"Psst! Warren!" Kulit sakin ni Tine. Pero hindi pa din ako nakinig. Gumagawa kasi ako ng project namin. "Warren, warren, warren!" Ulit niyang sabi.
Lumingon ako sakanya. "Oh?" Tanong ko. "Hihihi! I love you!" biglang sabi niya. Ngumiti lang ako at nagpatuloy sa aking ginagawa ng tawagin na naman niya ako."Warren!" Tawag niya. "Oh?" Tanong ko ulit. "I love you more!" Sabi niya.
"I love you most!" Dugtong niya. "I love you times infinity plus one." Dugtong parin niya. "I love you to infinity and beyond!" Huling sabi niya. Tumigil muna ako sa ginagawa ko at pumunta sa kanya. "I love you din baby ko!" Sabi ko. At hinalikan ko ang noo niya.
Siya si Cristine Fernandez girlfriend ko. 2 months palang kami. At legal na din. Nakakapunta nako sa kanila at ganito din samin. Grade 10 na kami ngayon.
Habang tumatagal kami mas lalo ko siyang nakikilala. Akala ko noon, masungit siya at saka snob. Pero kallbaliktaran pala. Makulit siya at super bubbly.
"Tintin ko! Mamayang gabi nga pala nagkayayaan ang mga barkada ko. Birthday kasi ni Gerry." paalam ko sakanya. "Okay lang. Basta maaga kang umuwi ha?" sabi niya.
Pagdating namin sa bahay nila Gerry agad kaming kumain at nag inoman. "Oy! Keila." Pagkarinig ko ng pangalan na yun agad akong lumingon. Siya si Keila Mendoza. Ex ko. Ang ganda niya parin. "Hello Gerry, Happy Birthday." bati niya kay Gerry. Tumingin siya sakin at nagsmile. Tumango nalang ako. Bestfriend ko dati si Keila. Pero parang tumataba siya.
"Hi Warren." bati niya sakin. "Hello."tipid kong sabi. "Miss na miss kita" sabi niya. Ang mga hinayupak kong mga kaibigan naman ay kumanta ng 'muling ibalik ang tamis ng pag-ibig' Haha. "Bumalik kana pala." Sabi ko. "Ah oo, diba sabi ko babalikan kita." sabi niya.
~*~
Cristine's POV
DITO ako ngayon sa mall. Inutusan ako ni mama na bumili ng grocery, at medicines ko. Kasama ko si Freya, kapatid ko 6 years old na siya.
Habang namimili kami bigla akong hinatak ni Freya. "Frey, bakit?" Tanong ko. "Ate, si kuya Warren yun diba!" Turo niya sa lalakeng nakatalikod. "Oo nga. Wait tawagan muna natin si kuya Warren." Nagdial ako sa number niya. At nakita kong kinuha niya ang phone niya.
"Hello babe."
Oh babe, napatawag ka?
"San ka?"
Dito sa bahay.
Agad kong pinatay ang tawag. Nagsisinungaling siya."Frey lika lapitan natin si kuya Warren." Sabi ko. Di pa kami nakakalapit ng may umakbay sakanya na babae. Nakikilala ko kung sino ang babae. Si Keila ex ni Warren.
"Baby, bili tayo nito!" Sabi Keila kay Warren. "Sure baby." sagot ni Warren. "Baby sino yung kausap mo?" Tanong ni Keila. "Ah wala yun." sabi ni Warren. Kumirot ang aking puso.
Lumapit ako kay Warren at saka sinampal siya. "Walanghiya ka! Manloloko!" sabi ko sabay walk out. Sumunod si Freya sakin. Agad kaming pumunta sa parking lot. At sumakay sa kotse.
Ang sakit lang. Ni loko niya ako. "Ate, wag kanang umiyak." Sabi ni Frey. Naluluha na din siya. "Ate makakasama yan sayo." sabi niya.
PAGdating namin sa bahay. Dumeretso ako sa kwarto ko at doon umiyak.
*knock knock*
"Anak, andito si Warren. Bumaba kana anak." Bakit nandito yan? "Ma paalisin mo siya."
***
It's been a week. Palagi nalang ako sa kwarto at umiiyak. Lunes na bukas.
~*~