P R O L O G U E

7 2 2
                                    

Dedicated to: CcheckMmate

Inis na bumalikwas ng bangon si Stefano habang panay ang pagkamot sa kanyang ulo. His eyes are half-awake, while his right hand is loosing the bedspread that is coiled in his upper body. Sinipat niya ang Digital Clock na nasa mesa. Katabi ito ng kanyang kama.

Napamura siya ng makita ang oras. Anak ka ng teteng! Sino'ng matinong tao ang mangbubulahaw ng alas tres e' trenta ng madaling-araw?

"Damn it! "

Napilitan siyang tumayo. Hindi na niya sinuot ang tsinelas. Basta-basta na lamang siya lumabas ng kuwarto na walang sapin sa paa. Tuloy, naninibago ang kanyang talampakan dahil sa lamig ng sahig.

Mas lalo pa siyang nag-aalburuto nang sunud-sunod na pinindot ng walang hiyang tao ang doorbell ng bahay. Mabilis siyang bumaba ng hagdanan. Wala siyang pang-itaas na damit. Wala siyang pakealam kahit na itim na boxer shorts lang ang nakatakip sa kanyang kahubdan.

"Damn! Just wait for a sec!" he whined while walking at the cold floor.

Ngayong umalsa na ang kanyang galit. Malaki na ang kanyang mga hakbang na nagtungo sa pintuan. Ang ayaw pa naman niya sa lahat ay iyong minamadali siya, lalong-lalo na kung naaabala ang kanyang pagtulog. Mahalaga sa kanya ang pagtulog dahil palagi siya'ng pagod sa trabaho. Sa gabi lang siya puwedeng matulog. Iyon lang ang oras na puwede siyang magpahinga.

"What the hell is ---  huh?" Kunot-noong niyang saad. Nabitin sa ere ang kanyang sasabihin nang bumungad sa kanya ang mapusyaw, at tahimik na kapaligiran.

"Pinagtitripan niyo lang ba ako?" Galit na tanong niya na panay ang pagsuri sa paligid.

Ginala niya ang kanyang paningin. Nagbabasakali kasi siyang mayroon siyang makita, kaya nagtiyaga siya. Pero hindi siya umalis sa kanyang kinatatayuan. Nasa bukana lang siya ng pinto, nagmamasid.

"Punyeta! Mabaog ka sana!" Gigil na sigaw niya nang masigurong walang kahina-hinala.

Magsisigaw pa sana siya ng bigla siyang matigilan. He heard a strange noise at his door followed by a crack noise inside his house. Slowly, he looked unto it, only to find out that it has a small hole in the right side. It's not just a small hole, for it has a mark. A mark that has a star shape. His pair of dark brown eyes widened in shock, and disbelief. He knows who own those bullets.

Fuck!

Mabilis siyang pumasok sa loob ng bahay. Hindi na niya magawa pang isarado ang pinto dahil sunud-sunod na ito'ng nagpakawala ng bala. Dumapa siya at tinakpan ang kanyang ulo gamit ang magkabilaang braso. Ang kagustuhan niyang matulog kanina ay biglang naglaho nang marinig ang pagputok ng baril.

Nang nakahanap ng tiyempo, mabilis siyang gumapang papuntang sopa. Nang makarating doon ay kaagad niya itong itinumba, itinaklob sa kanyang katawan at doo'y nagtago. Whoever did this to him, he is sure that one of them is using a sniper.

Iyon kasi ang kanyang naoobserbahan kanina. Wala siyang narinig na pagputok ng baril noong nagsusumigaw pa siya sa labas. Ang narinig na lamang niya ay ang pagtama ng bala nito sa pintuan na nag -iwan ng marka.

Tuwing pinapatamaan kasi nito ang pinto ay nakakapasok ang mga bala nito sa loob ng kanyang bahay. Kung saan-saan nakakarating ang bala tuwing nadadaanan na nito ang pinto. At natitiyak niyang hindi lamang ang pinto ang pinupuntirya nito.

Tumagal pa ng ilang minuto bago ito matapos. Nang wala na siyang marinig na ingay, ubod lakas niyang itinulak ang sopa. Mabagal siyang bumangon.

Tumambad sa kanya ang mga basag na kagamitan. Ang ilan sa kanyang mga gamit sa sala ay nasira. Kabilang na roon ang mamahalin niyang itim na sopa na yari sa kuwero. Maging ang mesa na yari sa salamin at  telebisyon ay nabasag.

Tumakbo siya palabas. Hindi na siya nag-abala pang hanapin ang may salarin nito. Alam niyang nakaalis na ito.

Pinagmasdan niya ang kabuuan ng bahay. Tama nga siya, buong parte nito ang pinapaputukan. Ngunit hindi nabasag ang salamin ng bahay. Maging ang mga dingding ay may marka ng bala ngunit hindi iyon tuluyang nakapasok. Tinanaw niya ang pinto, napabuntonghiniga siya. Sira na ito at marami ng butas. Ito lang ang tanging napuruhan ng husto at ang gamit na nasa likod nito.

"Such a nice way for threatening me, huh?" He said in a sarcastic tone. Smirk was plaster on his red lips.

Indeed, it is a nice way.

Copyright ©
memai_blanca

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 09, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secretive Series 1: Stefano QueridoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon