His POV (on hiatus)

443 0 0
                                    

His POV (on hiatus) 

Author: thisdamnguy

14 parts / 31 pages, updated Apr 15, 2014 [PG-13]

Categories: Teen Fiction and Humor

http://www.wattpad.com/story/11561889-his-pov-on-hiatus

---

Eager to know what's running in a guy's head? Here comes the story that you'll surely love. An eye opener that will make you understand boys.

---

Prologue :)

Masarap maging lalaki. Maraming pwedeng magkagusto sayo. Titilian ka kapag nakashoot ka sa basketball. Madalas kang laman ng usapan ng mga babae. Maraming babaeng hahanga sayo lalo na pag matalino ka. Hindi mo kailangan maging top sa klase. Madali lang para sayo ang Math. Maraming magkaka-crush sayo. Hindi mo kailangang ibahin ang ugali mo para magustuhan ka ng mga tao. Pwedeng-pwede mong ligawan yung babaeng gusto mo.

Mahirap maging lalaki. Kailangan mong maging malakas sa harap ng maraming tao. Hindi ka pwedeng basta umiyak dahil masasabihan kang 'bakla'. Mahihirapan kang ipakita yung nararamdaman mo. Maraming gusto makipagsuntukan sayo kasi 'maangas ka'. Madalas kang utusan na magbuhat ng kung ano-ano. Mataas ang expectation sayo kasi lalaki ka. Kailangan mo ng leadership at superiority.

Masaya maging lalaki. Makakahanap ka ng mga tunay na kaibigan. Hindi mo kailangan makipagplastikan, hindi ka paplastikin. Natatapos ang away sa suntukan. hindi issue ang 'feeling close'. Hindi mo kailangan magdusa buwan-buwan (alam nyo na kung bakit). Hindi ka mahihirapan manganak. Wala kang V-Card na pahahalagahan.

Malungkot maging lalaki. Huhusgahan ka base sa karanasan nila sa tulad mong lalaki. Tingin sayo ay manloloko, malandi, paasa kahit hindi naman. Ikaw ang sisisihin kapag na-fall sila sayo. Ikukumpara ka sa ibang tao, sa nababasa o napapanood. Kailangan mong paghirapang ligawan yung babaeng gusto mo. Madalas mabasted, i-reject at saktan.

-

Bago niyo sabihing pare-parehong manloloko ang lahat ng lalaki, subukan nyo munang isipin kung niloko ng tatay nyo ang nanay nyo. Kung nambabae ba ang lolo nyo. O kung paasa at pa-fall ang kapatid nyo. Isipin nyo rin kung naging boyfriend mo na ba lahat ng lalaki sa mundo.

Bago nyo sabihing malas kayo kasi hindi kayo magustuhan ng gusto nyo, tingnan nyo muna yung mga lalaking binabasted nyo. Yung mga lalaking nirereject nyo para sa isang lalaking hindi kayo magustuhan o mapansin. Isipin nyo muna kung gaano karaming effort ang nasayang ng mga seryosong lalaking nanligaw sa inyo.

-

Sa lahat ng istoryang nabasa ko, lagi na lang nanloloko ang mga lalaki. Laging kawawa yung babae dahil sa lalaki. Minsan kasi, kailangang malaman nyo muna yung side naming nga lalaki bago nyo kami husgahan.

This is HIS story. HIS opinions, feelings, decisions, thoughts and every single thing you want to know about him. THIS IS HIS POV.

-MysteryLonelyGirl

Wattpad Stories <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon