He's My Divergent Dude

40 0 0
                                    

Prologue

Minsan sa buhay, may mga bagay na lang na bigla biglang mangyayari. Maaring bukas kinaumagahan, magigising ka na lang na nalulunod sa pag-ibig ng isang taong tanggap ka ng buong buo. Pero maaring bukas makalawa, darating ang isang umagang magigising ka na lang na wala na yung taong mahal mo.

Sabi nila kagagawan daw yun ni DESTINY. At sa mga bagay na ginagawa niya, dalawang bagay lang din ang maaaring maramadaman natin. Maaring KALIGAYAHAN o KALUNGKUTAN.

Kaya nga sabi ko, kung sino man si DESTINY, ang unfair at ang labo niya.

"Di ko alam na matagal na niya akong mahal. Di ko pa tinanggap agad. At nung tinanggap ko na, dun din siya biglang nawala!"

ATTRACTION 1

Jinkee’s POV

“Jinkee! Ice cream ka ba?” sabi niya

“bakit?” sigaw ng mga kaklase ko. Ok, sila daw yung Jinkee eh!

“kasi, ansarap kumain ng Bulalo! HAHAHAHAHA!” tatawa tawa pa ang loko. Alin naman ang nakakatawa dun aber?

Inirapan ko lang siya. Hayaan na nga lang, di pa ako nasanay sa mga jokes niya ee. Araw-araw naman yang bumabanat, walang maibenta sa sobrang korne at sa sobrang LAYO! Yun ang joke sa kanya. Sabi ng doctor malala na daw sakit niya. Ano nga ulit tawag dun sa sakit niya? HINAYUPAKISM ata eh! tama! HAYUPAKISM!

“Jinkee naman eh! Pinag-isapan ko pa naman yun kagabi. Di na nga ako nakatulog sa kakaisip ng ibabanat sa yo eh!” niyuyugyog niya pa ako.

“tigil-tigilan mo ako Ross hah! Isa pang yugyog, magkakaron ng malamig na bangkay ang classroom na ‘to” tapos tinitigan ko siya ng sobrang sama

“eh kasi naman Jinkee eh, sorry na nga! sorry na oh!” tapos tinaas niya pa yung kamay niya na nakapraying position.

“Uy Jinkee! Patawarin mo na kasi yan! Parang 10 points sa isang major subject lang eh” sigaw nung bestfriend ni Ross na si Andie

“oo nga naman best! Pakipot pa eh!” sigaw naman ni Ria, gf ni Andie, bestfriend ko. ohdi sila na ang may lovelife!

“muka mo pakipot!” inirapan ko silang lahat at sumubsob sa armchair ko, nakakasira ng umaga tong hinayupak na halimaw na Ross na to!

Pumakawala lang siya ng isang malakas na sigh and then naramdaman kong umalis na siya! YEY! Sa wakas! Away from that CRAZY MONSTER!

Hello nga pala! I’m Krystl Jynx Feltavero. My name sucks right!? Sa bahay Krystl tawag nila sa akin pero sa school, pinapatay ko yung tumatawag sa akin ng ganun. Ayaw ko rin naman ng Jynx kasi pang alien talaga so “Jinkee” na lang tawag nilang lahat sa akin since 3rd grade. Si Kuya Kiann kasi, ang sarap igudgod ng mukha sa semento eh! Kung ano anong naiisip na combination, kaya tuloy mukang pang alien tong pangalan ko. I’m 15 na! nag-aaral currently sa KJFelt Institute and nasa 4th year high school na. Eh sa advance ako ng isang taon eh. Daddy kasi, sobrang hina sa math kaya tuloy ako pinakabata dito sa room.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He's My Divergent DudeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon