Chapter Nine

66K 2.2K 1.1K
                                    

Marahan akong hinawi ni Simoun palayo. Nakalas ang hawak ko sa batok niya at napaatras. Nahilo ako sa nangyaring halik na hindi ko agad na-proseso ang pagtulak niya sa akin. Lutang ang isip na tinitigan ko lang siya.

Tinakpan ni Simoun ang bibig. Lukot ang mukha niya at hindi maipaliwanag ang emosyon na nakaguhit doon.

"Bakit mo ginawa 'yon, Ellie?"

Umuwang ang labi ko. Pinikit-pikit ko ang mga mata at pilit na pinagana ang utak. The look on his face... He's repulsed?

Tinulak niya ako na parang nandidiri. Hindi niya nagustuhan ang halik ko? Bakit niya ako tinulak?

"Bakit mo ako hinalikan?" seryosong tanong ulit nito.

Umuwang ang labi ko. Ngayon ko lang nakita ang emosyon na ito sa kanya. Nangingitim ang kanyang mga mata. Nakaporma ang mga labi niya sa isang delikadong linya.

"I—Kasi... Uhh..." Napakagat ako sa labi. Wala akong mabuong pangungusap na pwedeng isagot sa tanong niya. Namula ang buong mukha ko. "Hindi mo ba nagustuhan?"

Kumuyom ang panga ni Simoun. Nangibabaw ang galit sa mga mata niya. "Huwag mo na ulit gagawin 'yon."

Nalaglag ang panga ko. Bago pa ako makapagsalita ay tumalikod na siya at naglakad palayo sa akin. Bumagsak ang dugo mula sa ulo ko pababa ng aking mga mata.

What?

Sa buong buhay ko ngayon lang ako napahiya nang ganito. Kahit kailan ay wala pang lalaking tumanggi sa akin!

Now I feel insulted. Parang tinapakan at niyurakan ang ego ko. I've always thought I was irresistible. Mukha at katawan ko pa lang ay naglalaway na ang mga lalaki.

Magaling din akong humalik! Lahat ng mga lalaking hinahalikan ko ay nabibihag ko sa aking mga palad at napapasunod sa kahit anong gusto ko. All the boys want to please and satisfy me. Kulang na lang ay makipagpatayan ang iba para lang matapunan ko ng tingin.

At ang... ang probinasyong ito ay nakuha akong itulak at halos mandiri nang sabihin na 'wag ko na ulit gagawin 'yon?

I rationalized and pondered over it. Hindi ko magawang magalit dahil may mali rin naman ako. Hindi ko dapat siya hinalikan ng walang paalam. He's not just some guy I met on a club. Hindi ko dapat i-kumpara si Simoun sa mga lalaking 'yon. Ang mga lalaking nakakasalamuha ko sa club ay init ng katawan ang kailangan, kaya talagang hindi sila tatanggi at magrereklamo.

If the roles were reversed at ang lalaki na hindi ko naman gusto ang unang humalik sa akin, I would have cried foul and accuse him of harrassment. Consent is everything.

Napapikit ako nang mariin. Oh, Ellie, you fucked up this time. Dapat ay na-kontento ka muna sa pang-akit sa kanya!

Pero... Hindi niya ba talaga nagustuhan? Pinaglalaruan lang ba ako ng utak ko nang maramdaman ko ang paggalaw ng mga labi niya? I could've sworn he answered my kisses for a short time!

Napahawak ako sa mga labi. Damn... Who would've thought that a guy like him with ripped muscles and hard body will have a pair of soft luscious lips?

Hindi ko mapigilan ang sariling utak sa pagbuo ng mga imahe. Ano kaya ang pakiramdam kapag hinalikan niya ako sa...

Napakagat ako sa labi. I've never been this attacted to a guy. Is it the chase? His possible innocence? Maybe it started as wanting to conquer the impossible, but I'm pretty sure that my attraction is genuinely because of him alone.

Nang maisipan ko siyang sundan ay hindi ko na siya makita. Bumalik ako sa pwesto ni Manang Fe, pero wala si Simoun doon. Siguro ay umalis na siya ng palengke.

One LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon