𝖪𝖠𝖡𝖠𝖭𝖠𝖳𝖠 𝖨𝖵

13.2K 210 0
                                    

GAB

Nako naman! Lasing na naman ang lalaking ito! Yan kasi iinom inom hindi naman pala kaya! Ihahatid kona naman ito! Ang bigat bigat naman ng lalaking ito.
                                                              ***

FAITH

Nandito ako sa bahay ngayon kakauwi ko palang galing ospital hinatid lang ako ng pinsan ako tsaka umalis din agad. Pagod na pagod ako at masakit ang katawan at ulo ko. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.

Nagising ako sa busina ng sasakyan, napakalakas nito kaya sa gulat ko ay dali dali akong napabangon at tinungo ang pintuan para buksan kung sino man ang taong ito. Laking gulat ko na may isang matipunong lalaki na lumabas sa sasakyan at akay-akay si Lance. Kaya dali-dali akong pumunta sa kanila kahit na masakit pa ang katawan ko.

"Ang kulit kasi nito ayaw makinig saakin. Sinabi ko na ngang umuwi na dahil sobrang lasing na niya, pero ayaw parin makinig. " kwento saakin ng lalaki habang inaabot niya saakin si Lance.

Umalalay naman agad ako gamit ang isang braso ko. Siguro isa ito sa mga kaibigan ni Lance nong college hindi kasi ako mahilig makipag halubilo noon kahit nasa iisang paaralan lang kami. Kaya hindi ko ito kilala. Hindi rin naman kasi ako ipinakilala ni Lance sa kanyang mga kaibigan kahit sa mga kasosyo niya sa trabaho.

"Kaya mo ba? Ikaw na ang bahala sa kanya Faith,pasensya kana at naabala ka pa alam kung galing ka pa sa ospital dapat ay nagpapahinga ka lang ngayon.

Iyan naman kasing asawa mo napakatigas ng ulo ayaw makinig saakin. At tsaka kukunin ko pa doon sa bar ang sasakyan niya" habilin at pagkwekwento nito saakin. Hindi ko inaasahan na kilala niya ako.

"Okay sige ako na ang bahala sa kanya. Huwag kang mag alala. Tsaka nga pala kilala mo ako? " hindi ko na napigilang magtanong. Medyo gulat parin kasi ako dahil kilala niya ako. Siguro ay nabanggit ako ni Lance sakanya.

"Hahaha oo naman,palagi ka kayang ikunokwento nito saakin." natatawang paliwanag niya. Tila nagulantang naman ang aking pagkatao sa kanyang mga sinabi.

Hindi ko lubos maisip na naikukwento niya pala ako sa mga kaibigan niya. Namula ako sa narinig ko at sobrang ligaya ang aking nararamdaman ngayon.

" S-Salamat..." nauutal na sabi ko sa kanya.

Ngumiti naman ito ng tipid at umalis na para kunin ang sasakyan ng asawa ko. Dumiretso nako sa loob akay akay ko ang asawa ko. Halos kalahati ng bigat niya nasa saakin kaya pa gewang gewang kaming naglalakad.

Iniakyat ko siya sa taas sa kwarto namin tsaka inihiga sa kama, agad akong lumuhod sa tabi niya at hinagod hagod ko ang likuran niya. Napaka amo ng mukha niya kapag natutulog parang isang tuta. Ngunit kapag gising parang isang leyon na handa ng mangain kapag ito ay galit.

"L-Lance bakit kaba kasi nagpaka lasing?Hindi mo naman pala kaya. " bulong ko sa kanya.

Tulog na tulog parin siya hanggang ngayon. Kaya bumaba mo na ako para makakuha bg naligamgam ba tubig at pampunas. Bababa na sana ako ng bigla niyang hinaklit ang aking kamay at sinabi ang mga katagang matagal ko nang hinihintay na sabihin niga saakin.

"Huwag mo kong iiwan Faith, parang awa mo na huwag mo akong ipagpalit sa iba mahal na mahal kita." umiiyak niyang sabi pero tulog parin siya.

Totoo ba talaga ito? Mahal na niya ako? Gusto kong maglupasay sa sobrang saya. Kaya umupo ako sa gilid ng kanyang kama sabay sabi rin ng mga kataga na matagal ko nang gustong sabihin sa kanya.

"M-mahal na mahal rin kita L-lance, huwag kang mag alala hinding hindi kita iiwan kahit kailan." umiiyak na sabi ko.

Hanggang sa makatulog ako dahil sa sobrang pagod ngunit nakatulog ako na may ngiti sa aking mga labi. Dumating na rin sa wakas ang pinakahihintay kong araw na mahalin rin ako ng aking asawa.
                                                          ***

LANCE

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa aking mukha. Babangon na sana ako ngunit may naka unan sa aking dibdib, pagtingin ko si Faith pala ang aking mahal na asawa. Ang saya saya ko dahil sa mga narinig ko kagabi sa katunayan rinig na rinig ko ang kanyang mga sinabi saakin. Kung gaano niya ko kamahal at hinding hindi niya ako iiwan.

Nagpanggap lang ako na tulog para malaman ko ang mga gusto niyang sabihin saakin. At sa wakas nalaman ko rin na mahal pala ako ng aking asawa. At ngayon ipinangako ko sa aking sarili na hinding hindi ko na siya sasaktan. Mamahalin ko na lamang siya ng lubusan. At babawi ako sa mga kasalanan na nagawa ko sa kanya. Ipaparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

"M-mahal na mahal K-kita F-faith,patawarin mo sana ako sa lahat ng nagawa ko sayo sa mga nakalipas na taon" bulong ko sa kanya.

"Matagal na kitang pinatawad Lance, mahal na mahal rin kita" masuyong sabi ng aking mahal na asawa. Napakaganda niya talaga kahit bagong gising lang.

"Huwag mo akong titigan ng ganyan Lance"natatawang sabi niya.

"Bakit? Bawal na bang titigan ang asawa ko ngayon? "tanong ko sakanya

"Hindi naman nahihiya lang talaga ako at naninibago rin"namumulang sabi niya. Napaka mahiyain talaga nitong asawa ko.

"Bumangon na tayo para makapag almusal,tara na"yaya ko sa kanya. At bumaba na kami para makapag agahan.

                                                             ***

PAALALA: Don't forget to vote my stories 😊 Thank you and Godbless 😇😘🙏

𝖳𝖤𝖠𝖱𝖲 𝖮𝖥 𝖠 𝖶𝖨𝖥𝖤 (𝖢𝖮𝖬𝖯𝖫𝖤𝖳𝖤𝖣)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon