2) Dream

5 0 0
                                    

Matagal ko ng inaasam na makapag tapat na ako sa taong gustong gusto ko simula palang. Kaso paano ako magtatapat kung ang pinapantasya niya ay hindi ako at mortal ko pang kaaway.

Ako nga pala si Torbs Francisco simple lang ang pamumuhay naming pamilya dahil hindi naman kami ganun kayaman. Hindi naman ako makakapasok sa exclusive school kung hindi ako scholar. Oo aminado ako matalino at matyaga akong mag-aral.

May isang maliit na restaurant lang kami sa Makati medyo kilala siya dahil malapit ito sa isang Unubersidad doon. Minsan ako mismo ang waiter at cashier doon. Nagwowork ako pagka gabi ang trabaho ko naman ay pagtitimpla ng iba't ibang juice sa isang restaurant sa Timog. Malayo pero pasalamat nalang kasi may motor akong napalanunan sa isang contest mamahalin yung motor kaya akala ng iba anak mayaman ako.

Pagkauwi galing trabaho palagi akong nag eexperemento ng bagong lasa ng kape para maibigay yun sa pinaka papangarap kong babae na alam kong malabong maging kami....... Siya si Angela Silvestre magkalapit lang kami ng bahay dahil nasa iisa kaming village. Sila ay isa sa pinaka mayaman dito sa Pilipinas at nag tatrabaho bilang Architekto ang aking ama sa kanilang kompanya.

Magkababata kami ni Gel. Gel ang tawag ko sakanya sapagkat gusto kong maipadama sakanya na espesyal siya para sakin. Pero hindi ako si Torbs kung hindi ako nambubully. Kahit na pangarap ko si Gel siya ang palagi kong binubully. Mas lalo kasi siyang gumaganda kapag naiinis.

Sana mapansin mo din ako Gel....

Tuwing umaga binibugyan ko siya ng espresso okaya naman ay frappe. Paborito niya kasi ito dahil sakin. Parang kapatid lang ang turing niya sakin at yun yung masakit.....

Yung mga panahong palagi siyang muntik mapahamak ako palagi ang nagliligtas sakanya. Pero bakit ganun? Ako na nga ang nasa harap niya iba padin ang hinahanap niya.

It's a beautiful dayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon