Naging magkaibigan sa isang tulay,
Haring araw saksi sa mga iyak at lumbay,
Mga pangakong nabuo,
Mapapako ba ang mga ito?
Ang kuwentong ito ay tungkol sa dalawang matalik na magkaibigan na ang palaging ginagawa ay ang pumunta sa isang abandonadong tulay at hihintayin ang paglubog ng araw sa dapit hapon.
Nagsimula sa magKAIBIGAN na nauwi sa magkaIBIGAN na ang haring araw at ang tulay ang naging saksi sa kanilang pagmamahalan at mga pangakong binitawan.
•~~•~~•~~•~~•~~•~~•~~•~~•~~•~~•~~•~~•~~•~~•
Hinihintay ng batang babae ang paglubog ng araw mula sa kanyang kinauupuan na abandonadong tulay."Ang ganda naman dito at napakatahimik. " wika ng isang batang babae sa kanyang sarili habang nakangiti.
Matatanaw mula rito ang napakagandang paglubog ng araw.
Hinintay ng batang babae ang paglubog ng haring araw.
Habang naglalakad ang batang babae unti-unti niyang natatanaw ang isang batang lalaki na nakayuko at umiiyak.Kinalabit niya ito at tinawag.
"Bata, Bakit Ka Umiiyak?" Tanong niya sa bata.
Umangat ng tingin ang batang lalaki at tinignan ang batang babae. Napansin ng batang babae ang namumulang matangos na ilong at namumugtong mga mata ng batang lalaki. "Ang cute niya". Sabi sa sarili.
"Wala kang pakaialam, pabayaan mo na ako dito, 'wag mo akong kausapin." Masungit na wika ng batang lalaki.
Nabigla ang batang babae ngunit hindi pa rin siya nagpatinag.
"Grabe ang sungit mo naman, tinatanong lang kita eh." Sabi ng batang babae habang nakanguso.
"Wala ka sabing pakialam eh..edi wag mo akong kausapin." pagsusungit ng batang lalaki.
YOU ARE READING
I'll Wait For Her Until the Sunset Comes
General FictionAll about waiting Why do some people aren't that patient to wait? Waiting isn't that bad, but being fooled while waiting isn't good either. All people deserve a chance of waiting for a good thing but not for nothing. They deserve the long wait...