Mission: Marry a Gay?

57 0 0
                                    

Prologue

Having mission in life maybe hard in times. Lalo na kapag di mo gusto ang 'mission' na yan. Mahirap man, dapat mong gawin kasi KINAKAILANGAN. Maaaring ito'y para sa ating minamahal o sa ating sarili mismo.

Maraming mission na ang dumaan sa kamay ko. Most of them were successfully ACCOMPLISHED!

Pero papano kung dumating ang isang misyong makakapagbago ng buhay ko? Isang misyong akala ko'y trabaho lang, isang responsibilidad lang. Isang misyong hindi ko inaasahang makakapagpatibok ng nakabaon kong puso.

1st Strategem

CJ’s POV

“Wohooooooooooooooooooooooooo!”

Sabay apak ng breaks ko. 250 km/hr din napatakbo ng Ferrari sports car ko. Todohan na to! Di naman ako ganun ka dali matatalo ni Lee eh. Panalo na naman ako!!!

Lumabas ako ng kotse at kinuha ko yung helmet ko. Nalaglag na naman ang napakahaba kong buhok na umaabot na sa may bandang bewang ko. Pinusod ko agad para hindi mabuhaghag. Ang hangin kasi rito sa racing track eh.

“oh pano ba yan ‘tol!? Talo ka eh, 5,000 ko? daliiii!” nilahad ko yung kamay ko sa harap ni Lee. Pustahan namin to ngayon eh. Nag-away na naman kasi sila ni Keah, bestfriend ko na asawa niya na, kaya nagyayang magcar race. Palipas oras daw.

“walanjo tol! Papatayin na ako ng asawa ko neto! Wala nang panggatas inaanak mo!” sabi niya

“ang yaman mo para mawalan ng pambiling gatas. Tsaka kahit wag mo nang bilhan ng gatas si Kleo, tumataba lalo eh. Kaya wag kang madamot! Akin na dali!” si Kleo naman, inaanak ko na anak nila ni Keah.

Wala naman siyang nagawa dahil hinablot ko ang wallet niya. Andaming Ninoy Aquino at 1 thou dun! Kahit kelan, ang yaman niya talaga!

“5,000 lang tol! Wag pasobra!” tapos hinablot niya na naman yung wallet niya

“hindi naman sobra to aa, oh bilangin ko pa. 1, 2, 3, 4, 5… plus isang 500. Papacar wash ko sasakyan ko. Dinamay mo pa kasi dahil sa away niyo ni Keah eh. Bagong ulan pa naman, yan tuloy naputikan.” Sabi ko habang binubulsa yung perang nahuthot ko! tiba tiba talaga ako sa kanya. Sana palagi silang nag-aaway ni Keah. Haha! Sama ko!

“uy leche ka! Akin na yan, akin na sabi--” nagpa ikot ikot kami dun sa racing track dahil kukuhanin niya talaga ang 500. Kahit kelan talaga napakakuripot!

“hep hep hep! shudup na Lee! Sipain kita kapag lumapit ka, sige!” tapos tumigil naman na siya sa pangungulit. Para ko na rin silang kapatid ni Keah eh. Sabay sabay na kaming tatlo lumaki hanggang sa nagkapamilya na silang dalawa, solid pa rin ang friendship namin.

Nga pala, I’m Chaliza Jean Porcula, age 22. CJ na itawag niyo sa akin. Lahat na ata ng nakakilala sa akin, kung hindi “tol” o “bok” ang tawag eh CJ na talaga. Pinapapatay ko kasi ang mga tumatawag sa aking “Liza” o “Cha”. Haha! Pero loko lang. Policewoman nga pala ako. Kakalabas ko lang ng PNPA last last year kaya naman ganito ako magpakasaya sa buhay ko ngayong andito na ako sa labas. Sa ngayon, Police Senior Inspector na ako at deputy ng Municipality namin. 

Kung itatanong niyo kung tomboy ako? Malaking eeeeeeeeng! No no no! I’m not a lesbian. Ganun tingin ng karamihan sa akin dahil bukod sa policewoman ako, palagi lang akong nakaskinny jeans at fit na tshirt na plain white. Hobby ko? Firing at car racing. Collections? Guns, cars and motorcycles. Talo ko pa nga raw ang lalaki eh. Pero peksman, ikamatay man ni Batman, babae talaga ako.

Mga patunay ko na babae talaga ako? Well, palagi akong nakadress sa tuwing nagsisimba ako o dadalo ng mga social gatherings. Mahaba buhok ko. Di ko pinaputulan mula nung lumabas ako ng academy. Boy cut ako nun sa loob eh. Boyfriend? Yun ang wala talaga ako. Pano ba naman, mula elementary, mga utol ko na ang mga lalaki eh. Ayoko kasing may kabarkadang babae. Mga maaarte. Sadyang si Keah lang ang babae kong kaibigan. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mission: Marry a Gay?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon