DOMINIC
"Dominic! Pakiusap! Kausapin mo ako!" sigaw niya sa labas ng pintuan ng aking apartment na aking tinutuluyan. Bawat paghampas nito sa pintuan ay ramdam ko ang matinding pang-aasam na makausap ako. Gabing gabi na at baka mahimbing na ang tulog ng mga kapitbahay pero hindi siya tumigil sa pagsigaw at sa paghampas ng pintuan.
Isang buong taon bago ko siya huling nakita, bago kami maghiwalay. Matagal na ang huli naming pag-uusap pero naalala ko, nagkaroon kami ng isang problema. Hindi namin ito na-ayos at napagusapan ng mainam. Pero matagal ng panahon iyon, isang taon na ang nakakalipas, kailangan na niyang tumigil. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Dominic!" sigaw nito paulit-ilit sa labas at bawat pagsigaw nito ay dinig ko ang bawat paghikbi at paghagulgol nito.
"Pakiusap! Umalis kana!" buong lakas kong sigaw dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Marahas kong sinabunot ang aking sarili habang tumutulo ang aking mga luha. Napaupo nalang ako sa sahig dahil wala ng lakas pa ang aking mga paa para tumayo.
"Dominic!"
***
Mahal na mahal ko si Aubrey pero bilang isang kaibigan lang at hanggang doon lamang ang kaya kong masuklian sakanya. Nagawa ko naman ang aking tungkulin bilang kaibigan at alam ko naman ang limitasyon ko bilang kaibigan, pero sadyang nahulog na ito sakin. Naalala ko pa noon kung paano kami unang nagkakilala.
Malalim na ang gabi at mag-isa itong nakaupo sa harap ng isang table at lubos ang pag-hikbi. Isa noon akong working student, waiter sa isang mini-resto malapit sa aking unibersidad at apartment na tinutuluyan.
Naisipan ko kasing magtrabaho dahil marami naman akong bakanteng oras at kailangan ko ring makapagipon. Ayaw kong umasa palagi sa aking mga magulang, kailangan ko ding maranasang magtrabaho at maging independent. At isa pa, bawas problema sa aking mga magulang ang aking allowance, kaya ko naman ang aking sarili.
Parehas kami ng pinapasukan na unibersidad pero lubhang hindi niya ako kilala. Magkaklase kami sa isang subject lang pero hindi pa kami nakakapagusap. Hindi ko nga alam kung kilala niya ba talaga ako o kahit nakita man lang.
Kapag nakikita ko siya ay may kasama itong lalaki, paghihinala ko ay ang kanyang kasintahan.
"Ma'am, heto na po ang iyong order." Sambit ko pero hindi man lang ako pinansin. Patuloy pa rin ito sa pagiyak at ako naman ay inilagay na ang order ng dalawang pasta sa lamesa. May kasama ito kaninang lalaki pero wala na ito ngayon. Kasintahan niya yata ito. Nagkaroon yata sila ng pag-aaway.
Naririnig ko kasi kanina ang kanilang usapan. Hindi naman sa chismoso ako pero napadaan lang ako kanina dahil may nagoorder na table malapit sa kanila. Dagdag na rin na sobrang lakas ng kanilang pag-aaway kaya imposibleng hindi mo marinig ito.
"Wala na po ba kayong ibang kailangan, ma'am?" tanong ko at ngumiti kahit hindi naman nakatingin. Alam kong hindi ang oras na yon para itanong, pero kailangan bilang isang waiter na sabihin iyon.
"I just need someone to talk to." sagot niya sa gitna ng paghikbi. Nagtama ang mga luhaang mata niya sa akin. Hindi ko maiwasang malungkot at maawa sa kanya. After all, kaklasi ko naman siya kahit papano.
Umupo naman ako sa upuan sa kanyang harapan. Nakinig ako sa kanyang mga sinasabi hanggang sa mapatahan ko ito at malabas niya ang kanyang lubos na galit at lungkot. Hindi ko na din pinansin ang aking trabaho dahil okay naman sa aking boss.
BINABASA MO ANG
Let It Go
Short StoryYou have to know the boundary between friends and lovers. Short Story | One Shot