Crush

11 2 1
                                    


 Habang naglalakad ako palabas ng aming bahay, hindi sinasadyang nakita ko ang aking crush. 6 years ko na siya hinahangaan at hanggang nagyon hindi parin niya ako napapansin. 

Ngunit parang nag iba ang hinip ng hangin ngayon, nakita ko siyang napatingin sakin at ngumiti pa. Gosh! Ngumiti siya!Para bang nagparty ang puso ko at ang lakas ng kalabong nito. Gusto niya yatang lumabas mula sa dibdib ko, minsan niya lang ako ngitian kaya naman tuwang tuwa ako. 

Saktong hawak ko ang isang papel na ibinigay sakin ni mama. Binasa ko iyon,"I love you". Biglang lang ay lumakas ang hangin at nilipad iyon. Nakita iyon ni crush kaya hinabol niya ito. Sobrang saya ko pero nang maalala ko ang nakalagay dun ay kinabahan ako. May girlfriend nga pala siya. Bigla kong naisip.

 Pinilit ni crush na habulin iyon at nagawa naman niya itong makuha. Kaagad akong tumakbo papunta sa kanya parakunin iyon. Tiningnan niya ako pero parang nag iba na ang eksperson ng mga mata niya. Malinaw ang ipinapakita nito, iyon ay ang sakit. 

 "N-nabasa mo?"bumalik sa dati ang ngiti niya, puno ng sigla at saya, pero para bang hindi na iyon katulad ng dati. 

 "May boyfriend ka na pala?"hindi ko alam ang sasabihin ng magsalita siya. Tila isang musika sa aking tainga ang kanya boses. Walang ibang pumasok sa aking isip kundi ang maglakas ng loob na umamin sa kanya. 

 "Huh?"bakas sa kanyang mata ngayon ang sakit. 

 "May boyfriend ka na nga,pakilala mo naman" wala paring pumapasok sa isip ko kaya naman iba ang nasabi ko.

 "Di mo nga pinapakilala ang girlfriend mo eh,ipakilala mo muna bago ko sabihin kung may boyfriend na ako" napangiti siya ng matipid. 

 "maniniwala ka kaya sa mga sasabihin ko? Kung naniniwala ka, sige ipapakilala ko siya ngayon. Maganda siya, mabait, tuwing nakikita ko siya napapangiti ako ,natutulala ako sa kagandahan niya, pero hindi iyon ang nagustuhan ko sa kanya, yun ay ang personalidad niya at ang taglay niyang kabutihan. Mahal ko na nga siya eh. Pero mukhang may mahal na siyang iba, kanina lang hinabol ko ang papel na nalipad mula sa kanya,nakalagay dun 'I love you', nasaktan ako. Kasi hindi naman niya alam na siya ang girlfriend ko." mahina niyang sabi. 

Sapat na para marinig ko ito. Hindi mo alam ang dapat mong maramdaman. Kinakabahan ka na naiiyak sa saya at takot. Takot na mali ang iniisip ko, at saya kung tama ba ang akala ko.Nagkalakas loob kang magsalita. 

 "S-sige,ipapakilala ko ang boyfriend ko. M-matalino siya, gwapo, sikat sa school at kinababaliwan ng mga babae, pero kahit ganun hindi siya naging mayabang. Yun ang nagustuhan ko sa kanya. Mahal ko na siya, dati pa. Kaya lang sabi niya may girlfriend na siya. Ano bang magagawa ko, eh hindi naman niya alam na girlfriend niya ako. Kanina lang nung lumipad ang papel na hawak ko, hinabol niya iyon at kinuha, nakita niya siguro ang nakasulat sa papel na iyon. Galing yun kay Mama. Sobrang kaba ko ng kaharap ko siya. Parang sasabog na ang puso ko." nanlalaki ang mga matang nakatingin siya sayo. 

 "A-ako ba yan? Kasi sa sinabi ko, ikaw ang tinutukoy ko"napangiti ako sa sinabi niya. 

 "Ako pala yan,sa sinabi ko kasi ikaw din ang tinutukoy ko." bakas ang saya sa mga mata niya ng sabihin mo iyon. Ang kanyang reaksyon ay repleksyon ng sa iyo. Sobrang saya koo ng yakapin niya ako. 

 "Mahal kita" 

 "Mahal din kita." Humiwalay siya sa pagkakayakap at hinarap ako. 

 "Liligawan kita."masaya niyang sabi sa iyo.

 "Galingan mo."

Kami'y masayang  naglakad habang magkahawak ang mga kamay, sobrang saya ko at sobrang nagpapasalamat ako kay mama. Nang dahil sa kanya nalaman ko na mahal din pala ako ng mahal ko. 

"Thank you mom! Kung hindi dahil sayo hindi ako liligawan ng crush 'ko!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 07, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CrushWhere stories live. Discover now