I |Égoiste

14 0 0
                                    

Hinawi ng malakas na hangin ang kulay tsokolateng buhok ng isang dalagitang kulay perlas ang kaputian.Tinignan n'ya muli ang kan'yang relos ,muli s'yang napabuntong hininga.

Palinga-linga s'ya sa paligid na animoy may hinihintay.Lumiwanag ang kaninang malungkot at madilim na mukha ng dalagita.Luminga-linga ang isang binatilyo na parang may hinahanap.

Itinaas ng dalagita ang kan'yang kanang kamay at iwinagayway.

"Franco!"malakas nitong sigaw na nagbigay ng atensyon sa mga tao sa parke.Napatingin din sa kan'ya ang binatilyo at maya maya lamang ay umaliwalas ang mukha nito.Mabilis na lumapit ang binatilyo sa dalagita.

"Diana,akala ko hindi ka sisipot sa tagpuan natin".

---

"Hindi!Hindi ko nga kasi alam kung nasaan o kung ano ang nangyari sa kaniya!Kaya pakawalan n'yo na ako!Wala akong ginagawang masama rito!".sigaw ng isang binatilyong mestizo,nagpumiglas ang lalaki sa pagkakahawak sa kan'ya ng mga pulis.

"Bitiwan n'yo ako sabi!"Malakas na sigaw nito na nagbigay ng atensyon sa kanya ng mga tao sa istasyon ng mga police .

May isang hindi katandaang babae ang lumapit dito at umiiyak .Hawak hawak nito ang isang kwintas---isang kulay gintong kwintas na may pendat na isang paru-paro.Mahahalata mo na ito ay matamlay dahil sa kaniyang maputlang balat,medyo magulo ang kulay itim na buhok ng babae,kitang kita na rin ang mga itim na marka sa ilalim bg kanyang mata dahil na rin sa puyat at mapapansin mo na ito ay nangangayayat dahil sa kaniyang nawawalang anak na ngayon ay hinahanap pa rin.

"Franco,nagmamakaawa ako sa'yo,ibalik mo na sa'min si Diana"Luluhod sana ang babae pero napigilan s'ya ng kan'yang asawa.Hindi pa rin tumitigil ang pag-agos ng luha ng ina ni Diana.

"Wala nga po sa'kin si Diana!Ilang beses ko na pong sinabi na hindi po ako ang kumuha sa kan'ya!"Lalong humagulgol ang ina ni Diana,Kita sa mga mata ng nanay ni Diana na malapit na n'yang sukuan ang paghahanap sa anak.Apat na taon---apat na taon ang iginugol nila para hanapin si Diana,pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nila ito mahanap.

Napatigil ang pag-iyak ng nanay ni Diana dahil may biglang lumapit sa kaniya,isang may katandaang babae ,kulay bughaw ang suot nitong daster.Litaw na litaw na rin ang kaniyang kulay puting buhok at malalaman mo na ito ay katandaan dahil hindi na ito maliksi at kulu-kulubot na ang balat nito.

"Ma,ano pong nangyari?Bakit po kayo nandirito?"napatingin ang matandang babae sa nanay ni Diana.

Nanigas sa kinatatayuan ang babae at simula na namang bumuhos ang kaniyang mga luha.

"Carina,tumakas ang anak mong si Efren,Hahanapin n'ya raw mag-isa ang ate n'ya".

Sa kabilang banda naman ay may isang binatilyo ang naglalakad sa kalagitnaan ng Libertad,palinga linga ito at muling tinignan ang kapiraso ng papel na hawak hawak n'ya.

"  Brgy. 201 Don Diosdado Village,Pasay City,Metro Manila,Philippines. "

Napakamot sa ulo ang binatilyo at kinuha sa kan'yang malaking bag ang isang mineral water,Mabilis n'ya itong ininom at binalik uli sa kan'yang bag.

Nagsimula na s'yang naglakad.Habang naglalakad ay tinitignan n'ya rin ang mga bagay sa paligid n'ya---hindi kasi ito pamilyar sa kan'ya dahil ngayon pa lamang s'ya nakapunta sa lugar,mula siya sa Las Piñas at sumakay siya ng bus papuntang Pasay.

Napatigil s'ya sa paglalakad at tinignan ang isang bagay na mabilis na umandar---isang tren.Umaliwalas ang mukha ng binatilyo at biglang nabuhayan ng pag-asa.Muli n'yang tinignan ang kapirasong papel at ngiting tumingala.

DIANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon