He Got It!

33 2 0
                                    

He Got It!

Written By Kryz Guzman. All Rights Reserved. 2012.

He Got It!– Prologue

“Mommy saan tayo pupunta?” Sabi ng maliit na Mish. Manghangmangha siya sa mga nakikita niya. Ngayon lang kasi siya nakapunta sa ganitong lugar. Isinama siya ng nanay niya sa bahay ng boss niya na lalaki. Gusto daw kasi nito makita ang anak niya.

Buong paagkabata ni Mish o Mishelle ay hindi pa siya nakakatungtong ng Maynila. Lumaki siya sa probinsya ng Cavite. Hindi naman siya mahirap. Hindi din naman siya mayaman. Sakto lang. Ang tatay niya ay nagtratrabaho sa Air Base na nanduon sa kanilang lugar.

“Mommy maganda po ba dun?” Kakabirthday niya lang nuong isang araw. Ngayong 7 gulang na siya, hiniling niya sa nanay niya na makapunta siya ng maynila. Kahit umikot lang siya duon. Okay lang. Sumakto naman ang hiling ni Mish at ang pagkakaanyaya sa kanya ng boss ng nanay niya. Papunta sila sa isang Elite Village sa Magallanes.

“Oo anak maganda dun! Hintay ka na lang ng konti ah. Malapit na din tayo.” Natutuwa ang kanyang nanay sa pagkasabik ng kanyang anak. Kitang kita naman kasi sa muka ni Mish eh.

“Ma’am nandito na po tayo.” Sabi ng Taxi Driver sa nanay ni Mish. Nagbayad na siya at bumaba. Hindi maiwasan ni Mish na mapanganga dahil sa mga nakikita niya ngayon. Nagdorbell ang nanay niya at sumalubong ang boss niya. Hindi pa din makagalaw si Mish dahil sa mga nangyayari. Wow. Ang sabi niya sa sarili niya. Napatawa na lang ang boss ng nanay niya sa reaction ng bata. Pinatuloy sila sa bahay at inalalayan ng maids si Mish papunta duon sa ‘Playroom.’ Kuno. Duon nakita niya ang isang lalaki. Kaedad din niya. Naglalaro. Kaso. Umiiyak. Nilapitan niya ito at pinunasan ang luha niya.

Hindi talaga maiwasan mag-react ng ganito ni Mish kapag nakakakita siya ng umiiyak na tao. Masyado siyang mahina para lang makakakita ng ganoon. Nagulat na lamang siya ng itulak siya ng bata.

“I-iwan mo ako.” Naguguluhang sabi ng lalaki kay Mish. Hindi naman talaga intension ng batang lalaki na itaboy si Mish. Hirap lang siyang magtiwala.......ulit.

“Huh? Bakit naman kita iiwan? Umiiyak ka oh!” Hindi malaman ni Mish kung bakit siya sinabihan ng ganoon ng batang lalaki. Basta ang nasa isp niya. Mapatahan niya ang bata.

“Get out! Are you stupid or something? Hindi ka makaintindi ng alis?” Hindi naman bobo si Mish para hindi maintindihan ang mga binitiwang salita ng bata.  Kaya pinili na lang niya na umalis at pumunta sa nanay niya na nakikipagusap sa boss niya. Nasaktan si Mish sa sinabi sa kanya ng lalaki. Ang intension lang naman kasi niya ay tumulong. Yun lang.

Naiwang nakatulala at umiiyak ang batang lalaki sa play room. Napaisip siya kung tama ang pinagsasabi niya sa babae. Alam niyang hindi tama yun. Kaso, hindi naman niya pupwedeng bawiin lahat ng mga sinabi niya. Baka kasi maatatch siya sa babae. Ayaw niya yun. Takot siya sa mga babae. Simula ng iniwan siya ng nanay niya..... “Mommy bumalik ka na...”

Pagkalipas ng labingisang taon..... ano na kaya ang nangyari sa kanikanilang buhay? Magkrus pa kaya ang landas nila Mish at ng lalaki? At ang pagkakaiba kaya nila ang makakapaglapit sa kanila? O magpapalayo? Papaano kung kayo ang gustong magkatuluyan ng mga magulang niyo? Papayag ka ba? Papalag? Aaangal? Eh ano kaya ang magagawa mo kung sabihin ko sa ‘yo na WHAT HIS DAD WANTS, GETS. O ano? May reklamo ka pa ba?

Sa huli hahayaan mo ba masabi niya na "He Got It!"

-----------------------------------------------------

Hello!!! 2nd story!!! Umm.... I guess comment na lang kayo kung gusto niyo na ituloy ko yung story......

-Kryz:)

He Got It!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon