• Angela's POV •
Ako si Angela Gonzales 15 years old, maganda, 5'4 ang height, mdyo chubby, matalino, mayaman halos nakukuha lahat ng gusto, pero isa akong napaka down to earth na tao dahil yun sa mga nakakasama ko sa bahay at dahil nadin sa mga magulang ko kahit na marangya ang buhay namin.
3rd year highschool na ako sa isang pribadong paaralan dito sa Manila na mayayaman at matatalino o kaya naman ay scholar lang ang nakkapasok dito.
Unang araw sa ekwelahan bumungad na agad sakin ang mukha ni Torbs Francisco at nagsimula ng mangsira ng umaga pero sanay na ako sa lalaking to magkababata kasi kami. Tuwing umaga binibigyan niya ako ng kape na siya mismo ang may gawa hindi kasi kumpleto ang araw ko pag wala yun nakasanayan ko na din. Pero nakakabwisit padin siya asar kasi ng asar sakin panira palagi.
Pero lahat ng kabwisitan ko nawala dahil sa natanaw ko na ang crush ko simuka pa grade3 ako! Ahahaha oo alam ko sobra ng tagal nun pero hanggang ngayon gusto ko padin siya. Siya si Basty Plaffino Naging magkaibigan kami nung grade 6 dahil pinagtanggol niya ako doon sa mga magnanakaw.
Simula nun halos palagi na kaming magkasama pag may pasok tuwing lunch kasabayan namin siya minsan kumain ng barkada sa table namin at kasama ding lumabas paminsan minsan.
"Goodmorning my beautiful friend!" sigaw ni Basty sakin sa di kalayuan. Eto naman ako kinilig na agad makita ko lang siya di na matutumbasan ang saya ko.
"Goodmorning din!" sigaw ko habang papalapit na siya. Syempre hindi ko pwedeng ipakita sakanya na sobra akong kinikilig.
"How's your summer Angela?" sabay ngiti niya sakin. Shet! Sana palagi nalang ganito ang simula ng araw ko.
"Ayun tinutuloy ko padin yung pag wu-wushu ko. Nagchampion nga ako sa 3 kompetisyon na sinalihan ko eh!" Nagsasalita ako ng parang normal lang para di niya mapansin na super saya ko dahil nagkausap ulit kmi after 2months busy kasi DAW siya.
"Ako pa! Alam ko namang nandyang ka.... Ahh.. Ehh... Kayo! Para suportahan ako." Muntik pa kong madulas dila ko.
Ang sarap ng chikahan naming dalawa ng biglang...
"EHEM...!!" Ay oo nga pala! Si torbs nandito padin inaantay ako.. Bakit kasi di pa to nauna sa classroom eh panira talaga kahit kailan.
"Hey angela see you around! Text you in bit!" hanggang sa nagpaalam na siya samin ni Torbs.
"Tss" Sabay walk out niya. Yun lagi ang reaksyon ni Torbs kapag magkasama kami ni ian ewan ko ba dun sa lalaking yun!
"Weirdo!" sigaw ko sakanya habang hinahabol ko siya
Bago ako pumasok sa Klase inubos ko na muna yung dalang kape ni Torbs para sakin nawala na nga yung init kasi natagalan ang paguusap namin ni ian kaya nawala sa isip ko.
Pagkapasok ko sa klase bumungad na kaagad sakin ang napaka ingay kong bestfriend at nagsigawan na kami agad. Siya si Ashanne Rodriguez
"Hoy bessy! I miss you so much!" sigaw niya sabay yakap niya sakin.
"Baliw ka talaga eh no? Nung isang araw lang nasa bahay niyo lang ako! Duh! "Sigaw ko habang nakangiti
"Ano ka ba?! Isang araw na din yung nakalipas no!" sabay hampas sakin ni ashley habang tumatawa.
Loka-Loka kaming dalawang magbestfriend mahilig kami makinig sa old music at mag chismisan! Syempre di namin papalampasin ang bawat chismis.
Mahal na mahal namin ang isat't isa may tampuhan minsan normal lang yun sa mag bestfriend tulad namin minsan pa nga nag iiyakan kaming dalawa sa fire exit kasi nag selos ako nun sa isa naming friend na girl kasi ang sweet nila. Hahahaha oo lokaret kami. Pero dahil dito naging matatag ang pagkakaibigan namin.
First day syempre pag papakilala nanaman ng bago naming mga kaklase. 4A ang section ko Top class ako kasama ang mga scholar kaya palaging mainit ang labanan sa loob ng klaseng ito.
Nagulat nga ako kasi ngayon ko lang hindi naging kaklase si Torbs nagpalipat daw kasi siya ng section sa 4D. Ewan ko ba dun sa lalaking yun porke daming babae dun sa class na yun! Binababa niya sarili niya dahil sa mga babae niya dun! Babaero talaga yun!
"Tse! Bakit ba ako nag papa affect sa paglipat niya ng section eh kasama ko naman dito si Sweety pie!" bulong ko na medyo napalakas at narinig ni Ash
"Bessy! Sino iniisip mo? At sino si sweety pie?" pa bulong niyang sinabi sakin.
"Nako bessy! Wala yun! Sa palabas lang yun!" pag dedeny ko sana effective!
"Yan kasi kakapanuod mo na kung ano ano." buti nalang effective dahilan ko.
"ikaw ha! Sweety pie pa tawag mo kay Basty!" sabay tawa siya ng malakas. "Napaka corny ng tawag mo!" sabay hagalpak ulit niya ng tawa.
"Bessy!wag ka ngang maingay jan! Baka marinig ka ng iba jan!" habang nakatakip yung kamay ko sa bunganga niyang maingay.
Buti nalang dumating na si Miss yun yung tawag namin sa mga teacher's naming babae at Sir naman pagka lalaki.
Nagpakilala.. Blah. Blah. Blah... Nakinig lang ako nung si Ian na yung magsasalita.
"Bessy tignan mo oh, lahat ng babae na nakatitig lang kay Basty! Dami mong karibal!" sabay tawa nanaman niya
Gwapo kasi talaga tong si Ian mabait pa matalino pa sexy pa! San ka pa! Lahat na ng hahanapin mo sa isang ideal guy ay nasakanya na!
Biglang nag recess bell sakto tapos na kaming lahat magpakilala. Palapit na sana ako kay Ian para ayain siyang mag recess. Kaso ang daming nakapalibot sakanyang babae.
Nasa Cafeterria na kami ni Ash ng makasalubong ko nanaman ang worst nightmare ko! Si torbs!
"Hoy panget! Bakit nag walkout ka nanaman kanina?!" bati ko sakanya habang nagtatawanan sil ng barkada niya. Napatigil silang lahat.
"Manhid ka kasi" seryosong sagot niya sabay walkout nanaman. Si walkout boy yung si panget!
"Hilig talaga mag walkout neto ni panget!" sigaw ko. Lahat ng estudyante napatingin sakin.
"Bessy! Tara na nga at kumain! Wag kang gumawa ng scene dito" sabay hila sakin ni Ash papalayo.
"Bessy iwan muna kita pupunta lang ako dun sa garden ha?"
"Osge bessy dun lang ako sa barkada? Text me ok?" sabay beso niya sakin.
Nakaupo na ako sa ilalim ng punong malaki na paborito namin tambayan ni Torbs. Ng biglang may tumabi sakin...
"Ay bakulaw! Nakakagulat ka naman torbs!" wala padin siyang imik sabay abot sakin ng Frappe.
"Gawa mo nanaman to?" sabay higop. "sarap ha! Bagong lasa nanaman!" di padin siya umiimik habang naka pikit.
"Bakit ba ang sunget mo nanaman ha? mas ok pang inaasar mo ako kesa sa ganyan." Wala padin siyang imik pero nagulat kasi bigla nalang siyang napasandal sakin at nakaindlip na pala ang mokong.
BINABASA MO ANG
It's a beautiful day
Teen FictionHindi alam ni Angela kung bakit hanggang pag tanda nila ni Torbs eh binubully padin siya nito. Hindi niya alam si Torbs ang palaging naglikigtas sakanya sa panganib. Manhid nga lang talaga si Angela sapagkat hindi niya naoapansin si Torbs at ang mas...