Batangas: Lalawigan ng mga Magigiting

1.3K 5 6
                                    


Napasyal ka na ga sa 'ming lalawigan?

Kung may panahon ka ay iyong puntahan

Mula sa Maynila'y ilang oras laang

Kabilang sa Rehiyon ng Katagalugan

Ika-walo ng Disyembre, taong 1581

Nang maitatag po ang Lupang Batangan

Kung mamarapatin, aking sisimul-ang

Mga bayan dine'y aking maitanghal

Uunahin ko na ang bayan ng TAAL,

MATAASNAKAHOY, BALETE at MALVAR

Nariyan din ang LAUREL, LEMERY at LIAN,

Walang maipintas sa nasabing lugar.

TALISAY ang bayan kung saan isinilang

Na kahanggan laang po nitong TANAUAN.

CALACA at TUY na magkadikit laang

Bandang kaunti pa'y NASUGBU't BALAYAN.

'Di malilimutan areng CALATAGAN,

MABINI at TINGLOY pati na ang BAUAN,

Ang CUENCA, ROSARIO at saka IBAAN

Ang PADRE GARCIA, ang LOBO at TAYSAN.

AGONCILLO naman, bayang kinalak'han

ALITAGTAG, LIPA'y 'di rin paiiwan

At ang kabisera nitong lalawigan

Ang BATANGAS CITY, naro'n ang daungan

May ilang bayan din na ang ngala'y banal

SAN JOSE, SAN LUIS, SAN JUAN, SAN PASCUAL,

SANTA TERESITA, pati SAN NICOLAS

Huli ma'y kaganda d'yan sa SANTO TOMAS.

Saan man mapadpad dine sa BATANGAS,

Mata'y mabubusog, inyong mamamalas

Ang sariwang hangin, tagong yamang-likas

Sinsay na kabayan ng inyong madanas.

Wikain na ninyo ang nais wikain

Hindi magbabago ang aking pagtingin

Batangas ang tanging paraisong angkin

Dine po namulat, dine ililibing.

*Alam niyo ga na ang isa sa walong sinag ng araw na nasa bandila ng Pilipinas ay kumakatawan sa Batangas? Isa ang ating lalawigan sa walong probinsya sa buong bansa na unang nag-aklas laban sa mananakop na Espanyol.

Para sa iba ko pang mga tula, pasyal po kayo sa aking page:

www.facebook.com/thefrustratedpoet

Ipinagmamalaki mo ga na Batanggenyo ka?

I-share mo at ilagay sa caption kung tagasaan ka sa Batangas at ano ang maganda sa inyong lugar.

Suskupo rudeh! Sana ay nabanggit kong lahat.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 07, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BATANGAS: LALAWIGAN NG MGA MAGIGITINGWhere stories live. Discover now