Starlight

2 3 0
                                    

"IBANG-Iba talaga ang pamumuhay sa probinsya.

Yung tipong pag ito ay aking nilisan sigurado akong ito'y akin paring hahanap-hanapin at babalikan.

Hindi man ganon karangya ang pamumuhay ay maayos at matiwasay parin naman. Simple pero masaya.

Wala mang nagtataasang gusali gaya ng sa mga siyudad ay kasiya-siya parin naman ang lugar lalo na't madaling mapapadapo ang paningin sa mga napanatiling kahanga-hanga at magagandang likas na yaman."

Kung titingnan at papakinggan parang isang dilag na umiibig ang aking kaibigan sa kalikasan. Hindi ko naman siya masisisi dahil tunay nga namang napakanda ng kapaligiran. Nakakapagbigay ng kapanatagan sa puso.

Wala ang aming guro kaya naman minabuti naming lumabas na muna ng silid at pumunta sa may hardin ng paaralan upang makalanghap ng sariwang hangin.

Nakaupo kami sa ilalim ng malaking puno ng narra ng mapagusapan namin ni Kataleya ang tungkol sa pamumuhay sa probinsiya na paksa naman namin sa isa naming assignatura nito lamang umaga.

"Yun nga lang ay nakakalungkot at hindi parin maiwasan ang iba sa ating kamamamayan na lumuluwas sa mga malalaking siyudad lalo na sa Maynila. Naniniwala silang mas may malaking oportunidad na naghihintay sa kanila roon."

Ani niya habang nagbubunot ng damo sa kanyang paligid. Nanatili akong tahimik habang siya ay aking matamang pinagmamasdan at pinakikinggan.

"Mayroong namang pinapalad ngunit karamiha'y nabibigo at nasasawi lamang. Gaya na lamang ng mga kilala nating nakaranas ng krimen doon. Mga umuuwing may buhay na sa loob ng tiyan at luhaan.

Nakakalungkot, kaya ako dito lang ako! Hinding-hindi ako aalis kung hindi naman kinakailangan. Ikaw ba Starry? May balak ka bang umalis dito sa atin papunta sa siyudad at doon na manirahan?"

Nanlaki ang aking mga mata at naging alerto ang pandinig. Umiling ako ng umiling. Wala akong balak umalis sa probinsiya. Gusto ko kung nasaan ako.

Napahalakhak si Kataleya sa naging reaksyon ko. Siguro ganon kasama ang naging itsura ko.

"Halaa! Mukhang nagulat ka talaga. Hindi naman napakaimposible Starry lalo na't ika ay maparaan, talentado, maganda ang panlabas na kaanyuan at lalong-lalo na ang iyong kalooban.

Ikaw kaya ay kahanga-hanga kaya siguradong magkakaroon ka ng future doon at magtatagumpay ka alam ko."

Nakatingin sa malayo ay sumagot ako.

"Kahanga-hanga ngunit hindi perpekto, may mga nagagawang kamalian, may mga pagkukulang at kulang ng kapanatagan."

"Ano ka ba naman! Marami kang katangian na dapat ipagmalaki. Hindi ko nga alam kung bakit palagi kang nahihiya sa maraming tao eh. Gustong-gusto ka ng mga bata na itinuturing mong mga nakababatang kapatid.

Nagagalak saiyo ang mga matatanda sa kabaitan mo at hinahangaan ka lalong-lalo na ang panloob at panlabas mong kagandahan ng mga kalalakihan dito sa atin. Kung sakali mang aalis ka dito siguradong hahanap-hanapin at mangungulila ang mga tao dito."

Nginitian ko na lamang siya dahil hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko. Ilang sanadali pa ay bumalik na rin kami sa silid-aralan para sa aming susunod na klase.

Hanggang sa sumunod na mga oras ay nasa isipan ko parin ang mga sinabi ni Cataleya. Mayroong parte sa akin na nagnanais na makapunta sa iba't-ibang lugar ngunit hindi nawawala ang pag-aalinlangan sa aking puso.

"Pauwi ka na rin ba Starlight? Tara! Sabay na tayo."

Malapad ang iginagawad na ngiti ni Carl sa akin. Siya ang crush ng kaibigan kong si Kataleya mula pa noon. Matagal na siyang nagyayaya sa akin sa tuwing uwian at matagal narin akong nahihirapang mag-isip ng rason makaiwas lamang dahil ayaw kong saktan ang damdamin ng aking kaibigan at isa pa'y wala akong nararamdaman kay Carl.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 24, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wish Of The Brightest StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon