Dear Mr. YSY

14 1 1
                                    

Long distance love relationship. Feel na feel ko ito. Nasa ibang bansa ka, tapos andito naman ako. Parang tayo lang eh.

Hindi ko malimutan ang araw ng una kitang makita. Naka-polo ka noon, pink pa ang kulay. Iyon din ang unang araw ng una kitang mapakinggan at masilayan. Naakit ako sa boses mong maganda at mga ngiti mong nakakamatay. Tunay nga talaga ang love at first sight, noh? Kasi una pa lang kitang nakita, napatibok mo na puso ko.

Simula noon, araw-araw ka ng nasa isip ko; sumsasagi, di maalis, parang sa computer na nakaprogram palagi. Kung sa research, ako na siguro ang pinkamagaling na mananaliksik kasi nagawa kong alamin ang lahat tungkol sayo. Lahat, pati model ng cellphone ng tatay mo, alam ko. May nakapagsabi kasi sa akin na kapag mahal mo ang isa tao, dapat alamin mo lahat tungkol sa kanya. Kaya pati buong angkan mo, naresearch ko na.

Bakit ba kasi ako inlove sayo? Siguro dahil sa ngiti mong ikinamamatay ko sa tuwina, sa mga titig mong nakakatunaw, sa ugali mong ang tamis-tamis na nakaka-diabetes, sa maliwanang mong kutis na mas liwanag pa sa kinabukasan ko. Sa tindig mong mala-estatwa na talo pa ang mga gawa ni Michelangelo, o sa katawan mong tulo-laway ako palagi tuwing pinapanood ko mga photoshoots mo. O siguro sa tinig mong napakaganda na pwede ko ng pakasalan STAT. Ang hirap, di ko alam saan o kung bakit kita mahal. Mahirap pa sa board exam, pero mahal kita eh.

Lahat ay tutol nitong nararamdaman ko. Tinatawag na akong baliw ng mga kaibigan ko kasi 'di daw kita reach. Pati pamilya ko, naguguluhan na sa akin. Sabi ko kasi na pagkatapos kong grumaduate, hindi muna ako maghahanap ng trabaho kasi hahanapin muna kita. Kaya binabara na lang nila ako palagi tuwing binabanggit kita. Ikaw kasi eh, binihag mo 'ko. Pero 'wag kang mag-alala, strict lang talaga parents ko pero tatanggapin ka n'on with open ams.

Long distance love relationship. Feel na feel ko ito. Nasa ibang bansa ka, tapos andito naman ako. Parang tayo lang eh. Kaso walang relationship. One-sided love, oo. Kasi walang relationship in the first place.

Mahal kasi kita sobra. Kahit na love at first sight lang ako sa'yo sa TV, kahit nasisilayan lang kita sa internet, kahit araw-araw kong idinidikit itong nguso ko sa mga larawan mong ninakaw ko pa sa internet, at kahit you do not know that I exist, mahal pa rin talaga kita. Parang I am born to love you. Kahit fan girl lang ako, napaka-loyal ko sa'yo. (Siguro dapat mayroon akong Loyalty Award eh.)

At alam kong magkikita tayo. Kasi sabi ni Lord, basta may tiyaga, may nilaga. Kaya pinagtitiisan ko lahat ng ginagawa ko para maka-graduate at bigyan ng pamasahe nila Mama para makapunta diyan sa bansa niyo. Magdadala ako ng marriage contract at singsing kapag nangyari yan. Huwag ka sanang magugulantang. Pero kung mawalan ka man ng malay dahil sa gagawin ko, wag kang mag-alala, willing akong i-CPR ka.

Sa ngayon, hayaan mo muna akong mag-isip na may relasyon tayo ha. Para bang, I am mentally dating a Kpop idol. Iisipin ko muna ito in the mean time para sa ikatatahimik ng kaluluwa ko. Wait ka lang sa'kin ha.  Kasi pupuntahan talaga kita, it's whether you like or you like it.

Letters to TellWhere stories live. Discover now