LGTH 1

10 0 0
                                    

Daniella Nicole Knight. Kilala sa tawag na "Danny"

Bata pa lamang sya ay na expose na sya masyado sa mga gawaing panlalaki dahil madalas nyang nakakasama ang Daddy at Kuya nya noon. Ang mommy nya? Nagmamanage ng company nila sa Seoul once a week lang o di kaya ay tatlong beses sa isang buwan lang nakakauwi dahil sa sobrang busy

36-24-38

Sino ba namang mag-aakalang NBSB pa ang ganyang klaseng kaganda at Ka-sexy na dalaga?
Black/white/grey ang theme ng buong kwarto nya. Pink and violet ang isinuggest ng mommy nya na ipapintura dahil masyado naman daw dark ang black para sa isang magandang babaeng tulad nya. Pero sa huli,si Danny ang nasunod. Kanya namang kwarto yon eh






Monday. 2pm pa ang araw-araw na gising ni Danny dahil sa kakapuyat nya. 6am na kung matulog. Ang dahilan nya? Kasi nga habang sembreak pa,nilulubos na nya

*kring* *kring*

Naalimpungatan si Danny dahil sa alarm clock nya. Dahan-dahan nyang tinggal ang eye mask nya at nag inat

"Monday" wala sa sariling sambit nya pagkatapos ay pabagsak ulit na nahiga sa kama

Masyado syang napuyat gawa ng Mobile Legends na nilalaro nya at sa Coc,sa TH11 nya

"Tulog mantika talaga ang prinsesa ko" Napaiktad sya nang mapagtantong ang kanyang daddy ang nagsalita

Mabilis nya itong niyakap. Sobrang namiss nya ang daddy nya. Kakagaling lang nito sa Marawi dahil sa mga operations nila doon na dapat kasama ang daddy nya dahil siya ang head Commander ng kanilang batallion

"Dad anong oras ka dumating?"

"Kaninang 7am nak" sagot ng kanyang ama nang matapos silang magyakapan

"Ah anak,magbihis ka ha"

"Bakit Dad? San lakad natin? Sa Firing Range ba?"

"Aba. Pano mo nalaman ha? Manghuhula ka ba?" Nakangiting tanong ng ama nya

"Of course Dad. Im your cool daughter,nagmana ako sayo"

Iniwan muna sya ng daddy nya at binigyan sya ng oras para makapagprepare

Binuksan nya ang walk in closet nya at kumuha ng black tight pants,plain white shirt,black leather jacket at black combat shoes

Pagkatapos nya na isuot ang mga iyon ay kumuha sya ng pampuyod at itinali ang mahabang buhok ng ponytail. At dahil nga hindi sya masyadong girly,hindi rin sya marunong mag apply ng make up. Kahit nga mag tirintas ng buhok ay hindi sya maalam

Kaya kumuha na lamang sya ng polbo at inilagay iyon sa makinis nyang mukha

Habang nag aayos ng sintas ng combat shoes nya ay naisipan nyang itext ang kuya nya

Hey Pangs! Whats up?

Wala pang isang minuto ay nagreply agad ang kapatid nya

Ala. Nandito sa Firing Range. Nakauwi na ba si Dad?

Yea. Were on our way sa Firing Range din. See you then. Babye

Kinuha nya ang backpack na itim at doon inilagay ang tatlong Iphone nya,chargers,powerbank at syempre. Pocket wifi.

Pagkababa nya ay naabutan nya sila Yaya Agnes at Yaya Jeycel nanaghahain ng tanghalian

Nauna na syang umupo at sumunod naman sa kanya ang daddy nya at sabay silang kumain. Sabay din silang natapos. Ang nakakatuwa pa rito ay wala pang labing limang segundo ay tapos na sila

"Lets go my princess?" Ikinawit naman ni Danny ang kanyang braso sa braso ng ama nya

"You drive,I drive?" Tanong ng daddy nya

"Uhm. I drive" nakangiti nyang sagot. Pagkatapos ay inihagis sa kanya ng ama nya ang susi ng Pajero


"Oh anak,ano nang balita sayo habang wala ako?"





"Uh Dad,si Mom kase. Nangungulit"





"Ah oo nga pala. Yung Mommy mo? Kakausapin ko at namimiss ko na sya" parang biglang bumalik sa 20s yung tatay nya





*wow fantastic baby dance! Whoooo I wann---*





"P-pano ga ire pindutin?" Natatarantang tanong ng ama nya nang makita nya kung sino ang nagrerequest ng video call





"Dad ganto oh. I-swipe mo lang"





"Mahaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaal!!!!" Bungad ng pinakamamahal nyang asawa





"Mahaaaaaal!!! I miss you much!!!"





'Corny ah' sabi ni Danny sa isip nya





"Mahal na mahal kita! Mahal ko kayo ng mga bata" parang naiiyak na sambit ng ina nya





"Eomma we're not kids anymore you know"





"Oh Danny. Anak. Andyan ka pala" sabi ng ina nya





"Ne. You didnt notice me here cause you were busy exchanging sweet words with Dad" sabi nya





"Anak ngayon na nga lang kami ulit nagkausap ng mommy mo eh"





"Anyways,miss na miss ko na kayo! Sobraaaaa! Baka makauwi ako dyan next week" sabi ng Mommy nya sa kabilang linya





"Eomma dun ka sa kwarto ko,tabi tayo ah" sabi ni Danny sabay seryoso syang binalingan ng ama nya






"Of course! If that's what my princess wants"






"No! She can handle herself now,i need you" banat naman ng Daddy nya



"but dad! you promised me!"





"yeah I promised to bought you a laptop"





"no dad. sabi mo ako lang ang bunso"





"anak,nakalimutan mo na bang ni-ligat nako? kaya paniguradong ikaw lang ang bunso"







"thats why pwede namin yon gawin. kahit na paulit-ulit pa" kumindat naman ang daddy nya







"eww! ano ba gustavo" sabi naman ng mommy nya





"eh? gusto mo din naman eh"





"mmy,ddy nandito na tayo" putol nya sa pag uusap ng mga magulang





"ay? ang bilis naman. sige na mahal. tatawag nalang ako sayo mamaya. mwahhhh love lots. take care ha. i love you"





"same to you. mahal na mahal kita gustavo tandaan mo yan ha. ingat ka palagi" pagkataos ay inend na nya yung call





"dad nadito din daw si kuya"





"shhh. wag ka maingay. may pakiramdam akong may nagmamasid sa bawat galaw natin. wag mo lang ipahalata"









SOMEONE'S POV





just in time



"boss,ano nang gagawin?"



"wait for my go signal.wag kang atat"





masyado ka nang pakialamero Gustavo Knight. gusto mong makipaglaban ng patayan hindi ba?i'll show you what hell really mean





''fire!''





"yuko!" sabay naman na sigaw ni Knight





**bang bang bang**





fvck! you never fail to surprise me Knight. 





pero ngayon,dahil sa pagpatay mo sa anak ko,mas lalo mo akong binibigyan ng motivation para tapusin ang buhay mo




Pero dapat dahan-dahanin muna natin.




Buhay ng anak ko ang kinuha mo,buhay din ng anak mo ang kapalit

Liars Go To HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon