Chapter One

93 0 0
                                    

Bitbit ko ang dalawang naglalakihan kong maleta na punong-puno ng aking kagamitan tinatahak ko ang daan patungo sa malaking bahay na pagmamay-ari ni James. Ngayon na ang araw kung kailan ako mag sisimula sa aking trabaho. Pagkatapos akong tanungin ng guard at pagkakita nya sa Identification card ko ay pinapasok nya na ako. Nandito na ako ngayon mismo sa sala nang pinakamamahal ko. Hindi ako makapaniwala. Abot kamay ko na sya at maya-maya lamang ay masisilayan ko na sya.

"Ikaw ba si Dian Polanja?" gulat akong napatingin sa nagtanong. Isang naka unipormeng pang kasambahay, katulong obviously.

"Yes. Nasaan na si James?" walang pag aalinlangan na tanong ko.

"Naku! Sabi ko na nga ba at hindi trabaho ang ipinunta mo dito. Sabi na kasing hindi na dapat tumanggap ng mga ganyang edad." wala sa sariling sinabi nito.

"Excuse me? trabaho ho ang ipununta ko dito." ako na kinukumbinsi sya. Mukhang sya ang leader sa gawaing bahay.

"Kasi iha, ganyan na ganyan ang mga tanong ng mga ka edad mo. "Nasaan si James?" o "Si James po?" heto pa "Magpapakasal na ba talaga si James?". Naku, naku iha mga galawan nyo talaga.Hindi fan ang kailangan ng pamamahay na 'to, KASAMBAHAY." anito

Tsss, kailangan ko mag ingat mukhang malakas kutob ng babaeng 'to. Malakas pa naman sya dito dahil mukhang sya ang pinagkakatiwalaan ng pamilya nila James. Baka mabuking ang plano ko, kailangan ko mag ingat.

"Hindi po sa ganun, I mean sino ba naman hindi ma eexcite na ang magiging amo e isang sikat na artista modelo at singer sa bansa diba? Nandito po talaga ako dahil kailangan ko ng trabaho dahil kailangan ko ng pera. Mag-iipon po ako para makapag aral muli." paliwanag ko with my acting skill.

"Aysus, lulusot kapa. Malalaman ko din yan at kapag ... naku! O sya, sumama ka saakin at sasamahan kita sa magiging kwarto mo." sabay talikod nito at naglakad tungo sa well mukhang magiging kwarto ko. Sumunod na lamang ako at hindi kalayuan sa sala ay huminto sya sa isang silid at pumasok. Pagpasok ko ay napabuntong hininga nalang ako, no aircon, no television, no refrigirator full of foods and no books. Just small bed and one mini table and chair. Hindi ako senyorita dito, isa akong kasambahay.

"Oh? anong mukha 'yan? hindi mo ba nagustuhan 'tong magiging kwarto mo? aba iha, heto na ang pinaka magandang kwarto para sa ating mga kasambahay. Pasalamat ka nga at wala kang makakasama, ako ay dalawa kami sa aking kwarto." puna nya saakin.

Hindi nya siguro nagustuhan ang nakita nyang ekspresyon sa mukha ko. Well, hindi nya ako masisisi hindi ako sanay sa mga ganitong klaseng lugar. Pero ginusto ko 'to kaya keri nalang.

"Hindi po, ang ganda nga eh. Mas malaki pa nga po yata ito kaysa sa bahay namin." pag-aarte ko

"Ganun naman pala eh. O sya ayusin mo na muna ang mga gamit mo at tatapusin ko lang ginagawa ko sa kusina, pagkatapos mo dyan ay tulungan mo na ako doon. Ipapakilala na din kita sa mga kasama natin dito sa bahay kasama na ang mga amo." anito

"Ay ate, ano pala pangalan mo?" kanina pa kami nag uusap hindi ko pa pala alam pangalan nya.

"Tawagin mo nalang akong Manang Cheng. Oh sya, pakibilisan dyan at marami pa tayong trabaho."

"Sige ho, susunod na lang ako tatapusin ko lang 'to." pagtutukoy ko sa mga aayusing gamit. Umalis na sya at nag tungo sa kusina, sinarado ko ang pinto at binagsak ang sarili sa maliit kong kama. Kung hindi lang dahil kay James hinding hindi ko matitiis ang ganitong buhay. Pansamantala ko munang hininto ang pag aaral ko sa kolehiyo para sa kanya, ang sabi ko kay Dad and Mom na magbabakasyon muna ako sa States at babalik ako kung kailan ko gusto pero ang hindi nila alam nandito parin ako sa Pilipinas. Lahat para kay James, sa pinakamamahal kong si James, James Martin.

Inayos ko na ang mga gamit ko at nag ayos muna ng mukha at buhok bago nagtungo sa kusina. Nadatnan ko ang mga kapwa ko kasambahay na busy sa kanya kanya nilang ginagawa. Pagkakita saakin ni Manang Cheng ay pinakilala nya na ako sa pito pang kasambahay na naroroon. At binigyan nya na ako ng trabaho. Kahit senyorita ako sa mansyon namin maalam naman ako sa gawaing bahay dahil napag aralan ko naman ang mga 'to sa paaralan.

Busy ang lahat nang tumunog ang mini radio, I don't remember kung anong tawag sa ganoon. Yung parang ginagamit ng mga pulis kapag malalayo sila sa isa't isa. "PARATING NA ANG PAMILYANG MARTIN, MAGHANDA NA KAYO" aligaga naman na nagsi-tungo ang lahat sa sala sa tapat ng pinto kaya sumunod na lamang ako. Lahat kami ay nag aabang sa likod ng malaking pinto, nakaramdam naman ako ng pananabik dahil ilang minuto or sigundo nalang masisilayan ko na nang harapan si James! At hindi na nga nag tagal pumasok ang dalawang babae at dalawang lalaki at wala si James! Sa tingin ko ang parents nya lang at ang dalawang nakababatang kapatid nya 'to. Ang Daddy nya ay nasa edad 50 pero litaw parin ang pagiging magandang lalaki ganoon din ang kanyang Mommy na napakakinis at batang bata. May pagmamanahan talaga ang mahal ko! Dumako naman ang mata ko sa kapatid nyang babae na nasa edad 14, maganda at sa tingin ko ay bunso dahil ang isa nyang kapatid na lalaki ay ka edad ko! Gwapo din gaya ni James at hawig na hawig sila, younger version nya lamang ang isang 'to.

Sabay sabay na binati ng mga kasambahay at mga guard ang nagsi dating. Tumango at ngumiti lamang ang mag asawa at ang babae nilang anak ay busy sa kakagamit ng kanyang ipod. Ang younger version naman ni James ay nagtama ang paningin namin. Ngumiti lamang ako at sya ay wala man lang sinukli. Suplado ang gago lels.

"Cheng, maya maya nyo na i-handa ang dinner dahil nasa daan pa lamang gawi dito si James." paalala ni Mrs. Martin

"Yes madam." mukhang sya nga ang pinagkakatiwalaan dito. At rinig na rinig ko na papunta na dito si James! Nabuhay nanaman ang pagkasabik ko para sa lalaki.

"At kasama nya si Channel." dagdag pa ni Mrs. Martin na syang nagpaguho ng mundo ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 09, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Darkest FantasyWhere stories live. Discover now