Thomas
(Thomas John Lewis)Bakit palagi ko nalang sya nakikita?
"Bro!,di ka pa uuwi?"siko sakin ng kabarkada ko, si Emon,napatingin ako sa kanya at muling tumingin sa tricycle.
Inalis ko na ang tingin ko sa tricycle na kakalagpas lang samin
"Uuwi na rin,sige alis na ko"Nagsimula na akong maglakad. Kakagaling ko lang mag practice ng basketball kasama ang barkada ko na teammate ko rin 2 months from now magaganap ang paborito kong araw. Ang game.
Nakarating ako sa bahay namin na bitbit ang bola ko.Nakita ko si Mang Kanor na nililinis ang kotse.
"TJ!!!,"
Lumingon si Mang Kanor kaya napalingon din ako sa nilingunan nya"Kara?,anong ginagawa mo dito?"tanong ko sa kababata ko.
Matangkad sya pero mas matangkad parin ako,maputi sya at maganda naman."Magbabakasyon na!,"sigaw nya at kumapit sa braso ko na agad ko namang tinanggal.
"Kagagaling ko lang sa practice at amoy pawis ako. Dito ka magbabakasyon?"tanong ko,
Nagsimula kaming maglakad papasok ng bahay.
"Hmm...no no no!,sa bahay namin dito lang talaga ako pumunta para makita ka"Sabi nya at tumingin sakin ng nakangiti,alam ko na may ibig sabihin iyon pero hindi ko na pinagtuunan ng pansinLumipat sila nung magsimula kaming mag high school sa Cavite pero may bahay a rin naman sila dito sa Bulacan
"Ganon?,sige akyat nako"sabi ko at tumungo sa kwarto koIlang araw nalang at Moving Up na at malapit narin ang game namin sa May. Hindi pa ako decided sa kukunin kong strand at kung saang school ako mag-aaral,mayaman naman ang pamilya ko pero mas ginusto ko na mag-aral sa hindi kilalang school ngayong matatapos na ako siguro maganda na sa kilalang school na ako mag-aral.
Bumaba ako sa dining room ng mag dinner time na,natulog lang naman ako pagkatapos kong magbihis ng damit kanina.
"TJ!,musta practice?"tanong ni Ate nakasalukuyang nagsasandok nang kanin"Ayos naman,"sagot ko,tiningnan nya ako at muling ibinalik sa pagkain ang atensyon
"Ah buti naman,nga pala sabi nila mama sa JSIAMU kanalang mag-aral,maganda naman don,wag kanang umayaw at nai submit ko na ang forms mo don"
"Ano pa bang magagawa ko,besides mas maganda ng meron kaysa sa wala"
Masyadong advance mag-isip ate ko dipa nga ako nakakapag moving up ay may eskwelahan na akong papasukan next school year.
"Good"
Kahit naman na ayawan ko yung school na yon wala rin akong magagawa gaya nga ng sabi nya nai submit na nya ang mga forms ko,saka maganda naman ang background ng school na yon at kilala iyon sa buong lalawigan.
"Dumating na daw si Kara?,how is she?"
"Seems good,pumunta sya dito kanina pero umalis din agad"
"Hayy nako TJ alam kong nararamdaman mo na gusto ka nya,right?,kanina sinabi nya sakin through call na iniwanan mo sya"
"You know naman ate kung bakit ayaw ko sakanya right?"
Nagkibit balikat nalang sya saka tahimik na kumain
Nang matapos kaming mag dinner ay umakyat na ako ng kwarto ko,
Umupo muna ako sa study table ko at nagsimulang isipin ang babaeng palagi ko nalang nakikita pagkatapos ng practice namin,hindi naman sa gusto ko yung babae pero na cu curious lang ako.
Every time na matatapos o kaya uwian na galing ng game ay lagi ko syang nakikita na nakasakay sa tricycle,baka nga coincidence lang,pero parang hindi e
Bago pa ako mabaliw ay sumampa na ako sa kama ko at natulog
←→←→←→←←→←→←→←→←→←→←→←
3 days past
←→←→←→←→←→←→→←→←→←→←→←"TJ!!!,anong wish mo?"tanong ni mama
Papaalis na kami sa bahay para sa moving up ceremony ko,kahapon lang sila bumalik dito sa Bulacan mula Laguna
"Ma,para namang bata ako sa tanong mo"natatawa kong sabi,tumawa rin si papa na kasalukuyang nagda-drive at si ate na katabi ko
"Sus!,kahit anong paraan pa ng pagsabi ni mama ng wish mo ganon parin naman ang meaning!"tumatawang biro ni ate,napairap nalang ako sa kanya
"Dali na,ano bang gusto mo?"pag-uulit ni mama
"Hmm hindi ano ma kundi sino"sabi ni ate,lumingon si mama at nakita ko naman ang mata ni papa sa rear mirror
Alam ni ate ang babae na palagi kong nakikita dahil palagi kong ikinekwento sa kanya,
"Aha!,sinong sino?"nakangiting at may halong pang-iintrigang tanong ni mama"Someone I don't know"sabi ko nalang
Totoo naman na hindi ko kilala yun,nung mga nakaraang mga araw gusto ko syang makilala hindi dahil sa curiosity kundi dahil gusto ko sya, OO gusto ko na ata sya
"Someone you don't know?,a girl?"mama,hindi ko na sila tiningnan at tumingin nalang sa bintana
"Yes ma,lately palagi syang nasa may kanto para makita yung babae nayon,hmm sabi nila Emon hindi rin nila kilala yung babae"kwento ni ate
"So,ayon ang wish mo., to know that girl?"tanong ni mama
I wish
Bago pa ako makasagot ay nagpark ni si papa kaya bumaba na kaming lahat nandito na ang mga barkada ko at sinalubong ako ng yakap ni Kara
"Congrats!!"sigaw nyaTumawa naman sila,hinayaan ko nalang na umangkla ang kamay nya sa braso ko pero bago pa kami lumakad ay narinig ko ng bumulong sakin si Dad
"Ok son,I will help you to find that girl"bulong ni papa saka kami nilagpasanNapangiti ako
"Oh!,nakangiti ka?,happy?saan?"Kara"Wala,"
After ng mga ilang minuto nagsimula na ang program,
Sana nga makita kita