USE YOUR IMAGINATION WHILE READING THE CONTENTS.
Ako si Angel Rin Engrande galing sa mga angkan ng mayayamang pamilyang Engrande...
Rin ang tawag nila sakin at ako ay nasa dalawampo't isang taong gulang na (21 years old) at isa ako sa nagmamay ari ng pinakalumang isa sa mga sikat na Hacienda sa Muntinlupa.
Mahilig ako sa mga malulumang bagay (Antiques) lalo na sa mga orasan at mga imahe ng mga taong nagmamay ari nito.
Sa kahiligan ko sa mga malulumang bagay bilang regalo ng aking lolo ko sa tuhod ibinigay ito sakin ang isang pinaka lumang hacienda na binili ng kanyang Ama nung nabubuhay pa ito. Isa ito sa mga pinaka iingatan ng aking lolo sa tuhod. Sambit pa sakin ng aking lolo sa tuhod noon ay maraming masasayang alaala iniwan ang haciendang ito lalo nung pinaka unang henerasyon na nagtayo ng haciendang ito.
Hindi pa raw niya nakakalimutan ang mga sabi sabi tungkol sa haciendang minana niya sa kanyang ama ang mga sabi sabi ng mga unang katulong na pinasa sa kanilang mga apo sa tuhod hanggang sa ngayong henerasyon na ngayoy katulong narin sa haciendang ito.
Mahirap mang paniwalaan ang bawat kwento ng mga katulong na nakatira na rito sa hacienda lalong lalo na sa henerasyon ko ngayon na puro teknolohiya na ang nag papatakbo sa bawat bagay bagay o gawain ng mga tao ngayon, pero sa bawat kwento ng lolo ko sa tuhod hindi ko makakalimutan ang bukang bibig ng aking lolo sa kanyang kwento noon ang isang desenteng matinong binata na sa murang edad ay isang DON (Mayamang nagmamay ari ng bahay) na sa haciendang ito na nakatira.
Mula noon pumanaw ang aking lolo sa tuhod bago niya binigay sakin ang titulo ng haciendang pinag iingatan niya buong buhay,
Sobrang malapit ako sa lolo ko sa tuhod at pareho kami may hilig sa mga lumang kagamitan, kaya niya siguro ibinigay sakin ang titulo ng hacienda dahil malaki ang tiwala niya sakin at alam niya na iingatan ko ng buong buo ang haciendang pinagkakatiwala niya sa akin.Ngayon ako na ang bagong nag mamay ari ng pinakalumang hacienda sa Muntinlupa at nakatakda ang pagpunta ko sa Muntinlupa ngayong bagong taon (January 1, 2018)
Ulit ako po si Angel Rin Engrande at dito nag sisimula ang mala Time voice kilig travel ng buhay ko.
YOU ARE READING
11.11 (#SPAwards2018)
FanfictionThis story is all about the two different voices from the two different worlds All Rights Reserved 2018 Written by :Nightingale