SHE TRIED.
Tulala lang ako hanggang matapos ang huling dalawang subject namin.
Napansin pa nga ng mga new teachers ko na hindi ako nakikinig at naglalakbay lang ang utak ko. Humingi naman ako ng dispensa at sinabi kong masama ang pakiramdam ko. They asked me kung kaya ko pa and I said yes.
Hays, buti na lamang at private na itong pinapasukan ko. Atleast, teachers here are always concern for the welfare of their students. Unlike siguro kung nasa public pa rin ako, baka napalabas na ako kasi di ako m
Nakikinig. Ha ha ha ha.Buti na lang!
Ewan ko ba kung bakit ako nagkakaganito para sa isang taong isang araw ko pa lang nakasalamuha. Siguro nawindang talaga ako sa mga nalaman ko kaya sumasakit na ang ulo ko.
Buti na lang malapit lang dito sa school ang bahay ko. Stone away lang kaya maglalakad na lang ako.
Naglalakad na ako na tila na sa kalawakan ng sakto! May 7Eleven!
Mag-a-unwind muna ako. Magpapacool. Iisipin ko muna kung bakit ako masyadong nag-iisip ng ganito. Kung bakit ba big deal yun sa kin.
Bumili lang ako ng one pint rocky road ice cream at one bottled water.
Umupo ako sa may gilid at inumpisahan ng mag-unwind este lantakan yung ice cream.
Nangangalahati na ako nang may umupo sa tabi ko.
"Hey, I thought masama ang pakiramdam mo? Bakit nag-i-ice cream ka pa? Okay ka na ba?"
Punyemas naman. Hayssss.
"Hello" walang gana kong sabi.
Paano ako makakapag-isip kung bakit ako nagkakaganito kung yung dahilan ng pag-iisip ko katabi ko ngayon?
"What's with you?" tanong niya.
"Wala." sagot ko naman.
"Weh? Yung totoo?"
"Wala nga! Haysss."
Ayan na naman po siya. Tinititigan na naman ako. Kung di lang ako sanay na eh.
Ewan ko ba kung bakit pero ang bilis kong kinasanayan habits niya. Tapos magaan na 'yong pakiramdam ko sa kanya.
Siya ba ang kapatid kong di ko alam?
Haha.
Funny, Val. Di kayo magkamukha.
"Hmmm, kung masama pakiramdam mo, bawal sa 'yo yan!" at bigla niyang kinuha sa akin 'yong spoon at ice cream ko.
"Akin na 'to!" whutttt?!
"Noooo!!!"
Mang-aagaw!!!!!
"Akin na 'yan! Grabe ka ah! Mangunguha ng ice cream!!" pigil kong sigaw sa kanya.
Shocks! That's indirect kissing. Huhu!
At binalik nga niya sa akin yung spoon at ice cream ko.
'Yon nga lang, ubos na!
Bigla akong nanghina. Hindi ako nakakilos. Lalong sumama ang pakiramdam ko at nalungkot ako.
Hindi ako makahinga! Feeling ko ikamamatay ko ang pagkaubos ng ice cream ko. Oa na kung oa, pero favorite ko 'yon!
Siguro masyadong naging evident sa mukha ko ang pagkalungkot ko kaya....
"Wait here." him.
"Huh?" me.
Bakit ba ang hilig nitong bampira na 'to na paghintayin ako? Di ba niya nahahalatang napapagod na ako? Na ayoko nang maghintay?