Heto nanaman tayo
Ay mali ako kasi wala na palang tayo
Ikaw at ako
Ikaw na nagpapaasa
Nagbibigay ng motibo na salitaEwan ko kung kikiligin ba ako o ano
Sa paulit ulit na sinabi mong "mahal kita"
Hindi ko alam kung totoo ba ito o ikaw lang ay nagbibiro
Ng sinabi mo sakin na namimiss mo ako
Ang saya ko ng marinig ko ang mga yan mula sayoAt heto nanaman ulit si ako
na umaasa sa mga sinasabi mo
Umaasa, nagbabakasakali na babalik pang muli
Yung masayang "tayo" na napalitan na lang ngayon ng "ikaw at ako"
Pilit kong itinatatak sa puso ko na "tama na sinasaktan mo nanaman sarili mo, umaasa ka nanaman sa isang bagay na alam mong di sigurado"Okay na ako e masaya na ako
Tapos biglang andiyan ka nanaman
Nawindang nanaman ang mundo ko
Bumabalik nanaman lahat ng sakit na idinulot mo
Walong tao ang nakasaksi kung paano ko iniyakan ang isang tulad mo
Kung paano ako nasaktan ng dahil sayoNgunit ang tanong masaya ba talaga ako?
Okay na nga ba talaga ako?
Naghilom na nga ba yung sakit na dinulot mo?
O ako lang tong nagpupumilit na okay ako?Mga matang umiiyak ng dahil sayo
Nagbabakasakali na "babalik pa yung dating tayo"
Pusong ikaw pa rin ang tinitibok nito
Na sana may "pakeelam ka pa dito sa babaeng dating minahal mo"
At isang Utak na nagsasabing "tama na maawa ka Nasasaktan na ang puso mo"
Mga kamay na gustong gusto kang hagkan
At mga paa na sa huli, sayo at sayo ang hantunganNapuno ako ng sana
Napuno ako ng mga hiling na alam kong di naman didinggin
Mga katanungan sa isip ko na di masagot sagot
Hanggang ngayon dala dala ko pa rin
Hanggang ngayon ala-ala ko pa
Ala ala ko pa, Lahat ng mga pinagsamahan nating dalawa
Na naglaho nalang parang bulaNakakamiss yung mga panahon na mahal kita tapos mahal mo din ako
Mga panahon na masayang masaya tayo
Sarap balikan yung nakaraan pero ang hirap harapin yung kasalukuyanOkay naman tayo noon di ba?
Okay naman tayong dalawa
Pero sadyang mapagbiro talaga ang tadhana
Kaya pati tayo pinaghiwalay niyaGinagawa ko naman lahat ng makakaya ko para makalimutan ka
Sinasabi ko naman sa puso ko na "tama na tigilan mo ng mahalin siya"
Pero di mo nga talaga madidiktahan ang puso
Kasi kahit anong gawin ko
Sa huli, ako at ako ang taloSinubukan kong kalimutan ka
Sinubukan kong magmahal ng iba
Pero sadyang ikaw ang naiiba
Sobrang ibang iba ka sakanila
Ewan ko nga ba kung anong nakita ko sayo na wala sakanilaNi minsan ba naiisip mo din ako?
Iniisip mo din ba kung okay lang ako?
Ni kahit minsan ba sumagi din ako sa isip mo?Wag ka na sanang magbigay ng motibo para umasa ulit ako
Kasi umaasa nanaman ako, umaasa nanaman ako sayo
Ginulo mo nanaman kasi ang nanahimik kong pusoBalang araw, Makakalimutan din kita.
Balang araw makakaya ding tumingin ng mga mata ko sa mga mata mo na hindi sinasabing ikaw ang mahal nito.
At sa araw na yon hindi na ikaw ang mahal ko.
Balang araw magiging maayos din ang lahat at magiging okay din ako.
Balang araw kung magkita man tayo sinisiguro ko, sinisiguro ko mahal na sa araw na yon okay na ako.
BINABASA MO ANG
HETO NANAMAN
PoetryUmaasa na sana bumalik pa. Sana bumalik pa yung dating tayo. Yung masayang tayo.