Indelible

22 6 0
                                    

Dali dali akong pumasok sa school dahil late na ako. Pero ng malapit na ako sa room namin eh naisipan kong mag ditch ng klase ko.. Yes! Ako si Kira Lim. Sabi nila matalino, maganda, maputi, matangkad pero may pagkasiga! Laging napapaaway at di takot sa mga teachers kahit pa yong mga terrors.

Naglakad ako papuntang likuran ng school ng may mapansin akong magandang tambayan. Para siyang garden na may maraming puno at bulaklak na nakapalibot. Yon bang feel mo ron yong fresh na simoy ng hangin. Di nakaka stress ang tanawin at nakakagaan sa pakiramdam.

Ng malapit na ako sa may punong kahoy ay napansin kong parang may tao. Imbis na matakot ay na curious ako.

Anong ginagawa mo rito? Tanong ng isang lalaki na may magandang pangangatawan, may malaporselanang kutis at kahit na nakatalikod siya saakin eh alam kong may itsura siyang maipagmamayabang sa lahat.
Bakit bawal bang pumunta rito? naiiritang tanong ko kunwari.

Oo, dahil dito ang teretoryo ko! supladong sagot ng lalaki.

Sa paaralan to no kaya may karapatan rin ako rito. sagot ko

Biglang tumayo ang lalaki at tiningnan ako sa mata

Natulala at natameme ako dahil sa nakikita ko ngayon.. Di nga ako nagkakamali gwapo ang lalaking nasa harapan ko ngayon, matangkad,maputi at may matangos na ilong, may perpektong jawline at magandang mga mata.

Feel ko tuloy eh nagkagusto na ako sa kaniya. Ito na siguro yong tinatawag nilang love at first sight.

Are you done checking on me? supladong sabi nitong lalaking ito.

Assuming ka rin eh noh naiirita kunwaring sabi ko

Tinaasan lang niya ako ng kilay! sabay sabing wag ka ng bumalik dito!

Akmang aalis na ito ng bigla kong tinawag.

Mr. Bat ba ayaw mong nandito ako? Wala naman akong sakit ah!

Aalis ako ngayon at wag ka nang bumalik rito! sabi nito sabay alis.

Di ko alam kung bakit ako nakaramdam ng panghihinayang at kunting kirot sa dibdib.

Napagpasyahan kung pumasok na muna sa Room dahil talagang papagalitan na ako! 

Buong klase akong lutaw! di ko alam kong bakit di mawala sa isip ko si Mr. Sungit.

Ng sumapit na ang uwian eh napagpasyahan kung pumunta sa tambayan..tambayan ni Sungit!

Nakita ko siyang naka upo yakap yakap ang tuhod at nakasubsub ang mukha sa pinagsaklob niyang mga kamay. Meron ring dalawang sandwich at isang Minute Maid.

Di ka pa uuwi? tanong ko sa kaniya.

Ano bang ginagawa mo rito? Sabi ko sayong wag ka ng bumalik. sabi nito sa ganoong posesyon pa rin.

Di ko siya sinagot at nanatiling tahimik ang paligid.

Lumipas ang ilang minuto at tinanong ko uli siya.

Di ka ba kakain?

Ano bang paki mo? Pag kinain ko ba yan di na magugutom ang mga batang nasa lansangan? Yong mga batang wala ng magulang na nag aalaga sa kanila! Di naman diba kaya please lang...

Pero...

Please, kung gusto mong tumambay rito wag mo kong kausapin!

Di ko namalayang nakaidlip na pala ako.

Gising nako pero nanatiling nakapikit ang aking mga mata. Naramdaman ko nalang na may humahaplos sa pisngi ko at may mahinang yumuyugyug sa akin..

Minulat ko ang aking mga mata at nasilayan ko ang kaniyang mukha. Ang kaniyang napakagwapo at halos perpektong mukha.

Tara na uwi na tayo at mag a alas 6 na.

Don ko lang napansin na medyo madilim na dali dali akong bumangon at tinignan siya.

Salamat sabi ko

Hindi siya sumagot at naglakad na. Sumunod ako sa kaniya hanggang sa maabot namin ang may gate..

Liningon niya ako at sinabihang mauuna na siya sabay lakad papalayo saakin.

Nang sabihin niya yon ay nakaramdam ako ng parang bolta boltaheng kuryente sa katawan ko. First time siyang magsalita ng mahinahon sakin kaya ganon nalang ang naramdaman ko.

Nakita ko ang kotse namin kaya dali dali akong pumasok.

Siya lang ang laman ng isip ko buong byahe hanggang sa makauwi na ako sa amin.

Di ko rin namalayan ang oras at lutaw na lutaw talaga ako. Di ko man lang namalayan ang pagkain ko ang pagtoothbrush ko dahil sa kalutangan.

Nakahiga na ako ngayon at siya parin ang nasa isip ko. May gusto na ba talaga ako sa kaniya? Mahal ko na ba siya? Ano ba itong nararamdaman ko? Yan ang mga katanungan na di ko masagot hanggang sa makatulog nako.

 Indelible Moments With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon