Chapter 1

7 0 0
                                    

Kelan ba nung huli akong pumunta dito?

Ayoko kasi ng mga ganitong lugar. imbes na gumaling ako baka mas lalo pa akong magkasakit. At iniisip ko pa lang kung ilang tao na ba ang namatay dito. Yay! kinikilabutan na ako.

"Ms. Mariano?" bigla naman akong tumayo nang marinig ko ang pangalan ko.

Sinamahan ako ng nurse papunta sa loob ng office (office nga ba? basta!)

Umupo ako sa may upuan. Hindi naman siguro to malala. Sakit lang naman to ng ulo.

Humarap sa akin ang doctor na kanina pa nakatalikod. Naman! pa-mysterious epek!

"Ms. Mariano?"

"Po?" sagot ko.

"Kelan niyo pa po ba nararamdaman ang pananakit ng ulo niyo?" tanong niya sa akin.

Kelan nga ba??

"Aaah... Doc medyo matagal-tagal na rin. Mga first quarter po last year. Pero minsan minsan lang po. Ngayon lang madalas."

"Ms. Mariano, sa mga sitwasyong ganyan, dapat nating ikonsulta agad sa mga espesyalista. Hindi natin alam, baka symptoms na pala ito ng isang malalang sakit."

Simpleng sakit lang naman to ng ulo hah! Pwede namang bigyan lang ako ng paracetamol. haaay... ayoko talaga ng amoy ng hospital.

"Ano po bang ibig niyong sabihin?"

"Miss Mariano..."

naku naman. Maka-bitin naman tong Doktor na to.

"May Brain tumor po kayo. Malala na po ang kalagayan niyo."

loading....

"weh? di nga? asan yung camera? ano to Wow Mali? Joke ba to?" tanong ko kay doc. Pero seryoso pa rin ang mukha niya.

"I'm sorry Ms. Mariano."

This can't be happening. Bakit ako? Mabait naman ako.

"Why?How?" tanong ko. Naluluha na ako.

"Maraming causes ang Brain tumor. marahil ito ay nasa lahi or head injury"

"Di ko alam." wala pa rin ako sa tamang pag-iisip. At sinong hindi? Tumor??!!! Ano nga ba yun??

"You can undergo treatments and operation to prolong your life."

"Prolong??why? Mamamatay na ba ako. But Doc 18 pa lang ako.?"

"You have six months. If you undergo medications pwede pang humaba. But there are no assurance. But we will do our best." sabi ng doctor.

Six months? What if hindi successful? Eh di I just wasted time.

"I know mahirap magdecision. But think about it. Consult your family."

I just nodded.

---

masyado bang mabigat?

Don't worry. Sa umpisa lang naman.

please continue reading!

Thank you!^^

WishlistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon