" Sam , tara na sa library " sabi ko .
" Mauna ka na sa library , sunod na lang ako , puntahan ko lang si Azel kukunin ko yung libro ko . " nag nod lang ako saka sya umalis .
Hanggang ngayon , hindi pa rin ako makapaniwalang partner kami sa project namin sa Rhetorical Theory and Criticism na gagawin namin . It's been 3 weeks since nagkasama kami para sa project na 'to , pero hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay na magkasama kami . Simula nang maging partner kami , lagi na kaming sabay pumasok ng school , magkapitbahay lang naman kasi kami ehh , sabay kumain ng lunch , sabay umuwi , sabay ding gumawa ng assignment sa bahay nila . Ewan ko ba , ang tagal na naming magkakilala pero ngayon lang kami naging close ng ganito , na hanggang ngayon nga ay medyo hindi pa rin ako sanay .
Pero mukang bago pa ako masanay sa mga ganitong bagay , mauudlot na agad ito .
Next week na kasi yung presentation ng project namin , at hindi ko alam kung ano na ang mangyayari after nun .
Kung babalik ba kami sa pagiging acquaintance o ipagpapatuloy lang namin ang nasimulan naming pagkakaibigan (hangsabe ko?)
Parang di ko naman yata kakayanin kung magba back to zero kami . Ang tagal kong hinintay ang chance na 'to para mapalapit sa kanya .
TEKA NGA .
Kung anu ano na ang sinasabi ko sa inyo , try ko kayang magpakilala muna :''>
Jan Jayvee Dela Peña is the name , 18 years old , 2nd year college sa Bay Form University taking up Communication Arts , an average student , at 5 years nang INLOVE kay Samaica May Gonzales na hanggang ngayon ay hindi pa rin masabi sa kanya ang totoo .
" Pasensya na natagalan . " sabi niya agad pagdating nya sa may table namin .
" OK lang . " sagot ko .
" Kulit kasi nila , niloloko na naman nila ako kay Eric , haha . Mga pasaway talaga . " sabi niya habang nakatawa .
Para naman akong binagsakan ng tone-toneladang bakal sa ulo ng marinig ko ang pangalang binagit niya .
Si Eric Laderas , ang napapabalitang 'crush' ni Sam .
" G-gusto mo ba si eric ? "
Kahit alam kong walang kasiguruhan kung masasaktan ako o hindi sa isasagot nya , naglakas loob na akong magtanong .
" WA.LA !! " matigas nyang sagot .
Napansin ko namang bigla syang namula .
" Pasensya ka na sa mga natatanong ko . "
" OK lang ano ka ba . " mabilis niyang sagot .
Nakahinga naman ako ng maluwag nang malaman ang sagot niya .
Wala syang gusto kay Eric , ibig sabihin may pag asa pa ako .
Yun nga lang , hindi ko naman alam kung paano ko sasabihin ang nararamdaman ko para sa kanya .
OA na ako kung OA .
Pero parang ang bilis naman kasi kung magtatapat na agad ako sa kanya .
Natatakot akong ma reject at masabihang ' tatlong linggo pa lang simula nang maging close tayo , mahal mo na agad ako '
Yan ang mga linyang pumapasok sa isip mula pa kagabi .
Ewan ko .
Natatakot ako , natatakot akong lumayo sya saken kung sakali mang magtapat ako sa kanya .
****
" Ms. Gonzales & Mr. Dela Peña , be ready for your presentation tomorrow . OK class , dismiss " sabi ng prof namin .