Chapter 3: Meet the Boss

5 1 0
                                    

Faith's  POV

Nagising ako sa isang magandang kwarto. The heck? Paano ako napunta dito? Hinawakan ko ang ulo  ko dahil medyo sumasakit.

"Good Morning Babe" Napalingon ako sa nagsabi nun at bumungad sa akin ang isang gwapo at makisig na lalak-

"Whaaahh" Sigaw ko! Ano bang nangyare? Anong ginagawa ko rito.

"Remember what you did?" Malamig na tinig niya. Paanong naging cold agad siya?.

"Get up. Maligo ka at isuot mo ito!" Tsaka niya hinagis sa akin ang isang damit, umalis naman siya pagkatapos.

Tinignan ko ang damit na binigay niya sakin.

0_0

Seriously? Bakit pang maid to? Balak niya ba akong bigyan ng trabaho bilang katulong huh?!

"Much better! Kesa naman walang trabaho" Haha. Nagbihis na nga ako tsaka bumababa.

Nakita ko ang mga kasama kong katulong pero ang creepy nila. Parang kahit anong oras mapapatay ka nila? Ewan para silang laging handa.

"Excuse me po, ano pong gagawin ko?" Tanong ko sa parang nakakatatas dito. Tiningnan niya ako ng nakakunot.

"Ikaw ba yung bago?" Malamig din ang pagkakasabi niya. Creepy.

"O-opo" Sagot ko naman ah.

"Ah. Oh ikaw maglinis ng kwarto ni Boss" Sabay bigay niya sakin ng mga gamit pang linis.

"Boss po? Sige po san po ba banda yun?" Tanong ko. Eh kasi naman bago nga lang ako diba?.

Hindi niya ako pinansin at basta nalang niya ako tinalikuran. Dumiretso nalang ako paakyat.

Hays, hahanapin ko na lang kung ayaw niyong sabihin. Ang hirap palang maging katulong, Sayang naman ang talino ko dito.

Sa paglalakad ko sa Hallway ng malaking bahay na ito. Napansin ko ang Dark na pinto, masyado itong malaki kumpara sa ibang pinto ng mga kwarto.

'Baka ito na yun? Hayss, bahala na nga'

Dahan dahan kong binuksan ang pinto tsaka pumasok. Nakapanlilinlang pero nakapatay ang ilaw ng buong kwarto. But still, nakikita ko parin naman.

Hinanap ko agad ang switch tsaka binuksan it-

"What are you doing here?" Kinabahan ako sa nagsalita. Nanlilisik ang mga mata ng taong nasa harap ko ngayon. Siya na naman? So siya ang boss?.

"A-ah E-eh Maglilinis daw po ako dito" Sagot ko nalang.

"No! GET OUT!" Sigaw niya dahilan para tumakbo ako paalis sa lugar nayun.

Nakakatakot

Nakakanginig

Nakakakilabot

Bakit? Anong meron sa mga mata niya? Bakit natatakot ako? I can do whatever I want! But why?! He's freakin' creepy!.

Paanong nangyari na natakot ako bigla sa kaniya? Tumakbo lang ako ng tumakbo dirediretso at hindi ko na napansin ang hagdan pababa, hindi ko na control ang bilis ko sa pagtakbo kaya-



"First Aid Kit!" Sigaw ng isang babae.

"NO! Kailangan niyang dalhin sa Ospital!" Mahinahon na sabi ng isa. NO! Hindi ako pwede sa Ospital baka malaman nila...

Huli na para tumanggi ako, dahil nilamon na ako ng kadiliman.





---
So how was it? Okay lang po ba? Kung may suggestion po kayo ay open ako sa critic.

Vote, Comment, Add to your Library or Reading List. Follow me.

Thanks in advance, Loblotttss, Godbless :)

Hunter's Love (ON-GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon