SHEMS!(short story)

9 0 0
                                    

"Shems! Ano ba naman yan babes!" Sabi ko sa bestfriend ko na si Ven matapos nya akong gulatin.

"Oh? San ka ngayon?" Sabi nya sabay ngiting tagumpay kasi nagulat nanaman nya ako.

"Eh? San pa? Edi sa puso mo. Yieeee!" Sabay kiliti sa kanya. Ganyan ako maglabas ng nararamdaman eh. Ako lang din yung magsusupport sa sarili kong joke. AHAHAHA

"Wag ganun babes. Alam mo namang may laman na tong puso ko eh" sabay pout nya.
Aray naman! Teka! Ouch! Ok ang OA na. Nag pout nalang din ako para di nya mapansin na nasaktan talaga ako.

"Pero seryoso babes? San ka ba?" Sabay akbay.
"Di jan lang. Maghahanap ng ipapalit sayo" nginitian ko sya na parang wala lang.

"OK! Una nalang ako sayo ha? Bye! Kitakits babes" tapos kinurot yung pisngi ko
"Aray naman babes! Ansakit!" Sabay batok.
"AHAHAHA sige na. Cute mo babes!" Tsaka nag wave na sya paalis.

Di man lang pinansin yung sinabi kong maghahanap ako ng ipapalit sa kanya? Haaays ano ba naman yan. Di apektado babes ko.

Gulat kayo? Oo babes tawagan namin. AHAHAHA wala lang. Trip trip ganun. Wala naman kasing malisya yun. Ako lang yung naglalagay. AHAHAHA

Naglakad na ako papuntang open field, dun lang kasi yung tambayan ko kung gusto kong mapag isa at mag-isip.
Pagkadating ko dun, umupo lang ako sa ilalim ng malaking puno.

"Ba't ba kasi ako nagkagusto sa lalaking yun? Haaays." Sabi ko sa sarili ko sabay gulo ng buhok ko.
Pero bakit nga ba sa kanya? Siguro kasi caring sya, sweet at ewan ko perfect sya sa paningin ko eh tapos ang talino pa. Plus points na yung mabait at friendly pa.

"Bakit nga ba sa kanya?"
"SHEMS!" Nasabi ko ng dahil sa gulat.
"Shems? AHAHAHA what a word" sabi ng babaeng nasa likod din ng puno.
Teka!? Ba't di ko sya napansin kanina?
"Ah. Eh" di ko alam sasabihin ko. Nakakahiya. May nakarinig sakin. Shems naman!
"Ih. Oh. Uh? AHAHA hi? I'm Shir and you are?" Sabay ngiti ng napaka lapad. Maganda naman sya pero masyado ata syang FC eh. Sige na nga. Friendly naman ako, nagmana ata to kay babes hahaha
"Ahm hello. I'm Ril, nice meeting you" nakangiti pa ako nyan ah.

"Ow. Nice name. Hi Ril, since magkakilala nanaman tayo, so are we friends na?" Ay iba si ate nyo eh no? AHAHA
"Huh? Eh. Ok" ngiting di maintindihan.
Kasi naisip ko lang what if friends na kami tapos magkita sila ng babes ko? Huhu ayokoooo. Pero di naman ako ganun kasama no. Kaya go lang ng go.

"Ah sige. Una nako ha? See you when I see you" sabay ngiti
"Ha? San ka ba? Sama ako. Wala pa kasi akong kakilala dito eh. Pleaaasseee!" Hala! Nag pretty eyes pa si ateng. Huhu pano nato? Magkikita na kami ni babes ko eh. Pero sige na nga lang. Haaays. Wala namang mawawala kung magkikita sila eh. Paranoid lang siguro ako.

"Sige. Hali ka na." Sabay angkla ng kamay ko sa braso nya. Pa FC na rin ako eh. Hahaha pero di ako plastic ah. Baka ano sabihin nyo jan.

Habang naglalakad kami, nakita ko na si babes naghihintay sakin sa cafeteria. Pero di naman ako nag iisa so naghihintay SAMIN. 😂😂

"Babesssss!!?" Sabay yakap. Kala naman antagal nawala eh. Ahaha wala eh namiss ko sya eh.

"Ah Ril? Sino kasama mo?" Sabay tingin nya kay Shir.
"Ay. Babes si Shir nga pala. My new found friend" sabay smile
"Shir, babes ko" sabay tawa.

"Hi Shir, I'm Ven. Ril's bestfriend"atsaka inabot nya ang kanyang kamay.
"Oh hi dear. I'm Shir. Nice meeting you" at nag shake hands sila.
Kakalungkot naman may pa shakehands shakehands pang nalalaman eh.

"So? Ano na? Dito nalang tayo? Hali na kayo!" Badtrip ako eh. Sana talaga di ko na sya sinama eh. Huhu ang bad ko *sigh*

Nauna na akong maglakad. Nagutom ako bigla eh. Pero di ko inasahan na sumabay si babes sakin kaya nahuli si Shir. Pero ayoko namang ma OP sya kaya hinintay nalang namin.

"Ano gusto mo babes?" Sabi ni Ven
"Ikaw. Ikaw gusto ko" sabay kindat at tawa hahaha anlandeee
"Seryoso nga kasi. Nakakahiya sa bago mong kaibigan oh. Sige na ako na mag o-order pa satin. Ikaw Shir? Ano gusto mong orderin?" Sabay tingin kay Shir.

Pang ilang beses na kaya ako nasaktan nitong lalaking to ngayong araw? Sumusobra na sya baka mahalin ko pa sya ng sobra nyan. Kainis!

"Hmm spag at coke nalang. Thank you" sabay smile na malapad.
Naaahhh ba't kailangan pa ng smile dre?
"Ahm ako gusto ko tubig at burger nalang babes. Salamat" nag smile din ako ng pinaka sweet.
"Ok. Be right back" tsaka sya umalis.

Di ko alam kung anong pag-uusapan namin ni Shir. Di ko alam kung pano mag open ng topic eh. Naman oh!
"So sya ba?" Tsaka ngumiti ng nakakaloko
"Huh? Ang alin?"
"Yung sinasabi mo kanina sa open field na lalaking gusto mo" sabay tawa
"Eeehhhh. Wag kang maingay baka marinig ka nya." Waaahhh pano nato? May nakakaalam na.
"So sya nga?" Pangungumbinsi nya.
"Hmm" sabay nod.

Sheeeemmmsss naman. Di ko inakala na sa ganitong pagkakataon pa malalaman ng kung sinong nilalang sa mundo kung sino yung gusto ko.
OA na kung OA pero kasi ayoko lang mawala si Ven sakin. Kasi alam nyo yun dependent na ako sa kanya. At tsaka baka pag nalaman nya, baka lumayo pa. Di ko alam gagawin ko.

"Wag ka ngang mag-alala. Your secret is safe with me" tapos ngumiti pa na talagang nakakasigurado eh.
"Basta ha" nag pout pa ako.
"Oo naman" *smile*

At nung dumating na si babes umupo sya sa tabi ko tas nasa harap nya si Shir at nagsimula na rin kaming kumain.

"Ahm sige una na ako ah?" Paalam ni Shir samin.
"San punta mo?" Tanong ni babes sa kanya.
Haaaaayssss masyadong nag ca-care eh. Alam nyo yun, caring syang tao. At hindi lang sayo kundi sa lahat ng tao. 😑

"Ah uuwi na muna ako. Salamat sa inyo ha. Sa uulitin" at umalis na sya sa harap namin.
"Sana hinatid natin sya" sabi ni babes
Waaaaaw naman! Ke bago bago pa nga lang namin nakilala yung tao eh.

"Sana hinatid mo" *note the sarcasm*
"Ba't galit ka?" Sabi nya
"Di naman. Pagod lang." Ang hirap naman mag tago ng feelings oh.
"Sige una na ako. Bye babes!" Paalam ko
"Sige. Ingat ka babes" sabay gulo ng buhok ko.

Ehhh?? Yun na yun? Pag kay Shir gusto nyang ihatid? Tas pag sakin? Sige lang? Kaiyak naman oh.

Pagkauwi ko ng bahay pumasok agad ako sa kwarto at nag online. Ambilis naman nya. In-add ako agad ni Shir. So inaccept ko. Alangan naman hindi, baka ipagkalat pa nya yung secret ko pag nagkataon. Hahahaha

Siguro inadd nya rin si babes ko.☹ bala na nga.

Shems! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon