STUPID CUPID: "What is LOVE?"

2 0 0
                                    

STUPID CUPID: "WHAT IS LOVE?"

CHAPTER 1:

Dear God,

Ask ko lang. What is love?

With love & faith,

Stupid Cupid<3

~MORTAL'S POV~

"Sa isang kaharian na ubod ng ganda, saya at payapa, at kung tawagin ay Langit, may isang anghel na libang na libang sa panunuod sa mga mortal sa mundo. Lagi siyang sumisilip sa mga ulap para mamangha sa mga tao, kung paano sila nabubuhay, nag-iisip, nakikisalamuha at higit sa lahat nagmamahal. At dahil na rin dito, nagtaka siya. Napaisip na sa tinagal-tagal niyang sinusubaybayan ang mga tao hindi pa rin niya talaga alam o maintindihan kung ano nga ba ang konsepto ng pag-ibig.

"Nagtanong-tanong siya sa mga kapwa niya anghel ngunit hindi rin nila alam ang sagot. Hanggang sa tinanong niya ang tanging nilalang na may alam ng lahat, ang tanging nilalang na may nilaang plano para sa bawat nilalang na nabubuhay, ang Lumikha.

"Bilang sagot, binigyan siya ng pagkakataon ng Diyos na siya mismo ang makasagot sa kanyang mga katanungan. Ginawa siyang anghel ng pag-ibig at pinababa sa Lupa. Kaakibat nito ay ang isang misyon. Kailangan niyang tulungan ang isang mortal na umibig ng totoo bagamat hindi daw ito marunong magmahal at ibalik ang pananalig nito sa Kanya.

"At IKAW yun!" - sabay ngiti niya naman at bow.

" At ineexpect mo namang maniniwala ako? Baliw ka ata eh! Kapag hindi ka pa umalis sa condo ko tatawag na ko ng security!"

Baliw na ata tong babaeng to ahh... Ano ko t@nga?! Gusto pa ata akong perahan!

"Bakit ba ayaw mong maniwala!? Naman eeh!" - pagmamaktol niyang sabi.

Aba! Biruin mo ba naman, 30 minutes na kong kinukulit nito sa mga kabaliwan niya! Ang hindi ko pa maintindihan ay kung paano siya nakapasok dito sa condo ko! Nagising na lang ako sa pangungulbit niya.

"Pwede ba lumayas ka?! Alam mo bang trepassing ka?! Tatawag ako ng pulis!"

Tumayo ako at itinulak siya papunta sa pinto. Kapag hindi ko pa to pinaalis malelate na ko sa board meeting mamaya.

"Di pa ko maaaring umalis! Ni hindi ko pa nga nauumpisahan ang aking misyon sayo eh! " -sabi niya habang nagpupumilit itulak ang pinto pabukas.

Mananalo ba naman to sakin? Tinulak ko ng pagkalakas ang pinto hanggang sa tuluyan na yung nagsara.

" Sa wakas naman! Ano ba yun? Baliw o baka naman nakasama ko sa bar? O baka naman bagong style ng mga magnanakaw?!"

Nagtatakbo ako sa aking kwarto para tignan ang voult ko.

CHECKING...

Company papers...Cash...Titulo ng properties...

Wala namang nawala. Buti naman. Chineck ko din yung appliances, laptop at mga gadgets ko. Wala namang kulang.

"Nakakapagtaka naman. Ano ba yun? Paano nakapasok yun?"

Lumapit ako sa pinto ng condo ko at chineck ang knob.

"Baguhin ko na kaya ang pass code ko? Bakit naman nagkaganito ang security? Never pa to nangyari ahh? Kaya nga dito ako nagstay kasi the best sa lahat ng bagay specially sa Security. Makalipat na kaya?"

"Baka naman stalker na naman?! Hay naku naman oh!!! Kailangan ba ko titigilan ng mga social climbers na ito?! Sayang ang ganda pa naman niya."

Hinayaan ko na lang at nag-ready na ko sa pagpasok.

STUPID CUPID: &quot;What is LOVE?&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon