Bagot na bagot na si Symphony Liakos. Magdamag lamang siyang nakatitig sa champagne glass na iniinuman nya. Paubos na naman ang laman, tanging pansin nya.
Inimbitahan kasi ang mga magulang nya upang mag-attend sa isa na namang boring party ng mga old money. Hindi niya maintindihan kung bakit pati siya ay kailangan na sumama. She felt her presence serving nothing but to be an eyeful to the men there, she felt unneeded; she even got left alone by her parents to greet some old film director. Seryoso, ilang segundo na lang at mamamatay na siya sa pagkabagot. "May I have this dance?" Hindi natapos ang nasa isipang pagpatay ni Symphony sa kung sinuman ang host ng party dahil sa biglaang pagsulpot ng isang gwapong binatilyo na inaaya siya upang sumayaw. Ngumiti pa ito sa kanya.
"No," walang kagatol-gatol na pagtanggi niya. "Oh, come on sweetheart, the attention is on us. Don't be such a party killer,"
Hindi na nya ulit pinansin ang lalake. Oo gwapo nga ang deskripsyon nya sa lalaki ngunit dahil 'yon ang totoo, gwapo ito. Pero ano naman ang pakialam nya kung gwapo ito? Hindi niya siya tipo at mas gusto nya ng isang tao mapababae man o lalake na sumagip sa kanya mula sa isang matinding kamatayan na nag-aabang sa kanya.
She sighed and asked for the man walking around to serve foods to pour champagne onto her glass. Mabilisan nya itong ininom. At noong huling lagok na sana niya sa iniinom ay hindi nya maiwasan na masamid.
"Oh...my.." speechless si Symphony sa nakikita nya. Isang napakagwapong lalake na nakasuot ng kasuotan tulad ng lalakeng naglagay ng champagne sa glass nya. He didn't look like a waiter at all. Para itong prinsepe sa paningin nya -- napakagwapong prinsipe. Hindi ito nakangiti at hindi rin nakikipag-usap sa mga tao. Just her type.
Sinundan nya ito ng tingin. Lumapit na naman ito sa isang babae na rinig niyang tumawag sa kanya. Pansin niya ang mga malalagkit na titig nito sa binata at malandi na mga pasimpleng himas nito sa malapad na balikat. Hindi nya maiwasan na magpataas ng kilay. Hindi nga siya nagkakamali, kilala nya ang babae. If she was known as the rebel child, that girl achieved the title as every man's lady. Halos araw-araw na lamang ata ay napapasok ang pangalan nya sa news dahil sa pagiging eskandalosa nya. That is how she kept herself in the spotlight, herself and her scandals. Wala kasi itong talento na mapapakinabangan. Plus, flirting is her only talent, alam na ni Symphony 'yan because she witnessed it first hand.
Totoo naman kasing nakakapang-akit ang malalaking dibdib nito. Pero maliban dyan ay hindi naman talaga ito kapansin-pansin kumpara sa ibang babae na nakikita nya. Totoong sopistikada at maganda. Kung kaya't hindi nya maintindihan ang mga lalake kung bakit sila nagpapalandi at nagpapadala sa babaeng kausap ng napakagwapong binata. She was a social whore, at kaya niyang gamitin ang sarili nya to the extreme; na kahit ang mga may tali na ay pinapatulan nya o di kaya ay mas bata pa nya. Gaya na lamang ngayon.
And she knows how it usually ends. They end up in bed. Gusto nya sanang subukan na tulungan ang binata mula sa kamandag ng babe ngunit natigilan siya. She couldn't even save her own father from her, let alone him.
Yes. Mismong ang ama niya at nabitag ng babaeng social whore. Nicolo Liakos slept with Natalia. Her father and that...that..woman.
Tiim bagang nanonood si Symphony sa dalawa habang nag-uusap. Kahit medyo nasa kalayuan sila sa napakagwapong binata ang tingin niya ay kitang-kita nya pa din ang mga tingin nito na nasa dibdib ng babae. She couldn't help but smirk. "Kahit talaga mga gwapong lalake na inosente tingnan ay walang kawala kapag dibdib na ng Natalia na 'yan ang kaharap," bulong ni Symphony sa sarili.
Somehow she felt sorry for the guy. "Pero kung may mangyari man sa kanila, it will entirely be his mistake because hindi nya kayang pigilan ang sarili nya." Hindi nya alam kung bakit siya bulong ng bulong.
"No." Kunot-noong sumimangot si Symphony ng may marinig siyang sagot. Was it her subconscious speaking? Pero hindi eh. Baritono ang boses. Tila galing sa isang napakagwapong lalake. "It will also be your fault you know," ulit na salita ng parehong baritonong boses. Tanging kaibahan lamang ay mas malakas ang boses nya sa kasalukuyan. Nilingon nya kung saan mas malakas ang baritonong boses at nakita nya ang pinakagwapong lalake she ever laid her eyes on.
Kung ang binata na pinapanood nya kanina ay may hairstyle na mid skin fade textured crop, habang ang nagmamay-ari ng baritonong boses ay may mahabang buhok na itinali ito a ponytail. Kung sa ibang lalaki lang talaga nakatingin si Symphony na may hairstyle na tulad nya ay tatawagin nya itong madumi. But the guy fit the hairstyle so well. It accentuated his thick brows that're furrowed when he noticed her studying him. Ang layo ng buhok nito sa tinatawag nya na dumi. Bagay na bagay sa kanya.
Ang mga mata ng binatang minamasdan nya kanina ay malaya at nagniningning. ang sa lalake namang may baritonong boses na kasalukuyang kaharap ay deep brown eyes. Piercing deep brown eyes, almost black. Kung susubukan nyang lumangoy sa pinakalalim na parte ng mga mata nito tiyak na tiyak ay mahihirapan siyang umahon -- o di kaya'y hinding-hindi nya kakayaning umahon pa muli. Sobrang gwapong-gwapo nito kahit na medyo rugged at western ang pananamit sa isang formal at boring na high class party, sa totoo lang ay mas gwapo siya tingnan dahil naiiba siya. At sigurado siyang maraming babae na minamasdan siya at pinagpapantasyahan.
Hindi na siya nakapag-isip pa at dumako naman ang paningin nya sa mga labi ng lalaking kaharap. Manipis at mapula; medyo basa ang labi nya, halatang kissable. Definitely kissable.
Minamayak na si Symphony sa sariling pag-iisip. Nawawala na siya sa wisyo pero wala na siyang pakealam kung ano man ang isipin ng lalaki o ng ibang mga tao sa kanya, basta't hindi nya maalis ang titig nya dito at wala siyang balak na alisin ang mga titig sa kanya kung sakali man.
Kasi kung mala-prinsipe na ang lalaking pinagmamasdan nya kanina, ang lalaking kaharap naman nya ay tila anak ni Aphrodite. He was like devilishly angelic.
Bago pa man siya makapagsalita muli ay tumalikod na ito sa kanya at parang kidlat sa bilis ng paglaho ng likuran nya mula sa kanyang paningin. She held her breathe.
Bwiset.
*****
Pic of Greek God Guy
BINABASA MO ANG
Amazona Tribe: Symphony Liakos
RandomRebel child and titulo ng tabloid sensation na si Symphony Liakos. Saan man tumungo at magtago ay may mga tenga at mata pa rin na nakakahanap sa kanya. At tahit na mga masasakit na komento at maling paghusga ng mga tao ang nairirinig nya ay ni minsa...