CONTINUATION

6 0 0
                                    

Kinabukasan!

Naligo ako at nagbihis na para maka pasok sa skwela. Kapagod naman mag-aral oh. Kung di lang ako na iinspired sa tuwing pumapasok eh di sana umabsent nalang ako. Di joke lang! Good girl ako eh.

"Ma pasok na ako" sabi ko kay mama sa living room
"Sige baby. Ingat ka ha."
"Yes ma" sabay halik sa pisngi nya

Nag jeep nalang ako papuntang school kesa naman magpahatid pa ako eh sayang lang sa gas at mapapagod lang yung driver namin soooo wag nalang.

Pagkadating ko pa lang sa may gate nakita ko na si Shir, parang may inaantay. Lalapitan ko na sana sya nung may tumawag sa kanya.

"SHIR?" Si babes ba yun?
"Oh hi Ven" ehhh si babes nga!
"Anong ginagawa mo jan?" Tanong ni babes
"Ahh hinihintay ko lang si Ril. Para sabay na kaming pumasok" aaaahhh ang sweet naman ng new found friend ko.
"Ay ganun? Sige. Una na ako. Ingat kayo!" Paalam nya
"Sige. Ingat din" sabi ni Shir

Ay langya! Di man lang nagpa iwan para hintayin rin ako? Buti pa si Shir. Si Shir nalang kaya jowain ko? AHAHAHAHA di joke lang. Di ako tibo no. Pagkatapos umalis ni babes. Nagpakita na ako kay Shir, alangan naman pag antayin ko pa ng matagal eh malalate na kami.

"Hi Shir" bati ko sa kanya
"Uy hello Ril, buti andito ka na" sabi nya.
"Yesyesyes!" Sabi ko kaya sabay kaming natawa.

Pagkapasok namin sa school, parang pinagtitinginan kami ng mga people eh. Alam ko naman na maganda si Shir at syempre maganda rin naman ako pero kasi diba nakita nanaman kami ng mga tao kahapon ba't di nila kami tiningnan kahapon? Lol.

"Anong meron?" Tanong ko kay ate girl na naglalakad malapit samin.
"Eh bali balita kasi na may gusto ka daw kay Ven eh. Kaya yun" paliwanag nya.
Say wuuuuuttt??? Sinong nagsabi nun? Huhuhu eh si Shir lang naman sinabihan ko nun eh. Tiningnan ko si Shir ng nalilito.

"Ano? Di ako nagsabi nun" sabi nya
"Eh sino pa bang ibang nakaka alam? Huhu wala ng ibang nakaka alam Shir. Ikaw lang" naiiyak na talaga ako.

Andami ng "what if's" ang nasa utak ko. Pano kung nalaman na ni Ven yun? Pano kung mawala sya sakin? Ayokoooo!!! Tumakbo na ako kasi di ko alam ang gagawin ko.

"Teka! Ril??? San ka pupunta?" Sigaw ni Shir sakin. Pero di ko na sya sinagot at tumakbo nalang ako ng tumakbo hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa open field kung saan ko unang nakita si Shir.

"Ano ng gagawin ko? Pano kung layuan nya ako? Pano kung mawala sya? Di ko kaya!" Umiiyak na ako na parang bata dito. Wala namang makakarinig sakin dito eh.

"Di naman mangyayari yun eh! Di naman kita lalayuan. Di ako mawawala sayo, promise. At tsaka wala kang ibang gagawin kundi mahalin mo lang ako"
Natulala ako. Nahihiya ako. Di ako makagalaw. Umiiyak parin ako. Ang panget ko na. Anong gagawin ko?
At sa huli? Isa lang nasabi ko.

"SSSHHHEEEEEEMMMMSSS!!!"

Shems! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon