We almost had a perfect love story..
We met at an unexpected way.. Boyfriend ko (Pinaglalaruan ko) that time ang isa sa mga kaklase mo.. Kinuha mo ang number ko sa kanya and we started a very awkward convo..
Sinabi mo sa akin na crush mo ko.. Hindi ako nakasagot.. Hinayaan lang kita na umamin..
Then you asked me kung pwde mo ba kong ligawan.. Sabi ko sayo, get to know each other muna kasi mahirap na..
One week after nang tanungin mo na ko kung pwde bang maging tayo..
Aaminin ko, from the start, hindi talaga kita gusto.. Sinagot lang kita dahil sa trip ko, but as our relationship goes by, natagpuan ko ang sarili kong unti unti kang minamahal.. Oo mahal kita..
Una nating date, ang saya mo kasama.. Sweet at malambing ka. We hold hands and you even kiss my forehead.. At nakokontento na tayo dun..
First monthsary , we had our first argument.. You broke up with me for a reason na may narinig kang nagsabi na hindi daw tayo bagay.. Dahil sa your 3 years older than me.. I was hurt that time, pero nagpakatatag ako. Hindi kita kinakausap at pinapansin pag nagkikita tayo.. It was your fault kaya gusto kung maramdaman mo yung sakit na nararamdaman ko..
After a week, hindi mo rin natiis, you texted me para makipagbalikan.. At dahil sa mahal na mahal na kita noong mga panahong to, I gave us a second chance..
2, 3 hanggang sa nag 5 months, masaya tayo.. Araw araw nagkikita.. Araw araw ikaw ang kasama.. Hindi nakakasawa.. Ang saya.. Ang saya saya..
I can still remember, galing ako nun sa bahay ng kaklase ko na isang baryo lang ang layo mula sa inyo.. Then tinawagan kita at sabi ko puntahan mo ko, then you really came.. At hinatid mo ko nun sa sakayan ng tricycle.. It was memorable.. We shared stories at tatawanan kapag funny kahit nakapa corny mo, sige lang!.. Kasi mahal kita.. Mahal na mahal..
Monthsary natin that time kasabay ng acquintance ng school natin.. Magkasama tayo sa loob ng classroom niyo.. We hold hands, tapos nagkukwento ka..
Unang yakap.. Nafeel ko pang nanginginig ka.. Tinutukso ka pa ng mga kaklase mo.. Lumabas tayo nun sa room niyo kasi sabi mo maingay sila.. Well, totoo naman.. At kahit sa labas, hindi mo parin binibitawan ang kamay ko.. Hinilig ko ang ulo ko sa balikat mo, nakita ko kung paano ka kiligin.. Nakakatawa, knowing na lalaki ka.. Nakakamiss pala..
Then isang buong linggo tayong hindi nagkita, dahil busy tayo pareho sa intrams.. Player ka ng sepak tapos ako naman, kasali sa club.. Pero we are still going strong..
One day, naalala ko, akala ko isang ordinaryong araw lang to, but then I saw you wearing a piercing in your left ear. Sinabihan na kita dati na ayokong naglalagay ka ng ganun kasi mukha kang adik sa kanto!
Nasa tindahan ka nun, sakto namang nakaharap sa direksyon ko yung piercing mo kaya kitang kita ko.. Kinalabit ka non ng kaklase mo, pagkakita mo sakin nanlaki ang mata mo (akala mo nakakita ka ng multo! Ang ganda naman ng multong nakita mo :D) at dali dali mong tinanggal ang piercing mo.. Hindi kita nun pinansin kahit dumaan ako sa harap mo at pilit mong hinahawakan ang kamay ko.. Wa epek, brad! Hanggang sa umalis na ko.. Akala ko nun, hindi mo ko susuyuin at hindi ka magpapaliwanag pero hindi pa ko masyadong nakakaupo sa upuan ko nang bigla akong tinawag ng mga kaklase kong usisera dahil nasa labas ka daw.. Kahit mainit ang ulo ko sayo nun, nilabas pa rin kita.. Nagpaliwanag ka and you even gave me the piercing.. Nag sorry ka at ang sabi mo hindi mo na uulitin kasi ayaw mo na akong magalit sayo.. (Syempre, kinilig naman ang lola mo! Taray!) Then you kissed my forehead (which is my weakness) After that ay okay na ulit tayo.. Mga simple nating pag-aaway, nakakatuwa..
YOU ARE READING
To My The One That Got Away
Non-FictionI'd like to write a letter... For you, My One That Got Away..