Sehun Scenario

28 0 0
                                    

"Tol!Pwede mo ba akong tulungan sa panliligaw kay Jess?" tanong ng Best Friend mong si Sehun.Best friend mo siya since highschool kayo until now graduating college na kayo,same course ang kinuha niyo which is Photography at same university rin.

"Kung maka-Tol ka dyan wagas!FYI babae ako,hindi lalaki para tawaging Tol!" sinuntok mo siya sa kanang braso,napa-ouch naman siya.Nasa cafeteria kayo ngayon ng university na pinapasukan niyo.

"Kaya nga eh,babae ka,alam mo kung ano yung gusto ng kapwa mo.Tsk." sagot niya sayo at hinahaplos pa yung braso niya.

may balak siyang ligawan ang naging subject model niyo kanina na nangangalang Jess,sa pagkaka-alam mo ay Cosmetology ang course nun.Ikaw naman,iniisip mo kung tutlungan mo sa panliligaw ang Best friend mo.Nagdadalawang isip ka dahil nahulog na ang loob mo sakanya dati pa since maging magbestfriend kayo.Siyempre nasa isip mo na ayaw mong masira ang friendship niyo dahil sa feelings mo sa kanya.

Lalong kang naguguluhan dahil lahat ng katangiang hanap ni Sehun ay na kay Jess.Lumipas kasi ang isang linggo na naging Subject model niyo si Jess at kayong dalawa ni Sehun ang naging kaclose niya.Kaya nalaman mo pa ang ibang katangian ni Jess.

---

"*ur name*Ano na?Tutulungan mo ba ako?Lahat ng type ko sa isang babae na sa kanya na." nakabuntot lang si Sehun sayo hanggang sa nasa tapat na pala kayo ng boarding house niyo.Oo pati tinitirahan iisa lang,pero magkaiba ang kwarto.

''Oo na sa kanya na lahat ng katangian na gusto mo,maganda,maputi,matalino,mabait,friendly." sabi mo sa isip mo,bigla namang sumagi sa isip mo na lahat ng katangian gusto ni Sehun sa isang babae ay nasa iyo rin,pero problema lang ay Best friend ka niya.

"Bukas ko nalang sasagutin yang tanong mo.Antok nako,sige good night,bye." pagkapasok niyo ng boarding house dumiretso ka sa kwarto mo at nahiga na,masyado pang maaga para matulog dahil 6:37 pm palang.Hindi ka pa nga naghahapunan,pero hindi ka na kinulit pa ni Sehun dahil nakikita niya sa mata mo kanina na pagod ka.Oo pagod ka,pero hindi alam ni Sehun ang dahilang ng pagod sa mga mata mo ay dahil sa kanya,pagod ka nang itago ang feelings mo pero nakasalalay ang friendship niyo,kaya naguguluhan ka parin.To think na first girlfriend ni Sehun si Jess pag nagkataong niligawan nga ni Sehun si Jess.

Wala kasing iniisip na ibang bagay kung di pagaaral ang inaatupag ni Sehun this past years kaya,ngayon palang naiinlove.Kaya ngayon,gusto niya namang magexperience kung paano mag mahal.

---

Ilang oras ka pagulong gulong sa kama mo at malapit ng mag-10 ng gabi,wala ka naring naririnig na ingay mula sa labas ng kwarto mo,iniisip mo parin kung tutulungan mo si Sehun.Kaya naiisipan mong tawagan ang Kuya mong si Luhan, na parang kapatid rin ni Sehun,silang dalawa pa nga ang mukhang magkapatid kesa sa inyo,dahil mas close ang Kuya mo kay Sehun.

"Hello Kuya." umupo ka mula sa pagkakahiga.

"*yawn*Bakit ka napatawag?May problema ka ba?" halata sa boses ng Kuya mo na inaantok parin.

"Nagising ata kita,sorry.Sige matulog kana ulit." tatangalin mo na sa tapat ng tenga mo yung phone nang..

"Sabihin mo na sa kanya yang feelings mo kung ayaw mo siyang tulungan sa panliligaw.Tumawag rin siya kanina sakin at sinabi niyang gusto niyang magpatulong sayo." sabi ng kuya mo kaya pinakinggan mo ng mabuti ang lahat ng sinabi ng Kuya mo.Kuya mo lang ang may alam ng feelings mo kay Sehun,at hindi siya nangenge-alam sa inyong dalawa.Halatang close ang Kuya mo kay Sehun,dahil pati si Sehun nagsasabi din problema sa Kuya mo.

EXO Scenarios and ImaginesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon