Short Poem #1

8 0 0
                                    


Tamang tao, maling panahon
Piniling mahulog
Hindi alam paano babangon
Sana lahat ng nahuhulog, sinasalo

Nagmamahal ng palihim
Sa mundo mong ka'y dilim
Walang nakaaalam
Inumpisahan ito ng di mo alam

Minsan tayo'y nagiging tanga
Wala nangang pagasa, tinutuloy pa
Ayaw nga niya
Pinipilit pa

Ako'y walang wala kumpara sa kanya
Bukod sa mayaman, siya'y mahal mo at maganda
Iyong puso'y nasa kanya
Ako ba'y may laban pa?

Minsan naisip na sana ako nalang
Sana ako ang pinakamamahal mong nilalang
Magkaiba nga pala ang mundo natin,
Sayo umiikot tong mundo ko,
Sakanya naman yung sayo

Tatapusin ko pa ba ito?
Handa naba harapin ang totoong mundo?
Ang mundong walang ikaw
Ang mundong walang tayo

Ipagpapatuloy ang buhay ko
Kahit hindi ka na kasali rito
Handa na ako,Wag ka lang ulit babalik sa buhay ko
Alam mo kung bakit?, baka kasi umulit nanaman tong puso ko

Ikaw yung nagwasak ng puso ko
Pero bakit sa huli, sayo parin ipinagkatiwala to
Minsan kasi kinakalimutan ko na yung sakit
Basta matawag lang kitang sakin

Pero sa lahat ng sakit na naramdaman ko
Yung utak ko na baliw na baliw sayo
Yung mga gabing puro iyak
Yung mga ngiting pilit na inilalawak

Masaya parin ako para sayo
Oo na tanga na ako
Masama bang hilingin na sumaya
Yung taong nagpahirap sakin magtiwala

Kakayanin ko naman kahit wala na
Kaya ko wag ka magalala
Anim na buwan na nung huli kitang makita
Kaya ko pero di na muli magawang magmahal at sumaya

Paalam, salamat, pasensya
Tatlong salitang nais ipadala
Oo, mahal kita
Pero mahal, tama na. Ayoko na.

Short PoemsWhere stories live. Discover now