haaaayy.... haaaaayy... haaaayy.. high school

12 0 0
                                    

TAN-TARARAN-TARARARAN-TAN-TARARARAN-TARARARAN-TANTARARAN

Background music yan ng graduation namin, habang naglalakad kaming kasama ang mga schoolmates and classmates ko paakyat ng stage upang kunin na ang diploma sa elemantary, este bond paper na binilot lang sa ribbon.Wala eh, ganun talaga -_- lagi namang bond paper ang binibigay eh. Pampicture lang ahhaha. nakagraduate ako ng walang kahirap-hirap sa elementary, lagi akong absent, hindi gumagawa ng assignments, hindi nagrerecite ng key to remembers sa libro, Higit sa lahat puro laro lang ang inaatupag ko tuwing papasok ako. Yung tipong kahit sino lang ang makalaro ng habulan, taguan, patintero, tumbang preso, piko, at marami pang iba. Nai-excite na tuloy ako, next pasukan high school na ako. ^_^ Naiisip ko tuloy anu kaya pwedeng mabago sakin pagtuntong ko sa highschool.



Pagkatapos ng graduation sa elementary ay sa lola ko na ako tumira dahil sa naghiwalay sila ng lolo ko kaya sinamahan ko ang lola dahil mag-isa lang siya. Mahirap ang buhay sa lola k, nangungupahan kami sa dating kulungan ng baboy na ginawang kubo. at yung mga lupang nakapaligid doon ay tinamnan naman ng lola ko ng mga halaman na siya naming inuulam sa araw-araw.


June 2, 2008, maaga ako gumising, marahil excited na ako para sa first day of high school life ko. Maaga ding gumayak, naligo, nagbihis ng uniform nakakaalmorol lang ng lola ko kahapon kaya napakatigas ng palda kong kulay checkered na black and white; yung kulay na pang HRM na uniform, syempre maaga din akong pumasok kasabay ang mga pinsan ko.


May kakaiba akong nararamdaman ngayon. Kinakabahan, natatakot, at naghahanap... Naghahanap ng kakilala, naghahanap ng kaibigan, naghahanap ng pangalan sa bawat pinto ng classroom at higit sa naghahanap ng magandang bukas. Sa lahat ng naramdaman kong yun, isa lang ang siguradong ipanlalaban ko... ang mga inspirasyon ko, ang Diyos, mama't papa ko, lola ko, at ang hanggad kong pagkatuto.


Sa paghahanap ko ng pangalan sa mga pintuan ng bawat classrooms sa wakas nahanap ko narin ang pangalan ko KIMBERLY ORTEGA. I-Daisy, pang walong section sa labintatlong sections. Salamat naman makakapahinga na yung mga paa kong kanina pa naglalakad. Pagpasok ko ng pinto nilibot ko ng mata ko ang paligid ng classroom. Hindi katulad ng mga pader na nakasanayan ko sa elementary na kung ano-ano ang nakadikit, yung mga pader dito puro charts ng limang subjects at mga quotations about sa pag-aaral tulad ng "The roots of education are bitter but the fruit is sweet" - Aristotle. Syempre First day kaya adviser lang ang una naming imimeet ngayon. Ang pangalan nya ay Mrs. Abegail "Abe" Dumaple at nilista niya sa pisira ang schedules ng subjects namin. First Subject, Technology and Livelihood Education (TLE) kay Ms. Geraldine (Gie) Galvez, Second Math kay Mrs. Rufina Trinidad, Third Music, Arts, Physical Education and Health (MAPEH) kay Miss Punzal, Fourth Filipino Mrs. Angelita Pascual, After that Lunch Break, Next Subject English kay Ma'am Josephine De Guzman, Araling Panlipunan na hawak ng aming adviser na si Ma'am Abe and Science kay Ma'am Hazel Bartolome.Ipinamigay na din samin ang mga libro nahihiramin namin sa isang buong taon ng first year high school sa lahat ng subjects. Sa kasamaang palad wala akong naging kaklaseng kaibigan o kakilala ko ng elementary kaya lahat sila magulo bukod sa nag-iisang ako. Mag-isang nagrecess, mag-isang naglunch, at mag-isang pumunta ng banyo, mag-isang umuwi at mag-isang naglakad.


The next day regular class na. Bago ako natulog kagabi nagbasa-basa ako kunyari ng libro. Natuwa naman ako kasi nakakasagot ako sa mga tanong ng mga teachers ko. First yon na maging super active ako sa klase with a bunch of correct answers. Akala ko sa simula lang ako magiging masipag mag-aral dahil madalas ganun ang gawain ko"Ningas-Kugon" sabi nga nila, per hindi, natuwa pa ako na ng lumabas na ang resulta ng Top 10 nang first grading at nasa Top 2 ang pangalan ko. Tuwang tuwa ako noon dahil alam ko na pinaghirapan ko yun, kaya naman lalo akong nagpursige na mag-aral mabuti. Nagkaroon na din anko ng mga kaibigan sina Kambal Julie at Judie, Myla ang top 3, Anmorey ang top 1.Halos lahat ng exams ko ay perfect scores. Nagkaroon ako ng good study habit.Madalas din kami ng ng mga kaibigan ko sa faculty dahil pinagchicheck kmi ng mga quizzes, exam, assignments, projects,pati nga grades pinapacompute din sakin. Ang sarap sa feeling na ganun, kaya mas lalong nabuo ang pangarap kong maging guro. Hanggang sa end of school year naging consistent top 2 ako. At nagkamit ng unang medalya na may titulong Secong Honor. Napakasarap sa pakiramdam na nagbunga ng magandang resulta ang lahat ng pagsusumikap ko sa pag-aaral.


Second year High School. "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

haaaayy.... haaaaayy... haaaayy.. high schoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon