Chapter 2

0 0 0
                                    

Chapter 2

Tuwang tuwa ang dalawang magkapatid sa desisyon ng ina na palayasin ang kinaiinisan nilang pinsan--si Lovely.

"Sobrang lungkot ba, Love?" mapang-asar na tanong ni Heaven, ang pinakakinaayawan ni Lovely sa dalawang magkapatid.

"Hindi naman. Actually, first day of independence ko 'to," tugon ni Lovely sabay ngiti ng nakakaasar. Lalong ngumisi si Heaven sa sinagot ng pinsan.

"Oh. Okay? So you think... malaya ka na?"

"Yes, of course. Mawawala na rin ako sa impyernong 'to, sa wakas. At least, hindi na kita makikita, my lovely cousin."

"Okay," nakangising sumagot si Heaven. "Take care, unlovely Lovely." nakipagbeso-beso pa sya sa kanyang pinsan na halata namang plastikan lamang.

Umalis na si Lovely, dala-dala ang mga piling gamit para magaan lang.

"Saan naman ako makakahanap ng matitirahan ko?"

Inhale, exhale.

Naglakad-lakad si Lovely hanggang sa makahanap sya ng boarding house. At ang maganda dito, mas malapit pa sa university na pinapasukan nya!

Pumasok sa loob ng boarding house si Lovely at nagtanong-tanong kung meron pang bakanteng kwarto sa loob.

Masaya si Lovely nang makahanap sya agad ng bahay na pansamantagal nyang titirahan. At buti nalang ay mababait ang mga kasa-kasama nya sa loob ng boarding house. Kung meron man, hindi sya papatol. Baka palayasin pa sya eh.

"Kailangan ko ring mag ingat-ingat," sambit nya sa kanyang sarili.

--

Pagod na pagod si Lovely sa mga nangyari ngayong araw. Akalain nyo yun? Ang bibilis ng mga pangyayari. Parang kanina lang, nagsisimba sila, tapos bigla syang pinalayas.

Dahil malapit na gumabi, nakikain na sya sa mga nagluluto sa boarding house nila.

"...at dahil may bagong salta sa ating boarding house... hmm. Hindi nyo ba sya iwe-welcome?" suggest ng isang taga-dito rin.

Lahat sila ay nginitian si Lovely at biglang nagsalita yung kanang kamay ng may-ari dito sa boarding house.

"Bago ka rito diba?" tumango si Lovely. "Sasabihin naming ang requirements dito sa pamamahay na 'to,"

Sanay naman ako sa gawaing bahay. Sabi ni Lovely sa kanyang isipan.

"Ikaw, Lovely, required kang magluto ng hapunan. Every Friday and Saturday. Maliwanag ba yun sa iyo?"

"Yes po!" energetic na tumugon si Lovely.

"Nga pala, hindi pa pala kami nagpapakilala lahat sayo," sambit nung katabi ko. "Ako si Jannah,"

"I'm Daniella,"

"Sandra,"

"Keisha,"

"May Anne,"

Anim silang magkakasama sa boarding house. At yung kanang kamay ng may-ari, "Ako si Ate Rita nyo. Makakasama nyo rin ako dito sa loob habang busy si Madam Alicia."

Tumango silang lahat bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Ate Rita nila.

"Sige na, pumunta na kayo sa inyong kwarto kung tapos na kayong kumain. Pwede na rin kayong lahat na magsiyesta na kung inaantok na kayo. Good night,"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unlovely LovelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon