Chapter 2

71 0 0
                                    

JANEEEEE!!! GUMISING KA NA! ANO?! KANINA PA KO KATOK SA KWARTO MO qUTANG NA LOOB MAPAPAOS NA KO GUMISING KA NA!!!" alarm clock ko este si mommy pala

-,- my mom is one of the main reason kung bakit hindi na ko nagaalarm sa cp ko saka wala naman talaga kong actual na alarm clock at magsasayang lang ako ng pagod at oras sa pagbili non

Di naman ako nagigising agad sa alarm clock mas effective boses ni mommy kasi nakakaramdam ako ng konting takot paggalit na talaga sya at di ako magising at ang lakas kaya ng boses nya daig pa ang isang taong napapaligiran ng libo lobong mic okay im exage masyado Xd

I groaned while sitting on my bed hinawi ko ang kurtina sa tabi ko para makita ang labas

Tumayo na ko at binuksan ang pinto, iniluwal ng pinto ang mama ko

"Ma kalma gising na ko" mahinahon kong sabi sakanya ngunit nanlilisik pa rin ang mata nya at halatang hingal na hingal pa sya sa kakasigaw at kakakatok

Hinawakan ko ang dalawang magkabilang balikat nya

" inhale (haaaaa) exhale (hooooo)" sabi ko kay mama at nagpakalma nga sakanya

" ANA----"

"ma" mahinahon kong sabi sakanya at itinaas ang kamay ko sign na tumigil sya

Huminga ng malalim si mama at nagsalita ng kalmado

Ayoko kasing sinisigawan at napagsasabihan ako ng masama lalo na pagumaga nakakainit ng ulo

Parang pagnasimulan nang badtrip ang araw ko tuloy tuloy na

Bumaba na si mama matapos sabihin saking wag ko na raw i lolock ang pinto ko sa kwarto para madali akong gisingin tumango nalang ako

Balak ko sanang wag talaga buksan ang pinto ngunit sadyang nakakairita ang boses ni mama sa umaga

Balak ko sanang wag pumasok bwahahaha

Matapos kong maligo isuot ang uniform sapatos kumain at magtoothbrush ay pumanik ULI ako sa kwarto ko para kunin ang bag ko dahil bumaba ako kanina para kumain

At sa utak ko ngayon paulit ulit kong sinisisi ang sarili ko, bat di ko ba kasi binaba ang bag ko kanina nung bumaba ako

Hay bwiset papanik pa tuloy uli ako

"ma, lola alis na ko" sai ko at umalis na ang dad ko naman kanina pa pumasok sa office si mommy mamaya yan papasok

6:00 palng kase 6:30 ang umpisa ng flag ceremony na wala lang ginagawa kundi pagudin ako kakatayo at kakakanta at salita

7:00 ang klase ko at oo ganun katagal ang seremonias dahil tuwing umaga hindi nawawala ang napakahabang sona ng aming punong guro taray punong guro talaga ayaw ng principal?

Palagi syang nagsesermon tungkol sa c.r. Naming napakabaho at may naglulutangan pang tobleron na lusaw kung susuwertehin may buo buo pa nga nandun din ang mga love letter at murahan na nakasulat sa pinto ng c.r

Ginawa atang free wall ang pinto ng bawat pinto ng cubicle may nakasulat, minsan nga minumura pa yung teachers at minsan may di kanais nais na drawing

Ung salamin naman namin nako po tinggal ng janitress namin napapagod daw sya kakapunas sows

At tignan nyo naman ang c.r. Puro break ang janitor dito

Tas lagi pa syang nakabantay sa pinto wag daw kami lalapit sa lababo magbabasa daw kami susmaryosep lang bawal maghugas ng kamay?! Aanhin ang lababong to kung wa wenta?!

At iyon ay ibang dahilan kung bakit bihira lang ako magc.r. Papasok pa nga lang ako ng cr nasusuka na ko

Kadiri lang

Ako na tamad ikaw na masipag, Happy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon