako.

"Lisa? Okay ka lang?"

"S-sino ka?"

"Ako ito si Rose. Park Chaeyoung? Yung roommate mo? Yung second maknae sa grupo? Naalala mo pa ba?",tanong nung babae sa akin na para bang takot kung kilala ko siya or hindi. Accent palang kilala ko na.

"H-hi Chaeyoung....nasaan b-ba ako?",tanong ko sa kanya habang inuupo ko ang sarili ko at ginagabayan niya ako.

"Hospital."

"A-anong nangyari? Alam ba n-nila Jisoo at.....J-jennie?", nagtataka ako kung nagtataka si Jennie.

"Well.......m-may kailangan kang.....malaman."

"Ano iyon?",kinakabahan ako sa mga sinasabi sa akin ni Rose. Na para bang may mali. Na parang may problema.

"S-si Jennie...uhmm....m-may.....cancer siya." Napaluha ako sa mga sinabi niya.

"Pero Lisa.....o-okay na siya....Nagpass-out lang siya k-kanina..."

"O-okay lang ba siya?",pinipilit kong hindi umiyak pero ang sakit. Ang sakit na marinig ko iyon. Tinatago niya sa akin yung mga gantong bagay. Bakit di niya sinabi sa akin noon?

"A-alam mo r-rin ba to?",napatingin ako sa mga mata ni Rose. Di ako mas naging seryoso except ngayon. Tinitigan ko siya ng malalim.

"L-lisa...."

"Sabi ko alam mo ba?! Noon pa?!",napataas ang boses ko. Di ko kayang itago sa loob yung sakit na nararamdaman ko ngayon. Gusto ko ilabas yung lahat ng nararamdaman ko ngayon.

"O-oo.",napaluha siya. Huminga ako ng malalim. Di niya alam kung gaano akong kadisappointed.

"Di mo man lang sinabi sa akin or kay Jisoo?",pinupunas ko yung mga luhang lumalabas sa mga mata ko. Pinipilit kong di umiyak.

"H-hindi.....kasi........a-ayaw ni J-jennie......na magalala kayo."

"Hindi naman ibigsabihin na mas matanda siya susundin mo na siya sa gusto niya! Wala ka bang any idea na may sakit yung tao?! Si unnie yan! Siyempre ayaw niya tayong magalala kasi feeling niya yun yung solution! P-pero hindi!",nakita ko siyang lumuha ng mabigat.

"S-sorry unnie.",sabi ko. Niyakap ko siya at humingi ako ng tawad dahil sinigawan ko siya.

"H-hindi.....tama ka.....d-dapat sinabi ko......dahil b-baka mas lumala y-yung sitwasyon."

"Hindi unnie. I'm sorry talaga. Please forgive me."

"Hindiii...o-okay lang ako. Promise."

"Sorry talaga unnie. Nagaalala lang talaga ako kay Jennie. Alam mo naman kung bakit."

Jenlisa || Hart HartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon