Kabanata I
Folgueras Residencia
1897
Ang sikat ng araw na tumama sa mukha ng dalaga ang gumising sa kanya. Kasabay nito ang kanyang pagbangon sa kanyang higaan upang mag-ayos sa sarili. Si Eleanora Xavieria Folgueras,ang kaisa-isang anak na babae ni Señor Juanito at Señora Teodora Folgueras.
Pagkatapos ng pag-aayos ng kanyang sarili ay iniligpit ng dalaga ang kanyang pinagtulugan. Nilagay niya ang kanyang mga almohada(unan) sa ayos at itinupi ang kanyang cobija(kumot) para itabi sa mga ito.
Bago lumabas ng kwarto ay sinulyapan niyang muli ito. Bumaba sa mahabang escalera(hagdan) ang dalaga patungo sa comedor(hapag-kainan). Dinatnan na niya roon ang kanyang ama't ina kasama ang dalawang kapatid na si Iñigo at Miguel. Mukhang siya nalang ang hinihintay.
"Paumanhin Mama, Papa. Ako'y hindi nakagising ng maaga." Pagpapaliwanag ni Eleanora sa mga magulang.
"Wala iyon anak, umupo kana upang makakain na tayo." Sagot ni Donya Teodora sa kanyang anak.
Masayang nagsasalo sa agahan ang pamilya Folgueras kasabay ng masiglang pagkukwentuhan ng lumapit sa kanila ang criada(katulong).
"Señor Juanito,hinahanap po kayo ng mga guwardiya sibil.Nais daw po kayong kausapin ngayon." Bakas sa mukha ng criada ang takot at kaba sa mga tinuran.Halatang hindi rin siya mapakali.
Mabilis na tumayo ang Señor upang harapin ang mga guwardiya sibil sa labas ng bahay.Sumunod naman agad ang Señora na pinagbilinan muna ang mga anak na wag sumunod sa labas at manatili lamang sa loob.
Ng umalis ang kanilang ina ay nagtinginan ang magkakapatid at tila alam nila ang iniisip ng bawat isa.Dali-dali rin silang sumunod at nagtago sa may malaking bintana.Sapat lamang iyon para makita ang nangyayari sa labas at marinig ang usapan ng kanilang ama at mga guwardiya sibil.Nakita nila ang kanilang ina na nasa likuran ng kanilang ama.
Naisip ni Eleanora ang dahilan kung bakit sinadya ng mga guwardiya ang ama.Batid nito na ang pagpapatayo niya sa isang munting paaralan para sa mga Pilipino ang dahilan kung bakit siya nais makita at makausap.Isang malaking kalapastanganan ito para sa mga opisyales.Dahil mahigpit na pinagbabawal ang makapasok ang mga indiyo o kahit sino man na mababa ang estado sa buhay.Dahil alipin lamang ang turing nila sa mga ito.Ngunit salungat naman iyon sa pananaw ng Señor.Para sa kanya ay wala sa katayuan sa buhay ang karapatan sa pag-aaral.
"Señor, los oficiales le gustaría invitar a usted a los municipios para una discusión importante.(Ginoo,ang mga opisyales ay nais kang imbitahan sa munisipyo para sa isang importanteng diskusyon.)" Bumuntong-hininga na lamang ang Señor dahil alam na niya ang sasapitin.Bumaling ito sa kanyang asawa na si Señora Teodora na umiiyak na.Nilapitan niya ito at niyakap ng mahigpit.
"Mahal ko,alam natin na hahantong din tayo sa ganito kaya ramdam ko na napaghandaan na na natin ito.Ito lamang ang iyong tatandaan,mahal na mahal kita lalo na ang mga anak natin." Nang kumalas na sa yakap ang Señor ay binigyan na lamang ng isang makahulugan na ngiti ang asawa bago siya isakay sa caritela(kalesa) ng mga guwardiya sibil.
Hindi na napigilan ni Eleanora ang kanyang sarili kaya lumabas na ito para puntahan ang ina.Walang tigil ito kung umiyak habang pinagmamasdan ang ama na papalayo.Tiyak na iyon na lamang ang kanilang huling pagkikita.Ang Señor ay sisintensyahan ng kamatayan pagdating sa municipio(munisipyo).Alam nila na wala ng paraan para mapigilan ito.
Pumasok na ang mag-ina sa kanilang tahanan.Akay parin ng dalaga ang ina na bakas parin sa itusura ang pagkabigla sa mga nangyari.Kani-kanina lamang ay masaya silang kumakain at nagkukwentuhan.Sa isang iglap ay nawala lahat ng mga iyon.