Naramdam mo na bang ma inlove?
Yung feeling na kahit nakikita mo lang siya kahit sa malayo, nabubuo na niya agad araw mo.
Nakikita mo lang siyang nakangiti kahit hindi ikaw ang dahilan, ang saya-saya mo pa rin na feeling mo ikaw yung crush niya, ikaw dahilan ng bawat galaw niya, na sa kanya ikaw na anglahat.
Na kapag may makita kang may ibang kasama siya, nagseselos ka na dapat naman hindi kasi wala kang karapatan. Feeling madamot ka kahit hindi naman siya sayo.
Napaginipan mo lang siyang naghi sayo, feeling mo natupad na ang mga pangarap mo. Na pwde kanang kunin sa saya na nararamdaman mo.
Yung feeling na alam mo na ikaw ay nararapat sa kanya, at siya ay sayo lamang. Na kapag nakita ka niya, mahuhulog siya sayo dahil tutulungan ka ng Fairy God Mother mo.
Iniisip mo palang na magiging kayo, nawawalan ka na ng hininga sa kilig may patalon-talon ka pa sabay taas ng kamay.
Na pati schedule niya alam mo, sino mga kaibigan niya, ano paborito niyang pagkain, anong hilig niya, brand ng damit niya, perfume at etc.
Kahit na pagod ka galing sa school, di ka pa rin nawawalan ng time para sa kanya. Icheck ang twitter at insta niya at ng kanyang mga kaibigan niya baka may update.
At kung minsan sinusundan mo siya kahit para ka nang tanga patuloy ka pa rin. Kahit maubos mo na ang ipon at allowance mo go pa rin ng go.
Sobra na ba? Sobra sobra talaga pagmamahal ko sa lalaking yan eh. Ewan ko ba. Ang lakas lakas ng tama ko kay Ethan, Ethan Riley Santiago. Gwapo? syempre. Matalino? sobra. Mayaman? super. Sporty? yup. Ideal guy para sa aming mga babae. Hindi naman talaga kasi yan mapipigilan eh, lalo na pag ang puso mo na ang pumili. Kahit sabihin mong " wala akong pag asa diyan; masasayang lang oras ko sa kanya; pagod na akong mag effort para sa kanya " wa epek geeerl! Si heart vs si you? tss. Hindi pa nagsisimula ang laban, talo ka na. Kahit anong gawin mo, nag uumapaw pa rin pagmamahal mo sa kanya. At kunng minamalas ka nga naman, tinira ka nga ni kupido sa kanya di naman siya tinira ni kupido para sayo. At alam mo nga ang mga detalye sa kanya, di naman niya alam na nag e-exist ka sa mundong ibabaw. Kahit libutin at halughugin mo pa ang mundo, wala ka pa ring nakikitang pag-asa para sa inyo. Minsan na nga lang mahulog, sa maling tao pa. Sa taong hindi mo pa kayang maabot at di ka kayang saluhin. Hahay buhay parang life.
BINABASA MO ANG
Secretly Loving Him
Teen FictionMahal mo siya, iba mahal niya .... yung bestfriend mo pa. Hanggang kailan mo kayang tiisin ang sakit? Hanggang kailang mo kayang itago ang 'yong nararamdaman?