I

22 0 1
                                    

Kasabay nang pagsinghap ko ay ang tuluyan kong pagkalaglag sa tinutulugan kong puno.

"Dami daming mapapanaginipan, magpapakamatay pa. Buti na lang hindi ako binangungot leshe" sabay himas sa balakang na wari ko'y nabali na sa sakit. Teka anong oras na ba?

"6:28. Uwian namin 5:00. Patay na naman" dali dali akong tumayo at dahan dahang inunat ang likod sabay karipas ng takbo papuntang parking lot ng school. Nagulat pa si kuyang guard kung bakit ngayon lang ako nakalabas.

Sakay ng motorsiklo, tinahak ko ang daan patungong bahay. Limang bahay pa ang layo ko mula sa amin ay tanaw ko na si mommy at ang kanyang salubong na kilay na nag aabang sa gate. Makakapasok kaya ako ng bahay nang buhay? Sermon in 3, 2, 1.

"SELENE ACLYS BUENAVIJE HARRIS ANONG ORAS NA!? GRADE 12 KA PA LANG UMUUWI KA NA NG GABI! HINDI KOMO'T NANDIYAN ANG DADDY MO KUKUNSINTIHIN KO YANG KATIGASAN NG ULO MO HA!" kung totoo talagang umuusok ang ilong, malamang sa malamang nag aapoy na si mommy. Hindi ko na lang siya pinansin at nagdere-deretso kay daddy para magmano.

"Ginalit mo na naman mommy mo. You're not a kid anymore my princess." Ang cute talaga ni daddy magsalita ng tagalog knowing he's british. His accent and tagalog was quite a combination.

"I fell asleep on a tree dad. I woke up and fell on the grass. Sorry dad" pouting my lips is always effective on him. I turned around and faced my mom.

"Sorry mom." alam ko namang galit na galit siya. Hindi lang naman ngayon, araw-araw siyang galit sakin at iyon ang hindi ko maintindihan. Hindi ko na hinintay na masermonan ulit ako at dumeretso sa kwarto ko para magpahinga. Narinig ko pang pinapakain ako pero wala akong gana.

I throw myself in my bed and stared at the ceiling. I didn't even noticed the tear that dropped on my face. This is my everyday life. My mom hates me for every reason she has while dad comes home once in a month since his job as an architect is in Great Britain. I wish I could go with him but my mom always assure that I won't or I can't.

Pagkatapos ng ilang oras na pagmumuni muni, nakaramdam ako ng gutom but for a particular food and that is the heavenly donuts because I believe that "a box of donut a day keeps my growling stomach away yey!" so napagpasiyahan kong pumunta sa napakalapit na convenient store which is nasa gitna nitong subdivision knowing na nasa bungad lang ang bahay namin at maihahalintulad ko sa isang barangay ang lawak nito.

Suot ang isang pares ng malaB1 na pj's, ipinatong ko ang isang jacket dala lamang ang phone at wallet ko patungong 24/7. Palagay ko mababaliw na ko sa estado ng utak at emosyon ko, hindi ko na maalis sa sarili ko na magpretend na masaya at lokohin ang sarili kong walang problema kahit deep inside sobrang sakit na.

Pagkadating ko sa 24/7 ay tumakbo akong parang bata patungo sa stalls ng donuts at namili para sa isang box. Bumili din ako ng iced coffee para hindi ako antukin dahil pasado mag aala una na ng umaga at may pasok kinabukasan. Napansin kong hindi lang ako ang nakatambay ng ganitong oras at nakiupo sa di ko malaman kung babae o lalaki na parang may cancer at balot na balot with face mask pa. Hindi ko rin makita ang mata niya dahil sa kaniyang sombrero.

"Is this seat occupied?" I asked politely and I received nothing but silence. Silence means yes so ipinatong ko ang binili ko at sinimulang kainin ang pinakamamahal kong donut. Wala namang imik ang nasa tapat ko, baka kase hindi ko siya kinakausap.

"Hi! I'm Selene Aclys Buenavije Harris, half British-half Filipina. Nice meeting you!" I offered my hand for shake hands pero ngalay na ko hindi pa rin siya gumagalaw kaya pinalakpak ko na lang para hindi ako mapahiya. Baka naman pipe ang isang to?

"Now that you know my name na, I'll share some thoughts of mine. What do you think about life? Is it unfair? Beautiful? Or strange?" yup. kausapin mo ang sarili mo Selene, keep it up, support yourself.

"Bakit kaya ganito kacruel ang mundo 'no? Biruin mo, I'm always there whenever they need someone to accompany them pero kapag ako ang nangangailangan parang hindi nila ako kilala" wala naman sigurong masama kung ipagpapatuloy ko 'to.

"Siguro smile can always deceive people. As a person always plaster a smile on their lips, they'll assume that everything is going smoothly and fine. Na wala siyang problemang kinahaharap. But little did they know that smile covers up the agony and pain he or she's going through." I smiled bitterly.

"Hindi nila alam na 'yong ngiting yon ay nanghihingi ng saklolo para iahon siya sa kumunoy ng kalungkutan. You know what? Maybe you'll think I'm making stories but my mother does not care for me. Baka nga hindi din niya ko mahal. Lagi siyang galit sakin kahit wala akong ginagawa. May gawin man akong tama, yung mali pa din ang isusumbat niya. Wala din akong kaibigan, well I consider one pero I think she's slipping away from me. My dad? He's always away from home. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong kasalanan sa past l--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang magsalita.

"You're absurd" dalawang salita pero ang sakit pakinggan, galing sa isang malalim na boses, isang lalake.

"A-ano?" narinig ko na nga inulit ko pa.

"You're dumb. You're stupid. Kung makapagkwento ka akala mo ikaw lang ang may problema sa mundo. May mga mamamatay nga pero hindi mo sila mariringgan ng ganyang kwento. They'll look on the positive side kaya kung ako sayo tigilan mo na ang kaartehan mo" naramdaman kong tumutulo na ang luha ko.

"Prejudices are often wrong and so are you. You don't know what I am feeling right now. You're not dealing my pain kaya ang dali lang para sabihin sayo yan. Siguro nga ang tanga ko. Salamat sa pagpapaalala ha?" hindi ko na alam kung kaya ko pa bang pakinggan ang sasabihin niya kaya tumakbo na ako palabas.

Siguro nga tama siya. Wala akong iniisip kung hindi sarili ko. Ganon ba kadali para tanggalin 'tong sakit? Bakit hirap na hirap ako? Wala na akong maintindihan. Sinalo ko na yata lahat ng kamalasan.

-----------------------------------------------------------

END OF CHAPTER I

•••

Currently on a mood to update this. Siguro next week na ulit since exams na. Suggestions? Critics? Comment down. Thank youuuu!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 08, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TwistedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon