Part 5

23.3K 502 67
                                    

WHY DID I kiss him? Why did I kiss him? 

Iyon ang paulit-ulit na katanungan ni Diosa sa isip habang nakasandal sa tiled wall ng banyo at walang patid sa pagkuskos sa kanyang buhok na puro bula. Pagkatapos ng eksena kanina sa Clubhouse ay umuwi siya sa bahay ng Kuya Jigger niya kung saan pinili niyang tumuloy at nagbabad sa shower.

Hanggang ngayon ay isa pa rin iyong dambuhalang palaisipan para sa kanya. nagpasulsol lang ba siya sa Kuya Trigger niya kanina kaya nagawa niyang halikan na lang si Yozack? Pero wala namang iniutos sa kanya ang kapatid. At kung meron man, nunca na patulan niya iyon. She was fully aware of how her brothers manipulate the people around them. Kaya imposibleng ang kuya niya ang may kasalanan kung bakit niya nagawa ang kahindik-hindik na bagay na iyon. Kung ganon, siya lang ba ang dapat sisihin sa nangyari? Because not even Yozack told her nor asked her to kiss him.

"I didn't kiss him!" sambit niya sabay abot sa botelya ng bago niyang paboritong shampoo. "Hindi ba, Stallion? I didn't kiss that guy. Guni-guni ko lang iyon." Inalog-alog pa niya ang botelya. "Ganyan nga, sumang-ayon ka lang."

With her conscience cleared, mas nag-enjoy na siya sa kanyang paliligo. Subalit tila surot sa isipan niya ang paulit-ulit ding pagbabalik sa kanyang alaala ng init at lambot ng mga labi ng lalaking iyon. Idagdag pa ang tila kawalan nito ng reaksyon sa nangyari.

Bakit hindi niya ako sinundan? Bakit hindi niya ako kinausap? Is my kiss nothing to him? Nang mangawit sa kakakuskos ng buhok ay itinapat na niya ang katawan sa ilalim ng shower. My kiss IS something!

Imposibleng walang naramdaman ang kumag na iyon sa halik niya. Hello! Halik kaya niya iyon. Pagkatapos makipagbuno sa banyo ay dumiretso siya sa kanyang silid. She was brushing her hair when her brother called her.

"Diosa, buhay ka pa ba?" Hindi siya sumagot. "Lumabas ka na dyan. May aasikasuhin ka pang bisita dito sa labas."

"Bisita?"

"Nandito si Yozack."

"Yozack?" Ewan niya kung ano ang nangyari pero bigla na lang ang bundol ng kakaibang kaba sa kanyang dibdib. Sa unang pagkakataon ay nakagat niya ang kanyang dila dahil sa saglit niyang pagkawala sa kanyang sarili. "Aray! Aray!"

"Diosa, hindi na magbabago iyang mukha mo. Natural ka nang maganda kaya lumabas ka na riyan."

Mabilis niyang binuksan ang pinto. Pero imbes na ang mukha ng Kuya Trigger niya ang sumalubong sa kanya ay ang guwapong mukha ni Yozack ang bumungad sa kanya. Her heart started beating unusually fast inside her chest.

"I brought you back your lunch," wika nito saka itinaas ang paperbag. "Hindi ka pa raw kumakain sabi ng mga kuya mo. Kinuha ko lang ito sa iyo kanina para asarin ka. I didn't mean to make you starve."

"I'm..." Peste! Nasaan na ba ang peste niyang kuya? No where in sight. Tumikhim siya. "I'm not hungry."

"Kung ganon iiwan ko na rin itong food para sa iyo. Para may makain ka kapag nagutom ka uli."

Darn! What's with her heart? 

"Huwag na. Kunin mo na iyan. On diet ako. O kaya ibigay mo na lang sa mga kuya ko. Tig-apat naman ang bituka ng mga iyon."

"Sigurado ka? Medyo malayo rito ang mga restaurants at kapag nagutom ka, medyo matatagalan kung magpapa-deliver ka pa rito ng pagkain." Naglakad ito pabalik sa sala at inilapag sa ibabaw ng center table ang paperbag. "In any case, I'll just leave it here. Sige, paalam."

Paalam? Iyon lang? Ni wala man lang itong babanggitin tungkol sa nangyaring halikan nila kanina sa Clubhouse? How could he ignore a thing like that?

Stallion Riding Club #12: YOZACK FLORENCIOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon