Chapter 1

431 3 0
                                    


Isa sa mga hiling ng mga tao ay ang magkaroon ng maraming kayaman, kapangyarihan sa lipunan, ang walang hanggang kabataan - ang pagiging immortal ngunit kung ako'y tatanunin, mas nanaisin ko nang pumanaw at mamahinga sa mundong ibabaw. Samu't sari na ang aking naranasan at kakabit nito ay ang mga ala-ala na kung saan ako lang ang nakakatanda habang ako naman ay nalilimutan. Gusto ko man pabaunin sila ng isang ala-ala'y hindi pwede. Ito ang kabayaran sa kasalanang nagawa ko noon. Ang kasalanang pagbabayaran ko habang buhay. 

Marahil ay may ideya ka na kung ano ako. 

Oo. Hindi ako normal na tao at kung gusto mong malaman ang haba ng pamamalagi ko dito sa mundo ay siguro'y pang-apat na buhay mo na ito. 

Oo. Ako'y imortal pero kung sumagi man sa isip mo na ako ang Diyos, doon ka nagkakamali. Siya ang pinakamakapangyarihan sa lahat at wala siyang katulad. Hindi rin ako isang bampira, tikbalang o kung anu-ano mang elemento sa lupa, tubig o sa hangin. 

Hindi sa pagmamayabang, ako'y higit sa kanila sa lahat ng aspeto. 

Sa haba ng panahon ng nandito ako sa lupa, ako'y nag - iisa. Ako ay natatangi. Tanging ako lamang ang pinarusahan ng itaas at ito ang pinakamalungkot na parte ng buhay ko. Habang buhay akong mag - isa. 

Ano ng ba ako? Sino ba ako?

Sa panahong hindi pa nasasakop ng banyaga ang Pilipinas, ang pangalan ko'y Himda. Naging si Cristina Bautista ng inalipin ng kastila. Nang ang mga hapon naman ang napadpad dito, ako'y naging si Elya Cruz. Hanggang sa nag - alsa ang sambayang Pilipino sa mga mananakop, pinangalanan ko ang aking sarili bilang si Maria Macaraig. At kumpara sa librong binabasa niyo ngayon, ito'y mababaw lamang sa totoong nangyari noon. Kaya kong ikwento sayo ang totoong kasaysayan ng ating bansa pero aabutin tayo ng ilang buwan bago tayo matapos. Natunghayan ko ang pagbabago ng ating mundo. Ang pag - unlad at pagbagsak ng ating ekonomiya, ang pag - iiba ng paraang ng pamumuhay ng mga tao, at ang pag usbong ng samu't saring imbensyon gawa ng mga tao na siyang laking tulong kung ano ang mayroon tayo ngayon.

Ngayon? Ako si Jade Amithyst Fernandez. Sa edad na bente singko anyos, isa akong businesswoman na nagmamay-ari ng iilang malalaking negosyo dito sa Pilipinas. Ganoon pa rin aking mukha. Ang hubog ng aking katawan. Ang boses. Ang kulay ng aking mga mata. Hindi ako namamatay at kung ano man ako noon, ay ganoon pa rin ako hanggang ngayon. Hindi ako nagbabago. Pero paano ko ba natatago ang aking lihim? Paano ko ba napapanatiling sekreto ang aking pagkatao? 

Dahil sa teknolohiyang mayroon tayo ngayon, nakakasuot ako ng contact lenses. Kaya kung ibahin ang istilo at kulay ng aking buhok. Isa rin sa kaya kong gawin ay ang pagtanggal sa mga alaala tungkol sa akin at ito ay sa pamamagitan ng isang halik. Dahil dito, napapanatili kong itago ang aking pagkatao kung sakali mang may magbunyag o makatuklas tungkol sa akin. At higit sa lahat, may isa akong tagapamahala at katiwala sa lahat ng meron ako. Isang tao na magtatago sa aking lihim. Lihim na dadalhin niya hanggang sa hukay.

One of my secret keepers and the recent one was Pablo or known as Peter Mandig. I met him way back 1993 and he's the one who manage all the business and properties that I have. Siya ang apo ni Fernando na nanungkulan rin sa akin noon buhay pa ito. Unang kita ko pa lang kay Pablo ay panatag na ang loob ko. Katulad siya ng kanyang lolo na matalino, madiskarte at higit sa lahat tapat sa akin. Dahil sa kanya at kanyang kanunununuan, napalago ko ang negosyo ko na siyang bumubuhay sa akin. Marami na kaming branch dito sa Pilipinas and I'm grateful to this old man. Yes, he's old at alam kong malapit na siyang bawian ng buhay. Kung pwede lang sanang pagalingin ko siya sa kanyang karamdaman ay gagawin ko. Pero iyon ang wala ako. Tanging ang Diyos lang ang makakagawa 'nun. Ang tanging magagawa ko lang, kahit na wala akong karapatang hingin ito sa kanya, ay ang dasal na sana'y humaba pa ang buhay ni Pablo. 


"Pablo, bumubuti na ba ang pakiramdam mo?" Mahinang sabi ko sa matanda na nasa kanyang kama. Maraming nakakabit na aparato sa kanyang katawan kaya tanging tango na lamang ang sagot niya sa akin. 

Hinawakan ko ang kanyang kamay at hindi ko mapigilan na maluha. Isa sa aking kapangyarihan ay makita ang aura ng isang tao. Alam ko kung mabuti ka o hindi, kung maayos o may karamdaman ka. Isa rin dun ay kung malapit ng mamatay ang isang tao at iyon ang nakikita ko kay Pablo. Hindi ko man sinabi sa kanya ang nakita ko, alam ko na alam na niya na malapit na siyang bawian ng buhay.

"Magpagaling ka Pablo. Balita ko'y inaaway mo ang mga nurse dito. Kaya di ka nakapag-asawa eh. Ang sungit-sungit mo." Hinampas ko siya ng mahina at ngumiti lang siya sa akin. Kitang - kita ko ang pagkulubot ng gilid ng kanyang mata. Naramdaman ko ang init ng likidong tumutulo sa aking mga mata ng inangat ni Pablo ang mahina niyang kamay. Sa huling pagkakataon, ginulo niya ang buhok ko gaya ng lagi niyang ginagawa sa akin noong malakas pa ito. Ilang minuto kaming tahimik at sa pagbagsak ng kanyang kamay ay isang matinig at nakakabinging tunog ang narinig ko. 

"Salamat Pablo..." Napahagulhol ako habang akap-akap ang walang buhay niyang katawan.

Love Beyond Eternity (GirlxGirl Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon