It Was A Stolen Kiss

533 18 12
                                    

IT WAS A STOLEN KISS

That very moment na pinakaiingat-ingatan mo na di ka mahalikan ng kahit na sinong lalaki tapos biglang......

TSUP!!

May isang elyen na biglang humalik sa virgin mong lips. Kinuha ang iyong first kiss. No, stole your first kiss.

Tapos pagkahalik nya sayo, sinabihan ka nya ng, 'I got ya!' sabay wink at takbo papalayo sayo.

"AY LESHEEE!! I HATE THAT ELYEN! MAPAPATAY KO SYA!!"

"Hahahahahahahaha! Kung tutuusin te, swerte ka na! Nahalikan ka ng isang Alwin Morando! Ay! Sana ako na lang ikaw! Gwapo kaya nun! Grabe!" tawang tawa na sinabi sakin ni Erica.

Hay! Bwisit talaga yung Alwin Morando na yun! Hindi porket gwapo sya at maraming nagkakagusto sakanya e, lahat na lang kayang kaya nyang pagtripan!

Humanda ka talaga sakin Alwin. Makikita mo na si San Pedro bukas na bukas din!

Tumayo ako at hinampas ang table. Wala akong pakialam kahit pa nasa library ako. Basta ang alam ko, galit ako sa elyen na yun!

"Hindi ako swerte dun! Besides, may girlfriend sya! Anong tingin nya sa mga babae, laruan? Dafuq! Makakatikim sya sakin!"

"Ssssshhh! Ms. Agoncillo! You are in the library!" saway sakin ni Ma'am Torres.

"Aalis na nga po ako Ma'am. May papatayin pa po kasi akong elyen." pagkasabi ko nun, taas-noo akong lumabas ng library at sinundan naman ako ni Erica.

"Uy, Alyssa!! Saan ka pupunta?!”

"Didn't you hear what I said just recently, Erica? Papatay ako ng elyen!" patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makakita ako ng ruler na pakalat-kalat kaya dinampot ko ito.

Sa di kalayuan, nakita ko ang hinayupak na elyen at mukhang nagtatalo sila ng girlfriend nyang si Nadine Sarmiento, ang isa sa mga campus sweethearts ng school na ‘to.

Agad akong lumapit sakinala at tinapik si Alwin. Bastos na kung bastos, I don't care!

"Oh! It's you!" ngiting-ngiti nyang sambit nang makita ako.

Di pa man lumilipas ang galit ko dahil sa pagnakaw nya sa first kiss ko, dinagdagan pa nya ko ng isang sakit sa ulo kasi

..hinalikan na naman nya ko.

At sa harap ng girlfriend pa nya mismo.

"WHAT THE--?!" galit na galit na sigaw ni Nadine kaya hinarap nya si Alwin sakanya at sinampal ito nang malakas. "BREAK NA TAYO! MAGSAMA KAYO NG BABAE MO!!" after that, tumakbo na sya habang naiyak.

Gusto ko sanang hambalusin yung pagmumukha ni Nadine pero masyado akong pre-occupied sa mga sinabi nya kay Alwin. The fork. Ako? Babae ng hinayupak na ‘to? Siraulo ba sya?

AY LESHE TALAGA TONG ELYEN NA TO E!!! ANAK NG TUPANG GALA!

"Phew! At last, ibinreak na nya ko!” tuwang tuwa nyang sinabi sakin pero wag syang magsaya dahil panibagong kalbaryo ang haharapin nya.

Hinampas-hampas ko sakanya yung ruler na hawak ko. "ANAK KA NG PECKING DUCK!! ELYEN! BWISIT!! YOU, THIEF!!”

"Aray! Ow! Ow! Anu-- ow! ow! bang sina-- ow! sabi mo j-- ow! Aray! awts! jan?! St-- aw! Aray! STOP IT!!" bigla nyang kinuha ang kamay ko na panay ang hampas sakanya and he pinned me on the wall.

It Was A Stolen KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon